Part 1: " Warmup "

596 24 5
                                    


* HOY!!! PINOY AKO!!! BUO AKING LOOB MAY AGIMAT ANG DUGO KO WOII!!! *(vibrate vibrate)

Sa lakas ng cellphone ng mama ko na ginawa kong alarm clock nagising ako bago mag chorus ulit ang kantang ginawang national rock song of the century ni bamboo.

Ayun oh!!! Goodmorning!!!

Bihira akong magising ng ganito kaaga 5:00am, Excited kasi akong pumasok sa school eh. 1st day kasi ngayon.

Haay! Natapos na rin ang dalawang buwan na sobrang bitin na bakasyon

Ngayon ang unang araw sa huling taon ko sa Highschool.

Bumangon nako kahit alam kong ala naman akong gagawin kundi hintayin si mama na magising at mag luto ng almusal

* bumaba nako galing sa kwarto *

Nag-warm up kunwari, pero hindi talaga warm up na matatawag ang ginawa ko. Naupo ako sa upuan habang nag kukunwa kunwariang marunong mag yoga.

Hindi talaga ko marunong mag yoga pero pakiramdam ko cool yun tignan, ang cool kasi eh YOGA parang isa itong proseso ng pag papalakas ng mga kapangyarihang ispiritwal sa ating katawan. Madali lang naman gawin ito.

MGA HAKBANG SA PAG YOYOGA

Umupo ng naka paekis ang paa Idiretso ang likod Pumikit

( Para sa special effects itutok ang electric fan sayo para humahangin hangin ang buhok mo )

Kung makakapag yoga ka sa ilalim ng waterfalls oh kaya sa itaas ng mount Pinatubo nakopo! Ibang lebel na yon

Pag nagawa mo ang mga ito, YOGA MASTER KANA! pwede mo ng kausapin si Master jerimayah sa mundo ng mga ispiritu

Ilang minuto pa ng pag pikit may bumababa sa hagdan.

Si Mama gising na pala sigurado mag luluto na siya ng makakain. Almusal ang paborito kong meal of the day puro masarap kasi ang niluluto sa almusal (hotdog,meatloaf,sausage,itlog,payless,tuyo) ito ang 6 na klase ng ulam na palaging kinakain sa bahay namin tuwing umaga pero hindi pwedeng mawala ang sawsawang kilala na ng aking dila, sawsawang matatawag kong tagasalba ng lasa ng ulam... ANG KETSUP masarap kumain ng may ketsup lalo na yung PAPA KETSUP maanghang matamis masustansya makarne malinamnam masabaw mamula-mula yan ang mga katangian ng PAPA KETSUP.

Tumakbo na ang oras na mahirap habulin

Pag katapos kumain ay naligo nako pagkatapos patayin ang malamig na tubig sa pamamagitan ng kumukulong tubig sa takure.

Sa bawat buhos ng tubig sa katawan kong pinagseselosan ng mga bench model sa buong pilipinas ay kasabay ng pagkanta at pagisip ko sa mga pangyayari sa universe. Totoo ang mga sinasabi nila na nababasa ko sa internet minsan, Pag naliligo ka dun mo lang naiisip ang mga bagay bagay na umiikot sa mundo. Kung pano nag simula ang universe, Kung ano ang pinakaunang nangyare sa buong galaxy, Kung bakit iba ang gravity sa earth kumpara sa ibang mga daigdig, Kung pano nailagan ni Majinbuu ang energyball ni goku kahit na sobrang bagal nito at sobrang bilis niya, Kung nagkakaintindihan ba ang amerikanong aso at ang pilipinong aso pagnagkita sila, Kung bakit consistent na piso dalawa ang presyo ng fishball, Kung tinawag nga bang orange ang orange dahil orange ito oh orange ang tawag sa kulay ng orange dahil kulay orange ang prutas nito ah ewan madami pang iba.

6:45am BIHIS na.

Suot ko na ang Uniform kong sobrang puti na binabad sa SURF at pinabango ng Downy. Hindi ako mahilig mag lagay ng kung ano ano sa buhok, tamang suklay lang hagod dito hagod doon tapos tingin sa salamin

* NAKS! Captain barbel ikaw ba yan? ANG GWAPO MO! haha talent ko ata mang uto kaya pati sarili ko nabobola ko na.

Hay! kumpleto naba ang gamit ko?

NOTEBOOK 8 PCS TRIBAL COVER: CHECK

PILOT BALLPEN BLACK: CHECK

1WHOLE PAD PAPER : CHECK

Mp3: CHECK

Gameboy Advance: CHECK

Accesories: N/A

Baon MAMA! alis na po ako: ahem ahem

50 pesos ang baon ko araw araw, sapat na yun para makapasok sa skwela at makauwi pa rin na walang kulang sa katawan.

Teacher kasi ang mama ko sa eskwelahan na pinapasukan ko kaya siya na ang bahala sa baon na pang saming dalawa sa tanghalian.

Ayun kumpleto na ang mga sandata ko para mabuhay sa umaatikabong digmaan ngayong araw na ito!

Lumabas nako ng bahay sinaksak ang MP3 sabay tunog habang nag lalakad papuntang sakayan ng jeep.

Now Playing: Dragonfly by Spongecola

maybe Im a little addicted

maybe I just cant get out of this

maybe it is just too soon to say

juskopo! Tae naman! hindi ko pala nacharge tong mp3 ko lowbat agad! Nakalimutan ko palang icharge bago ako matulog kagabi, hindi man lang umabot ng chorus yung batirya ng mp3 ko lowbat na, pero para mukang cool hindi ko muna aalisin ung mga earphone para kunwari may pinapakingan pa rin ako habang nasa Ford.

Ford - Para sa mga hindi nakakaalam ang Ford ay ang medyo pina high-tech... teka teka PINALINIS version pala ng JEEPNEY, para sakin kasi mas mukang malinis tignan ang FORD kesa sa JEEPNEY pero hindi naman ako maarte sa sasakyan, basta maluwag.

Ayun kung sweswertihin ka nga naman! walang tao sa harap ng Ford pwera sa Driver na may masalimuot na hairstyle. Yun ang paborito kong pwesto sa ford ang tabi ni Manong Driver, meron kasing salamin sa gilid ng bintana para masilip silip mo ang peys mo at maayos ayos ang buhok. Sa walong minutong byahe papuntang eskwelahan bilang na bilang ang aking mahigit isang daang beses na tumingin sa salamin, ng malaman kong ang babae sa likod ko ay tinitignan pala akong patingin tingin sa salamin. Nakakainis yung ganung trip ni ate pasilip silip saken.

Juskopo pogiproblems

Pag katapos mag bayad kay Manong Driver bumaba nako sa skwelahan! haay ITO NA!!!!


BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon