Part 27: " Malansang usapan "

112 5 0
                                    

Para kong batang hindi makagalaw dahil sa parating na sermon ng magulang

Tahimik ang lahat, ultimo mga tricycle driver huminto sa pasada, huminto din sa pagluluto ng banana cue ang tinderang nakainan namin, parang laban ni pacquiao ang naganap, tumigil ang mundo sa pagikot..... pero hindi literal, Mundo ko lang.

Hindi pa rin sumasagot si alexis pero nakangiti pa rin siya, hindi pa rin niya inaalis sa labi niya ang mga ngiting hangang ngayon eh dahilan sa mga magagandang panaginip ko tuwing gabi

Lumapit si alexis sakin ng may kakaibang aura, taglay niya ang Alexis aura

Alexis Aura – Slows down the enemies movement speed by 50% and enable alexis a 50% chance to stun the enemy for 5 seconds

Para kong ginamitan ni Sasuke ng pinakamatinding stilo ng mga Uchiha sa paglapit pa lang ni alexis

Alexis: Hmmmm parang ang bilis bilis mo naman ata Mr.Turon eh kung mangligaw ka muna kaya?

Ako: Ayyy talaga pwede kong mangligaw?

Alexis: Yun eh kung tatapang yung daga mo sa dibdib, oh diyan kana ha txt moko pagnakauwi kana kailangan ko ng pumasok

Ako: Ahmm Hokey??

Alexis: Magtxt ka paguwi mo para alam kong nakauwi kana

Umalis ako ng Masaya pero naguguluhan

Bakit kaya ganon ang mga babae, kung papayag silang ligawan sila ibig sabihin may nararamdaman din sila para sa manliligaw nila, eh bakit kailangan pang ligawan sila? Kung alam naman nilang may gusto sa kanila ang manliligaw nila eh bakit hindi nalang nila sagutin agad? HANGULO !!

Nakauwi ako ng tulala, hindi naman kasi ako nabusted pero hindi din naman ako sinagot

At saka kinakaharap ko ngayon ang isa sa mga pinaka mahirap na kalbaryo ng mga lalaking may alagang daga sa dibdib at yun ay ang mangligaw ng hindi korni ang dating

Dinala ako ng mga paa ko palabas ng bahay, nag mumuni muni habang nag iisip ng next move ko para madagdagan ng kulay ang love story namin ni alexis

Lakad dito lakad doon, para na naman akong tangang palakad lakad habang bumabanga sa mukha ko ang mga kulisap sa daan

Umupo ako sa tindahan para amuyin ang sariwang usok ng inihaw na barbeque, siguro ay hindi ako inlab siguro gutom ako kaya ako dinala dito at hindi paa ko ang nagdala sakin kundi ang ilong kong parang minagnet ng amoy ng barbeque

Umupo ako sa tabi ng isang lalaking kumakain ng isaw, hindi ko siya tinitignan kahit parang pamilyar sakin ang amoy niyang nakapitan na ng usok ng ihawan...

Bigla nalang siyang nag salita na siyang kinagulat ko, parang hindi ko nga siya kilala ng nagsalita na parang matagal na panahon nakong nawawala sa mundo

Jose: HOY bat parang nalugeng ewan ka?

Ako: Huy ikaw pala, nakakagulat ka naman akala ko holdaper

Jose: Holdaper? Langya eh cellphone mo pa lang pwede ng pamato sa paway eh

Baka nga pagnakita ng manghoholdap cellphone mo bigyan kapa ng pang almusal eh HAHAHA

Tindera: HAHAHA

Jose: Oh? Ano bang problema mo? Baka may maitulong ako kahit ano yan alam mo namang expert ako sa lahat ng bagay eh

Ako: Kasi yung ( pabulong akong nag salita ) crush ko eh

Jose: WAHAHAHA eh ano naman nangyare sa CRUSH MO?!?!!! ( Rinig ng lahat ng nasa ihawan )

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon