Part 33: " Campfire "

94 3 0
                                    

Madaming klase ng yakap sa mundo. Yakap sa dilim, Yakap magkaibigan, Yakap pamilya, Yakap papasasalamat, Yakap nangdidiri, Huling yakap sa mundo at iba pa pero wala ng tatalo sa unang yakap sa taong mahal mo

Napakasarap ng pagkakayakap ko kay Alexis, parang yumakap na rin ako sa bitwing hangang tingin lang ako dati.

Alam kong gising ako pero kinurot ko ang pisngi ko para masigurado na hindi ako nananaginip lang sa mga oras na ito at totoo lahat ng nangyayare sa paligid ko

Parang may isang kilong pandikit na naka pagitna samin ni Alexis, hindi ko matangal ang pagkakayakap ko.. Parang may kung ano sa pandinig ko ang nagsasabing " Hoy sobrang tagal mo na sa pagyakap time kana "

" Extend pa po "

Unang bitiw ko kay Alexis, bumitiw ako sa kanya at ganun din naman siya, hinagod niya ang mga buhok sa gilid ng tenga niya at medyo kinikilig na bulate na naman ang porma ko... Tingin sa lupa, tingin sa kanya, ngiti...Tingin sa lupa, tingin sa kanya, ngiti...

Tingin sa lupa, tingin sa kanya... Ngiti .

Speechless kaming dalawa... hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. Ganun din naman siya na panay ngisi lang ang ginagawa at walang sawang pagtaas ng dalawang kilay habang ngiti sakin

Ako: Punta muna ko dun

Alexis: San?

Ako: Sa puso mo ( Pigil na pigil na ngiti lang... korning banat na alam ko epektib )

Alexis: Haha andito kana noh, kung baka banat ka diyan... Ay wait lang punta lang ako dun

Ako: San? Sa room?

Alexis: Sa Isip mo

Ako: Sus, katagal mo na nga dito... Ay teka kung andito kana sa isip ko? Sino yung asa puso ko magkakambal ba kayo? Hahaha

Nag tawanan kami ni Alexis dahil sa mga korni naming mga banat sa isat isa... Inalalayan ko siya palabas ng Garden na natakbuhan naming dalawa... Wala na namang nag sasalita samin. Madaming halaman sa Garden, madaming rosas at iba pang klase ng halaman na wala akong ideya kung ano. Madaming nakakatusok na halaman kaya para kaming bagong kasal na di mapaghiwalay lang kami ni Alexis habang nag lalakad.

Hakbang hakbang... Dikit kamay.... Hakbang hakbang... Dikit kamay

Parang binabad ang kamay ko sa tubig habang bumabanga sa nakasaksak na kung anong wire ng kuryente.. Kada banga ng kamay ko sa kamay niya ay nagkakatinginan kame tapos sabay kaming ngingiti habang yumuyuko ang mga ulo naming paharap sa lupa...

Alexis: Okay lang....

Ako: Ha? Anong okay lang? ( Kunwari hindi ko alam )

Alexis: Wala haha diyan kana nga may mumu diyan

Binilisan ni Alexis ng bahagya ang paglalakad niya... Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niyang " Okay lang "

Pinunasan ko ang kamay ko, sabay habol sa kanya... Hinawakan ko ang braso niya para sabay kaming maglakad...

Alexis: Oh bakit?

Ako: Takut aku sa mumu ihhh

Alexis: Hahaha sira

Parang binuhusan ng lotion ang braso ni Alexis... Mula braso automatic na bumaba ang kamay ko para mahawakan ko mismo ang palad niya.. Kinakabahan ako, Dumampi ang kamay ko sa kanya sa unang pagkakataon... nanginginig ako, parang hindi ko kontrolado ang kamay ko, nag lock yun sa kamay niya. Nagsara na ang dalawang palad namin habang naglalakad palabas sa Hardin. Tanging mga Salaginto? Tanging mga Fireflies? Tanging mga insektong umiilaw lang ang nakasaksi ng nangyayare saming ito...

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon