Part 32: " Harana "

172 6 4
                                    

Sama sama naming tinahak ang daan papunta sa sinabing building na pinag mumultuhan ng estudyanteng nagpakamatay dito. Halatang halata sa mga tuhod namin ang kabang nadarama. Sumumpa na rin kami na kahit ano pang mangyare ay dapat maging buo ang aming mga loob sakaling may makitang hindi inaasahan. Nakakatakot talaga ang simoy ng hangin sa hallway na nilalakaran namin.

Para kaming mga sundalo na pupunta sa kweba ni medusa, Pero wala ng atrasan to... Nakataya na ang mga buhay namin.

Lumampas na kami sa mga Classrooms ng mga 4th year, habang palapit kami ng palapit sa building na puno ng horror ay paunti din ng paunti ang mga taong nakikita namin. Nauuna si Tenga sa paglalakad, holding hands si Kate,Alexis at si Denise nasa likod naman si Meji, Mark at si maykel na may kasamang Josephine keychain sa braso.

Pagkatapos ng isang linggong hindi namin pagpapansinan ni Alexis ay hindi ko siya masisisi kung naiilang din siyang dumikit dikit sakin pero wala nakong magawa dahil kasalanan ko naman yun.

Napahinto kami sa isang malaking puno, sabay sabay kaming lumunok ng laway at nag tinginan.

Tenga: Oh... Game? Walang sisigaw ah dikit dikit lang tayo...

Denise: Wag na kasi tayong pumunta diyan...

Tenga: Edi maiwan ka dito kung gusto mo...

Denise: Oh talaga! Maiiwan ako dito bahala kayo diyan

Maykel: Tenga diba ito yung sinasabing Puno na may Kapre?

Tenga: Ou nga! Yung huling tumambay dito hindi pa rin natatagpuan hangang ngayon eh

Denise: Kasi naman Ihhhh!

Humawak agad si Denise kay Kate at Alexis at sabay sabay uli kaming tumingin sa landas ng kadiliman.

Baon ang isang flashlight, binuksan ni Tenga ang Flashlight na dala dala niya.. Dahil sa sobrang dilim ng paligid ay nakafocus lang ang mga mata namin sa bilog na liwanag ng flashlight na tinututukan ni Tenga, Kung san matutok ang flashlight ay dun din kami nakatingin...

Dikit dikit naming pinasok ang entrance ng building... Wala ni isa samin ang nag sasalita.... Siguro ay bawal talagang gumawa ng kung anong kakaibang tunog sa mga oras na ito kung ayaw mong makutusan ng wala sa oras.

Walang hirap naming inakyat ang 2nd floor ng building... Natutok ang liwanag sa mga paintings ng scientist na nakadisplay sa mga classroom

Tenga: Tignan niyo yung picture nung matanda nakatingin saten oh

Mark: Hala ou nga!

Biglaan namang linagay ni Tenga ang flashlight sa ilalim ng baba niya na naging daan para mas maging nakakatakot ang normal niyang anyo dahilan para mas humigpit ang yakap ni Josephine sa braso ni maykel.

Tenga: H A L A Aaaahhhhh!

BOOOGZ!

Sa ginawa ni Kate kay tenga ay siguradong hindi na uulitin ni Tenga ang ginawang pananakot...

Tenga: Dampi ng pagmamahal..

Medyo nagkatawanan ang grupo ng may marinig kaming tunog na nagpataas ng mga balahibo naming lahat

AWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Mark: HALA ANO YUN?

Ako: Baka wolf

Alexis: Aso lang yun! Syado ka

Tugs Tugs Tugs Tugs... Medyo napangiti ako sa sinabi ni Alexis, alam kong walang kwenta yung sinabi niya pero natuwa lang talaga ako dahil may sinabi siya. Lalo tuloy tumataas yung confidence ko na kausapin siya dahil mukha namang ok nako sa kanya.

BuhayhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon