Chapter 1: What the heck!

944 19 4
                                    

CHAPTER 1: WHAT THE HECK!

“Ang lakas naman ng ulan.” Bulong ko sa aking sarili habang sinusubukan kong takpan ang aking ulo ng dala kong aklat upang makaiwas sa ulan.

Nasa loob na ko ng campus at talagang nararamdaman ko na ang ginaw at panginginig ng aking katawan.

First period ng klase ko sa hapon at ako’y basang basa. Sinubukan kung pumasok ng tahimik sa aking silid-aralan ng bigla na lang akong banggain ng aking kaklase dahilan kung bat ako nadapa sa may bandang pituan.

                                                                                                                                                                         

“Miss Magsaysay!”

Sinubukan kong tumayo ng maayos sa aking pagkakadapa nang nagsimula ng magtawanan ang aking mga kaklase.

“Aaa...aa..hh Good Afternoon Maam....” sabay bigay ng napakapekeng ngiti.

“You are late! Again! And this time you’re wet.”

Naman o. Sermon na naman to! Bakit ba! Eh sa nabasa na ko ng ulan maam, eh. Kasalanan ko bang walang takip yang hallway ng campus para makatawid ng maayos papunta rito ah! Tss.

“A..aah, ano kasi maam...”

“Patuyuin mo na muna sarili mo , sa bagay you’re not allowed to enter the first period ng klase ngayon since you’re late.”

“Peroo maam...”

“Just go, punta ka ng clinic baka magkasakit ka pa nyan.”

Aish! Nakakainis naman o. Nagsakripisyo pa naman akong mabasa ng ulan para lang umabot sa klase, pero sus palalabasin lang pala. Haaay L

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon