Chapter 15: First Love Never Dies

283 5 1
                                    

CHAPTER 15: FIRST LOVE NEVER DIES

ERIN’S POV

Kahit kelan talaga yang Cedric na yan! So yun, napagdesisyunan ko ng wag na lang syang sundan. Eh sa ayaw nya rin eh, saka alam kong naiirita nay un. Grabe yung mood swings.

Tumigil na ko sa kasusunod sa kanya, pumunta na ko ng gate para umuwi na rin. Napapagod na ko. Hahaha. Saka katatapos lang ng exam, siguro itetreat ko na lang yung sarili ko sa mall.

“E—e—rrii... Erin?” Isang boses ang narinig ko na galing ata sa likuran ko. Lumingon naman ako para makita kung sino yung tumatawag sakin.

“Erin... Shontelle Magsaysay? Erin! Tama ikaw nga!” Dugtong nya.

“Ah? Oo, ako nga...  Sino po sila?” Naguguluhan kong sabi, habang tinititigan ko sya ng mabuti. Wala nakong ibang masabi. Medyo pamilyar sya, yung mga mata nya pamilyar.

“Mukhang di mo na ako kilala ah... sa bagay ang tagal na rin naman kasi nating di nagkita. Kumusta ka na?” He said smiling habang tinatanggal niya yung bonnet niya.

“Teka... Ikaw ba yan Terr..ren..ce? Oh no... Terrence Andrew Imperial!? Hahaha! Ikawww ngaaa!” Siya nga to! Di ako nagkakamali hahahaha OMGGGGGG!!!! Terreeeennnccceeeee!! Ang pogi mo parin!

“Hahaha! Kala ko di mo na ko kilala eh!” Sabay ngiti. As in? Wag ka masyadong ngumiti please! Naku! Kinikilig kasi ako!! Hahaha. Malandi ako ngayon, bakit ba!

“Sus! Eh makakalimutan ko ba yung first love ko...” Pabulong kong sabi. Shooot! Ang pogi nya parin! As in aaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!

“Ah? May sinasabi ka ba?” Tanong nya.

“Aisshh... Aahh eehh wala... Ang sabi ko, napadpad ka ata dito? Ang layo kaya ng Zamboanga o!”  Shoot! Muntik na yun ah! Buti naman at di nya narinig. Aish!

“Ah yun ba? Matagal na kaming lumipat dito. Nung second year pa lang tayo.”

Tama sya nga si Terrence Andrew Imperial. Classmate ko sya mula nung grade two hanggang grade six. Sus! Tandang tanda ko pa nung valentines day namin noong grade four  pa kami. sya talaga naging partner ko nung search for KING AND QUEEN OF HEARTS. Ahh kinikilig ako kapag naaalala ko yun!!! Chaaaar!! 

Hanggang grade six ko talaga syang partner ah! Saka three consecutive years talaga kami naging magpartners! And three years na undefeated champions ng search! Pasalamat sila at gumraduate na kami at dun lang nagkaron ng chance yung iba. Hahaha.

Classmate ko sya dun sa Zamboanga. Oo taga Zamboanga City po ko. Lumipat lang kami dito sa maynila kasi nga dahil  dun sa offer ng Auntie ko sakin tapos since sina nanay eh andun na rin naman sa Quatar nung grade 5 pa ko so napagdesisyunan nina mama na tanggapin ko na lang raw yung offer nina Auntie. Pero nung high school na ko lumipat dito ah.

Tandang tanda ko pa. Crush na crush ko yan Si Terrence my labs. Eeeh, ang bait eh, saka matalino pa! Yay! Ang saya ko lang kasi nakita ko sya ngayon. Hahaha! Pero teka ano naman kaya ginagawa nya dito?

“Uhhmm... Erin?... Hello? Erinnn... Uy! Okay ka lang?”

“Ahh?... Aaa..aahh oo! Ay sorry!” Hala ka naman, ang tanga ko siguro kanina. Di ko namalayan, masyado akong nacarried away sa story ko tungkol sa kanya.

“San ka pupunta?” Tanong nya.

“Pauwi na ko. Uhm... Terrence, ano ginagawa mo dito?” Layo ng narating nya ah! Infairness. Zamboanga to Manila. Ganon?

“May hinatid lang ako dito. Saka hindi ko talaga inaasahang makita ka dito. So dito ka nag-aaral?” Halata naman siguro no? Hahaha. Pero dahil labs kita, hala sige sasagutin kita ng matino.

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon