Chapter 24: Jealous?

190 4 0
                                    

CHAPTER 24: JEALOUS?

ERIN’S POV

So yun, andito na kami ni Terrence ngayon sa Cafeteria. Kahit umayaw ako eh pinilit nya parin akong sumama. Dapat raw kasi may laman yung tiyan ko. Kaya dapat raw kumain talaga ako tuwing recess.

Eh kumakain naman talaga ako eh! Sadyang di nga lang araw araw kasi nagtitipid ako.

Yun nga... As expected, pag sya kasama ko TREAT nya parati. Alam kong advantage ito kasi nagsesave ako at nagbubudget ako kasi nga nangungupahan lang ako. Pero hindi naman ata ito tamaaaa!! Nahihiya na talaga ako!! Parati nya na lang akong nililibre!!!

“Hayaan mo Terrence babawi ako sayo...” Bulong ko sa sarili ko.

“Eh? Erin? May sinasabi ka ba?”

“Ah?! Naku! He. He. Wala... wla...” Napakamot na lang ako sa ulo ko. Aish! Narinig nya pala?

“Let’s eat!” He smiled at me.

“Nga pala Erin, I’ve heard na nagcutting classes ka raw kahapon. Astig! Hahaha.” Tumatawa sya habang sinusubo na nya yung cake.

“Ah? Ano kasi...” Napakamot lang ako sa ulo ko. Nakakahiya naman. Kababae kong tao lakas kong magcutting class! UWAAAAAH! First time yun! Pramis! Kaya big deal sya para sakin.

Pano ko ba to sasabihin? Pumunta kasi kami ng mall ni Cedric?

Uhmm, hinabol kasi kami ng mga armadong lalaki? Ayy armado talaga teh? HAHAHAHA! Aisshh!! Natatawa na lang ako sa sarili ko. Hahahaha!

“Nalaman ko na magkasama kayo ni Cedric kahapon... Talagang whole afternoon yun... Totoo ba yun?” Sabi nya habang pinaglalaruan ng spoon nya yung icing ng cake.

“Ah... San mo naman na---rinig yan? Ehe...” Ang awkward namang pag-usapan.

“Saka whole afternoon raw kayong nasa clinic dalawa? Saka binantayan mo raw sya? Talagang mas pinili ni Erin na makapagcutting class para maalagaan lang si Cedric ah...” He smiled lang. Pero it seems that yung ngiti nya eh hindi gaanong sincere...

“Oy... Terrence naman... Ano naman ibig mong sabihin jan?” Nagtataka ako. Ang soft lang kasi ng tono ng pananalita nya. Di ako sanay...

Kasi diba nga si Terrence eh makulit yan. Tapos madaldal, pero ngayon mukhang seryoso yung aura nya. Minsanan ko lang nakikita tong mga ganitong side ni Terrence.

Tiningnan ko sya. Nahuli nya kong nakatitig sa kanya. Kaya umiwas agad ako ng tingin.

“Erin in any case ba may gust---“

“Aray!” Sigaw ko. Biglang napatigil si Terrence sa sasabihin nya. May bumato sakin.

May bumato ng isang itlog sa ulo ko kaya bigla na lang akong napasigaw.

SHEEET! ANG SAAAAAKIT!!

“Uy... Sino may gawa nyan...?” Tanong ni Terrence... Dali dali naman agad siyang tumayo at hinubad nya yung polo nya para ipunas dun sa nabasag na itlog sa ulo ko.

Hinawakan ko yung bahagi ng ulo ko kung san tumama yung itlog. Ang sakit kasi, minamassage massage ko ito. EEEEEHHH!! Ang lagkit lang... Kumalat na sa buhok ko yung egg yolk.

“Uy Terre---“

“Sshhh... Don’t move...” Pinupunasan nya yung dumi sa ulo ko.

“Who the hell did that?!” Sumigaw si Terrence na may halong tono ng pag-aalala.

Yumuko lang ako kasi nakita kong pinagtitingan kami ng mga tao sa loob ng cafeteria namin. Ugh! Tss, sino ba kasi may gawa nun! Mga walang modo!! AAAAHHH!!

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon