Chapter 26: So Cold

246 4 4
                                    

CHAPTER 26: SO COLD

TERRENCE’S POV

Tatawagin ko na sana si Erin nun ng makita ko yung di kaaya-ayang pangyayari.

Hindi  ko alam kung ano yung meron sa kanila ngayon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako napapanatag kapag magkasama silang dalawa! Aish! Naiinis ako.

Bumaba na ko ng rooftop, agad naman akong tumungo sa parking lot. Uuwi nko, hindi ko na hihintayin si Erin. Badtrip! Ugh! Ba’t ko pa ba nakita yun? Asaaar!!

ERIN’S POV

KINABUKASAN.

Nasa tapat ako ng room nina Terrence ngayon. Hinahanap ko sya, kaasar lang kasi tong si Cedric pinapunta pa talaga ako ng rooftop kahapon yan tuloy di ko na naabutan si Terrence.

 “Sige, meeting na lang tayo mamaya para sa role play...” Sabi ni Terrence dun sa classmate nyang babae habang palabas sila ng room nila.

AYAN! Sa wakas at nakita ko na rin si Terrence! Yay! :)

“Terrence!” Tinawag ko sya.

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad nya. Sure akong nakita nya ko, pero di man lang sya tumigil para lapitan ako.

“Terrence! Oy!”

Medyo nagstruggle ako sa daan, rami kasing nakaharang na mga estudyante. Recess na kasi namin, kaya nagsilabasan na sila.

Pinilit kong sumingit sa daan at nang sa ganun maabutan ko si Terrence. Patuloy parin kasi sya sa paglalakad nya.

Teka nga, iniiwasan ba ko ni Terrence?

“Terrence!” Tinawag ko sya ulit. Patuloy parin sya sa paglalakad nya.

“Oy! Terrence!”

TERRENCE’S POV

Pagkalabas ko ng room nakita ko agad si Erin, nakaupo dun sa bench sa tapat ng room namin.

“Terrence!” Narinig kong tinawag nya ko, pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Patuloy parin yung pagtawag nya sakin, pero binabalewala ko lang. Ugh! Di ko alam kung bat ko to ginagawa, pero sure akong iniiwasan ko sya. Ayoko muna syang kausapin.

Matapos nung ginawa nila kahapon? Ugh! Ayoko lang talaga syang kausapin! Naiinis ako sa tuwing naiisip ko yung nangyari sa rooftop! Shit.

“Terrence! But---buti nlng at naabutan kita... Haay...” Nakita kong may nagtapped sa shoulders ko.

Si Erin pala. Hinihingal sya habang sinasabi nya yun.

Mukhang hinahabol nya nga talaga ako.

“Kanina pa kita tinata---“

“Busy ako Erin, may gagawin pako.” Di ko na sya pinatapos sa pagsasalita nya. Agad naman akong umalis pagkatapos kong sabihin yun.

“Ah... Te—Teka...” Erin.

ERIN’S POV

</3 OUUUUCH. Medyo down ako ngayon :/

Hindi ko alam kung bakit, pero nararamdaman ko talagang iniiwasan ako ni Terrence!! Bakit? Ano ginawa ko?

Dahil ba kahapon? Kasi di ako nagpakita sa kanya? Tapos baka naisip na nyang umuwi nlng ako nun? AAAAHHH! Ano baaaa!!!

Busy ako Erin, may gagawin pa ko.

Busy ako Erin, may gagawin pa ko.

Busy ako Erin, may gagawin pa ko.

AAAAAAHHH! Ano baaa!! Umalis nga kayo sa isipan koooo!! Oo na! Aaminin ko nasaktan ako nung sinabi nya yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon