Chapter 13: What's this feeling!?

236 7 0
                                    

CHAPTER 13: WHAT'S THIS FEELING!? O.o

ERIN’S POV

Ayan, natapos na rin ang buong araw ng Sunday. Pag-uwi ko agad, dali dali kong kinuha ang aking mga aklat at nagsimula ng mag-aaral. Inaantok ako, pero kelangan ko pang magstudy nang sa ganun di naman ako makakuha ng mababang marka. Mahirap na, baka ano pa sabihin ng Auntie ko sakin.

Bukod sa wala akong ganang mag-aral, gutom rin ako. Gabi na masyado at talagang wala akong makitang pagkain sa drawer ko, ubos na pala yung binili kong stock. Gabi na, kaya ayoko ng lumabas, mahirap na baka di na ko makabalik. Chos, so yun pinagpatuloy ko na lang yung pag-aaral ko.

KINABUKASAN.

MONDAY. This is it! Pumunta na ko ng school at ready ng magbayad ng balance ko upang makatake ng exam! Yipeee! But duhh sad to say I only have last night and this morning bago ang recess para pag-aaralan ang 9 subjects.

Haggard it is. Kung ako’y inyong ilalarawan. Buong araw kahapon eh talagang ginawa ko lahat upang makabuo ng P1000 since bingyan ako ng 500 pesos ni Aling Lucy nung binantayan ko si Nico. It was all worth it, yung paghihirap, yung pagod. Kasi I was able to earn the money that I need, saka may excess pa. Thank you, Lord! Talagang di mo ko pinapabayaan!

Since Examination day ngayon. Expected talaga na maraming tao sa library. Tahimik lahat ng taong andito, talagang seryoso sa pag-aaral, sarap lang din mag-aral dito kasi talagang walang temptation, talagang di ka makakadaldal kasi lahat ng andito eh tahimik.

Aral aral din ako pag may time.

Ilang oras ang lumipas nagbell na. Hudyat na para sa recess time. Pumunta ako ng canteen, nagugutom ako. Di na ko nag-agahan kasi nga, tagal kong gumising kanina, kala ko late na ko, kaya yun dali dali na kong naligo at umalis na. At talagang naglakad pa ko papunta dito. Pero di rin naman masyadong na late.

Nandito na ko sa pila ng mga bumibili, bumili lang ako ng dalawang rectangular-shaped cakes, two pieces of bacon, saka isang cola. Needless to say, my last real meal was isang champorado nung sabado ng gabi pa yun. Nirecycle ko lang yun galing sa tira ko ring kanin, tinamad na rin kasi akong magluto nun nang dahil na rin sa bigat ng ulo at pakiramdam ko.

Nasa line na ko papunta dun sa may cashier para bayaran ang pinamili ko, nang marealize kong naiwan ko pala wallet ko sa bahay! Shooot! -______________-

To be honest wala akong pake sa humiliation nila sakin upon returning the food, di ko na inisip kung ano sasabihin ng ibang mga students dun, di na ko nagcare kung ano sasabihin ng mga studyanteng kasunod ko sa linya, di na ko nagcare sa mga odd looks ng mga studyanteng nakakita nung pagsauli ko ng pagkain. At mas lalong di ko na pinansin yung sinasabi at yung inis ng tindera sakin kasi nagback out ako sa line at di ko tinuloy yung binili ko. Wala akong pakialam kung ano gusto nilang sabihin!

Ang sakin lang GUTOM AKO! -_________-

Saka hindi ito isang simpleng HINDI-AKO-KUMAIN-NG-BREAKFAST type of gutom. Pero isa yung PAPATAY-TALAGA-AKO-NG-INGGITERANG-CLASSMATE-KASI-GUTOM-NA-GUTOM-AKO type of hunger!!!! Aisssh!! Nakakainis! Exam na exam at talagang walang laman tiyan ko, my stomach was grumbling like a beast and it was all I could think about!

So yun, wala! Sawi! Umalis ako ng canteen nang may dalang isang napakalaking simangot sa aking mukha. Gutom na gutom ako! -___-  talagang minalas pa ko at di ko man lang napansin na naiwan ko pala wallet ko!!

Sa mga oras na yun hindi ko napansin na andun pala si Cedric sa loob ng canteen. Napansin ko lang sya nung nabangga ko sya dahil di ako tumitingin sa daan kasi nga depressed ako masyado, kaya i’m looking down. Nananamlay ako.Aish! Sure ako  dito, magagalit na naman tong masungit na to kasi nabangga ko sya! Nakakainis!

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon