Chapter 11: This Feeling

282 6 2
                                    

CHAPTER 11: THIS FEELING

ERIN’S POV

“Oo walang anuman!”

AAAHHHH Ewan! Bat ba sya ganito? Shooot! Ang cute na nya o. Tapos nung pagbigay ko nung star ang cute cute nya, ang cute nung ngiti. Hehe

Saka the way niya tinititigan yung star na ginawa ko, eh para syang isang curious na bata. Ang cute :”> Grabe! Ngayon, talagang naniniwala na kong ang pogi nya nga, lalo na sa malapitan.

Yung shape ng mukha nya bagay sa kanya, yung mga mata nya, singkit! Yung ilong ang tangos grabe! Yung cheeks nya sarap kurutin saka yun lips niya grabe ang hot! Hahaha, fine landi landi rin pag may time J

“Nagugutom ka ba?” Tanong ko, char para namang may ipapakain ako sa kanya, feel na feel ko naman na marami akong pera. Nakakahiya naman kasi, ang yaman yaman kaya ng lalaking to, alam kong sa kanila maraming pagkain dun kaya hindi to nagugutom, ayoko namang ditto sya magutom naku! Saka first guest ko sya ditto sa mini room ko kaya feeling ko dapat ko lang syang pakainin.

“Sort of. I haven’t eaten my dinner kasi kagabi, and now my breakfast, nakakainis! Di rin ako kumain, kasi nagmamadali akong pumunta ng school! Kasi excited na kong ayusin mo si Pink Star ko!”

Eeeeh, ang cute nya lang! Alam nyo yun, yung nakasimangot sya habang sinasabi nya yun, yung tipong naiinis sya kasi umabasent ako tapos excited na pala syang ayusin ko yung star. Eeeeh, isip bata sarap mong kurutin!

“O talaga? Kawawa ka naman... achuchuchu...” Hahaha, pang-aasar ko sa kanya.

“Aish! Wag ka nga! Kunan mo na lang kaya ako ng makakain ah!”

Tss, tong lalaking to, sya pang manghihingi ng pagkain, sya pa tong sobrang sungit! Pero yung fact na parang comfortable na sya sakin, kasi di na sya nahihiya, yun bang tipong masasabi ko na talgang close na kami, ganyan... I liked that thought.

Neeeh, nandito rin naman yung isang thought ko. Yung negative thought kumbaga. Baka naman kaya hindi na sya nahihiya sa kin eh kasi talagang yan na ugali nya, yung ganyan na talaga umasta kahit bago pa lang kami nagkakilala, aish! Wag naman sanang ganyan uy.

“Oo na po, hintay hintay din ah? Saka uy! Wag kang mag-expect ng masarap na pagkain ah, alam mo na di kasi ako masyadong nakakaafford nung mga kinakain mo ganyan...so....please bear with it na  lang... tapos feel free ka lang mag....”

“Ang rami mo namang satsat! Get me something to eat naaaa!”

“Fine, wait lang..”

So yun, tumayo na ko upang bumili ng banana que dun sa labas. Saka juice na rin, saka yelo. Tapos mga ilang chips na lang rin siguro. Haaay yan lang maaafford ko for now...

“Hoy! Teka....!” Tawag nya sakin na para bang nag aalinlangan siyang tumingin sakin.

“What?”

“Aaa..aahh... Yo—ouu uhm, you better not go out! Just stay here!”

“Ah? Ano nangyari sayo?”

Okaaay, paranoid lang? Kasasabi ko lang na parang di na sya nahihiya sakin tapos yun bat parang habang sinasabi nya yun eh parang nahihiya na siya, yun bang parang may something sakin na talagang nag aalinlangan syang tingnan. Naman o.

“Aa..aah nothing, uhm hey! I think I need to go now.” Dali dali syang tumayo at tumungo sa may pintuan.

“Ah? O—oo-ohh—kay? Ah sure ka uy? Hatid na kita!”

“No! No! Don’t go out! Stay in your room!”

“Ah? Hindi! Uy! Ihahatid na kita oy!”

“Wag na nga! Stay here...and one thing...you better...” Aw ganun? May suspense? Sabihin na yan!

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon