Chapter 23: Ugh! Gross!

199 3 0
                                    

CHAPTER 23: UGH! GROSS

Natapos na yung unang subject sa umaga.

Ilang minuto rin ang lumipas at hindi pa dumarating yung next teacher namin. Nakita ko si Cedric. Parang natutulog na naman ata.

Magthethank na sana ako sa kanya nang bigla kong naalala yung famous line nya yung WAG KA NANG MAGTHANK YOU! NAIIRITA AKO line...

So yun hinayaan ko na lang muna sya. Hindi ko parin maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ko yung ginawa nyang palusot kanina. Nagawa nya lang namang mapaniwala si Maam na nasa clinic tlaga kami nun.

So dahil dun... Hindi kami napagalitan.

“I don’t want her to leave me that time...”

“I don’t want her to leave me that time...”

“I don’t want her to leave me that time...”

“I don’t want her to leave me that time...”

AAAAAHHHH!!! AYAN.... >//////<

Aish!! Ano baaa!! Ehh, ano ba tong naiisip koooo!!! Nakakablush lang yung sinabi nya kanina ah!!  Muntik na kong kiligin ng wala sa oras nun. Buti na lang talaga at nagawa ko pang pigilan yung blush blush na yan.

May pumasok na babae sa room namin taga faculty room ata. Sinabihan nya kami na hindi na raw makakapasok yung next teacher kaya free na lang raw muna kami sa kung ano yung gusto naming gawin.

“Tara pare labas tayo!”

“Uy, punta tayong canteen!”

“Girl samahan mo na muna ako sa CR pleaseee...”

Pagkasabi at pagkasabi agad nung babae na FREE na raw kami... AYAN! At nagsilabasan naman agad yung mga kaklase ko.

May nagsasalita pa nga sa harapan o!! Mga taong to... Walang modo!!!

Nakita ko Cedric... Tumayo na rin sya.

“Cedr---“ Ako.

Nagpatuloy lang sya sa paglalakad nya. Di nya ata ako marinig.

Pano kasi ang ingay ingay na dito agad sa room namin. Talagang nagpaparty na yung mga classmates ko! HMMP! Parang isang subject lang yung free tayo eh! Ganun na kung makasigaw? As in?

Wala na gaanong tao ang naiwan sa classroom namin, kokonti na lang... Yung si First honor namin saka yung mga friends nyang kasama sa top 10. Well kasama rin naman ako sa top 10. Pang 5th honor ako. Oo and Iam proud to say that.

Sa kasamaang palad di nga lang ako nasali sa circle of friends nila. Mababait naman sila... Di nga lang kami masyadong close.

Tumayo na ko. Gusto ko na lang ring lumabas. Ang awkward kasi... Ako lang mag-isa dun sa may likuran samantalang sila eh nagtatawanan dun sa harapan. Medyo na aout of place akoo.

Erin!” Papalabas na sana ako ng room nun ng tinawag ako ni Maria. Yung first honor namin.

“Ano yun?”

“Ano ginawa nyo ni Cedric sa clinic kahapon?”

“Ah?” Nagulat lang ako sa napakastraight-forward nyang tanong.

Eh? Ano raw? Ginawa? HAAAAAAAA? Napano na naman ba to silaaaa -_____-

“Ah yun ba... anong klaseng tanong ba yan...”

“Sagutin mo na lang kayaaaa...” Classmate 1.

“Wala naman kaming ginawa.”

Aissshhh!!! Ano ba kasing ibig sabihin nila sa “GINAWA?” Eh ano ba yung usual things na ginagawa ng mga pumupunta sa clinic? Nagdodota ba? Uso mag-isip! Pramis!

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon