Chapter 12: Baby Sitter

282 5 4
                                    

CHAPTER 12: BABY SITTER

Pauwi na ko sa amin, maglalakad lang ako. Magbabakasakali lang na baka may makita akong one shot task na pwede kong pagkakitaan. Kelangan ko talagang kumita ng P1500 ngayon, eh yung 300 kong natitira eh extra expenses na lang yun. NAKU! ANG HIRAP LANG NG BUHAY!

Hindi ko na talaga alam kong ano uunahin ko, yung pag-aaral o yung trabaho? Kelangan ko ng pera para mabayaran balance ko tapos kelangan ko rin mag-aral ng di naman ako mabagsak sa exam namin ngayong Monday. Haaaay ewan!

KINABUKASAN.

“Erin? Erin? Iha? Gising ka na ba?!”

Umagang umaga may kumakatok na sa pintuan ng kwarto ko. Sino naman kaya yan?

“Erin! Andyan ka ba? Tao po?” Inulit nya pa yung pagkatok.

“Oo andyan na! Babangon na po!”

Nang binuksan ko yung pinto nakita ko yung kapitbahay naming si Aling Lucy dala si Baby Nico anak nya.

“Busy ka ba ngayon, Iha?” Tanong nya.

“Hindi naman po, bakit po?” Sagot ko naman.

“Eh ipapabantay ko na muna sayo si Nico ko. May lakad kasi kami ngayon, may bibilhin lang ako sa para sa shop, eh ubos na mga paninda ko eh.”

“Ah? Eh...” Aish! Gustuhin ko man pero aalis na rin po ko maya maya kasi kelangan kong kumita ng P1000 ngayon. L

“Ah may gagawin ka ba iha?”

“Wala naman ho, ah sige po babantayan ko po siya!” Haaaay, di na lang umayaw, kawawa naman tong si Nico. Ugh! Pano na lang yung P1500 na dapat ko pang kitain? Gosh! May dalawang araw lang ako o. L Hu hu hu!

“Talaga? Naku ang bait mo talaga iha, o sya alis na kami ah? Salamat tlaga. Nico, go to Ate Erin na.”

Ah nga pala si Nico eh kilala ko na yan, he’s 4years old na. Alala ko pa lang eh nung sanggol pa to talagang andito na ko nagbobord. 4yrs na rin kasi akong naging housemate dito sa Rodriguez’ Apartment. Edad ni Nico. Naging close lang kami nung pamilya nya, minsan nga eh dun ako kumakain sa kanila. Hehe, pero kapag niyayaya lang naman ah, di na man ako basta bastang nakikikain dun, ba yan! Hahahahahaha.

“Ay Ate! Teka ho, uhm nakapanlaba na ho ba kayo?” Tanong ko lang, baka kasi naghahanap to ng labandera, eh okay ako for 1day. Hehe, atleast kahit naman papano eh mabawasbawasan yung kinakailangan kong pera.

“Ah? Oo eh, pinalabada ko na yun. Bakit, Iha?”

“Ah ganun ho ba, uhm wala naman ho kala ko kasi hindi pa, kaya yun mag ooffer sana ako na ako na lng yung lalaba kahit ngayong araw lang, kinakailangan ko lang ho kasi talaga ng pera para sa exam namin ngayong Monday, eh pano 300 na lang pera ko. Sige Ate ingat ho kayo!”

Dali dali na silang umalis nung asawa nya.  Nagmamadali ata, grabe lang bihis na bihis sya parang san pupunta ah, eh mamamalengke lang yun. Sus naman! Hehehe.

So ah! Ang aga naman ata nilang umalis, di pa ko nakakaligo. Di pa ko nakakapag-agahan, haaaay baby Nico buti na lang at ang cute cute mo kaya ayos lang sakin na alagaan ka kahit may priority pa talalaga ako sa buhay.

“Ate...” Tinawag ako ni Nico.

“Yes baby?” Tinitingnan ko lang sya habang ginugulo nya yung drawer ko. Haaay mga bata nga talaga ang hilig manggulo.

“Let’s play outside! Play outside!” pakiusap nya sakin sabay hila sa damit ko. Yun bang tipong excited masyado, ganyan.

“Baby, magiging KJ muna si Ate ngayon. Maya na lang ah? Laro ka muna ditto, maya na lang pagka nakaligo na si Ate tapos we’ll play outside okay? For now, just  behave.”

Fall In Love With A Cold-Hearted PRINCE : Blind Chance.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon