Everything Has Changed-WALO

32 2 0
                                    

Chapter 8:

Kinabukasan, nagising ako sa sunud-sunod na katok ni mama. I'm still half asleep when I went to open my door.
"Magandang umaga po, mama. Bakit ang aga niyo pong nanggising?" Sabi ko sa kanya habang humihikab.

"Mag-ayos ka na. Maligo ka at may bisitang naghihintay sayo sa sala." at bigla akong nagulat sa sinabi ni mama. Ganito kaaga? wala naman kong inaasahang bisita ah?
"Sino po ba,mama?" At pagkatapos kung itanong yun ay nag sink in sa kin yung sinabi ni Yuki sa akin. Hala! siya kaya ang nasa sala? At  agad agad akong tumakbo patungong banyo. Akala ko mamaya pa ang dating ni Yuki. When I entered the bathroom, I immediately do my daily routines.

"Yuki, bakit di mo sinabi na ganito kaaga kang pupunta?" agaran kong tanong sa kanya pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto.

" wow, Vane. Good morning hah! eh kasi naman po, baka kasi magtampo ka na naman sakin. Kaya inagahan ko nang pumunta dito. Bakit, may iba ka bang hinihintay sana?" dire-diretso niyang sagot sa akin. Grabe talaga kong makapag-conclude to.

"Di ah. Nagtataka lang. Di ka naman maaga gumigising eh." sabay tawa ko. "Sandali, kumain ka na ba? Kung hindi sabay na tayo."

"Hindi pa. Pagkalabas kasi ni mama ng hospital.diretso na akong pumunta dito."

"O! kamusta na nga pala si Auntie? okey na ba siya? bakit mo iniwan agad? salbahe ka talaga,Yuk" patungo na kami ngayon sa kusina.

" Okey na siya. Eh sa di nga ako mapakali... ikaw kasi, may patampo tampo pang nalalaman."

"a---anong sinasabi mo? di kaya ako nagtatampo sayo."

"Sus. Deny deny pa si Vane. Obvious kaya sa boses mo kagabi." at hinampas ko siya bigla bigla dahil sa sinabi niya.

"Hahahaha. Hahaha. Ang cute mo talaga pag naiinis. Kaya lagi kitang iniinis eh." and I'm about to slap his shoulder pero nadakip na kamay ko na tawa pa rin ng tawa.

"Oh. Tama na... nagiging sadista ka na eh."  then, he showed his genuine smile to me.

Minsan hindi ko magets tong si Yuki eh, ang lakas mangtrip sakin pero pagdating naman sa iba ang tahimik, close rin naman sila ni Jendi eh pero di naman niya kinukulit ng ganito parehas sa akin.

"Alam mo,Yuk. Minsan napapaisip ako kung bakit lagi mo nalang akong kinukulit, inaasar. Pag ako nainis sayo lagot katalaga."

"Uy, uy... grabe naman to. Buti ka panga kinukulit ko eh, yung iba nga nagpapapansin sa akin hindi ko pinapapansin." While wiggling his brows. Kainis. Ang cute.

"Yuki, alam mo---" at bigla akong napahinto, muntikan ko nang masabi. "Ahhhh, wala pala. He he he he."

"Ano? Anong sasabihin mo?"
"wala nga sabi eh." At bigla nalang kaming natahimik dalawa. Oh, awkward.

Tahimik kaming kumakain ni Yuki. Ewan ko ba parang alam niya kung ano yung sasabihin ko sana. Muntikan na ako doon ah.
"ah, Vane. Nasagutan mo na ba yung assignment natin sa English?"
"Hi--hindi pa. Bakit, ikaw ba tapos  na? easy lang yun sayo eh. Magaling ka sa english."

"uy, hindi kaya. Gusto mo sabay na nating gawin? wala rin na naman kong gagawin eh."

"Ngayon na ba?" sabay tingin ko sa kanya and I caught him staring at me.

"Pwede rin. If its okey with you."

"ehhh. Natatamad pa ako." then I bowed my head kasi naasiwa ako sa tingin niya.

"Wow. Bago yan ah. Si Vane ang batang nerd tinatamad rin pala."

"anong nerd pinagsasabi mo diyan. Baka ikaw. Ikaw kaya lagi yung may matataas na score."

"Pikon na naman po siya.hahaha." he is laughing then he pinced my cheeks. " Ang cute cute. Hahaha"

"Ganyan ka naman eh, lagi mo nalang akong inaasar. Nakakainis ka na hah."

"Hala, si Vane galit? uy, I'm sorry okey? di na kita aasarin. Bati na tayo." tinutusok tusok na ang aking tagiliran habang sinasabi niya yun. " Vane? batu na tayo hah? huwag nang magtampo. Smile na yan. Uy."

Sa haba ng pagsusuyo ni Yuki sakin bumigay di ako. Sino ba namang hindi papansin sa kanya eh ayaw kang tigilan. Anyway, andito pa rin siya sa bahay, tinuloy namin yung paggawa ng assignment at yun malapit na kaming matapos. Nagugutom na nga ako at inaantok, grabe kasi tong Yuki eh pag about acads talaga.

"Yuk, gutom na ako. Kain muna tayo" sabi ko sa kanya habang hinahaplos yung tiyan ko.

"Na naman,Vane? tapusin na lang muna natin to at pagtapos na tsaka na tayo kakain. Malapit rin lang matapos eh."

At wala nga akong nagawa pag siya na ang nagdecide wala ka na talagang pag-asang magreklamo. Sa aming tatlo ni Jendi, si Yuki yung pinakamatured at Kuya sa amin. kaya kaming dalawa ni Jendi pagnagagalit si Yuki tahimik lang kaming dalawa, minsan kasi si Jendi sobrang kulit at mas inuuna pa niya yung paggagala yan tuloy laging napapagalitan ni Tatay Yuki.

Suddenly, I got startled because my phone is ringing. Sino na naman tong napatawag?

ring... ring... ring... ring...
Eros calling...

Si Eros pala.

"O h, hi Eros? Kamusta, napatawag ka ata? "  I greeted him enthuiastically.

"Hello,Vane. Okey lang ako. Ikaw?"

" Okey lang din. Bakit ka napatawag? "  tanong ko sa kanya ulit.

"Ahhh, ano kasi... yayayain ko sana kayo ni Jendi. Birthday kasi ng  Kuya ko, may handaan dito sa amin."

"ganun ba. Sige sasabihin ko sa kanya na nagyaya ka. Kailan ba yan?"

"Bukas ng gabi, alas sais. Pwede ka?"

"Kung pupunta si Jendi, okey lang sa akin,Eros. Ah, nga pala... ano, ahm"

"Ano? "

"Ano kasi. Pwede magdala ng kaibigan? para na din may kasama kami pag-uwi. Hehe!!"

"Walang problema,Vane. Kita nalang tayo bukas at I'll text you our house address. Thank you and hoping to see you tomorrow evening,Vane. Bye!"

And he turned off his phone.

"Sino yung tumawag? saan ka pupunta bukas? Sino isasama mo?"
at nagitla ako kasi nakalimutan kong andito pala si Yuki.

"Si Eros. Bagong kaibigan, sama ka samin ni Jendi bukas ng gabi hah. Nagyaya si Eros eh birthday daw ng kuya niya."

"Saan mo siya nakilala?"

"hah?! ah, nakabanggaan namin siya ni Jendi at nagkita kani ulit sa mall kahapon."

"Ah, at nagyayaya na agad sayo? Baka masamang tao yun."

"ito naman. Mabait siya,promise at sasama ka naman sa amin bukas diba?" ngumiti ako sa kanya.

"Wala naman akong choice eh. Mapahamak pa kayo dun."

"thank you,Yuki."

At pagkatapos naming magusap ni Yuki tungkol dun tinawagan ko na si Jendi to inform her about the invitation and she said yes kaya aalis na naman kami bukas. I cant wait.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon