BOH 5-Meeting

86 25 10
                                    

Cl's POV

Sa wakas ayos na rin ang hide out namin. Lumalala na talaga ang gang war. Once kasi na simulan yon ng sinumang kasali sa rank 1-10 di na yun titigil. Magpapatayan ang bawat gang para makuha ang rank na gusto nila. Dahil sa Underground Society kapag kasali ka sa ranking maraming napasok sa inyong pera. Ganon talaga ang kalakaran namin dito. Kaya kailangan malakas ka para yumaman.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit nag ka gang war? Sinimulan kasi ito ng Rank 1. Ang Exo. Ewan ko ba sa mga yun kung bakit kailangan pa nila magsimula ng gang war.Di pa rin naman namin sila nakikilala. Pero maraming nagsasabi na malakas talaga sila.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit napakarami ng sumugod sa amin. Isa lang naman ang sagot dyan. Kasali kami sa rankings. Kami ang rank 3 at ang Big Bang naman ang Rank 2. Nagtulong tulong kasi ang ibang mga gang na patumbahin kami. Mga weak naman pala. Lakas ng loob sumugod!

"CL!" napabangon ako mula sa pagkakahiga ng bigla nalang pumasok si Minzy.

"Anong kailangan mo? Di ba uso kumatok sa pinto?" sabi ko ng may pagka sarkastiko.

"Hindi. Bumangon kana dyan! Nagpatawag ng meeting ang king 15 minutes dapat nadun na kundi alam mo na. Dali! Nag aayos na din si Dara at Bom!"sa narinig kong yon. Dali dali akong bumangon. Pumasok ako sa walk in closet saka kumuha ng leather jacket. Kanina pa naman ako ayos. Dapat kasi may pupuntahan kami ni Taeyang.

Dali dali naman akong bumaba.

"Magdala kayo ng weapon. Mahirap na." sabi ko sa mga kasama ko.

"May paabiso na bawal daw mag dala ng kahit anong weapon." pahabol naman ni Minzy. Aish sige na nga.

"Tsk, tara na nga!"sabi ko sabay labas ng HO. Agad kaming nagsakayan sa kanya kanya naming big bike.

"Ilang minuto nalang?" tanong ko kay Minzy.

"10 minutes" sabi nya. Agad akong nagpaharurot. Ganon din naman sila. Napakabilis ng takbo namin.

After several minutes nakarating agad kami. Di din namin kasi sobrang layo ng HO namin sa Head quarters.

Pumasok na agad kami. Mayroon ngang nag iinspect sa labas kung may weapon kaming dala. Meron pa silang weapon detector sa entrance.

"Woah! Napakadami pala talgang gangs dito sa Underground Society" sabi ni Dara ng may pagkamangha.

"2NE1! DITO KAYO" Napalingon naman kami sa sumigaw. Alam kong boses yun ni Taeyang kaya agad kami lumapit sa kanila. Nasa bandang unahan sila. Nagpunta naman kami sa kanila at umupo. Katabi ko si Taeyang ngayon.

"Alammoba kung ano ang dahilan kung bakit nagpatawag ng meeting ang nakatataas?" tanong ko sa katabi kong si Taeyang.

"Hindi nga din eh. Nalaman na nga lang din namin kani-kanina lang." Napatango ako sa sinabi nya. Nilibot ko ang paningin ko. Ang ingay ng paligid at ayon sa mga mukha nila ay parang hindi din nila alam ang dahilan kung bakit kami nariritong lahat.

"EHEM! ~enkkk" napatakip kami ng tenga dahil sa malakas na ugong ng mic. Agad namang natahimik ang lahat. Kung kanina tila nasa palengke kami. Ngayon naman wala kang maririnig na kahit anong ingay.

"Pinatawag ko kayong lahat dahil may anunsya ang ating hari" sabi ng Kanang kamay ng hari. Sya si Owel. Sya ang susnod sa pinaka mataas. Di pa nga namin nakikita ang hari eh.

"Dahil lumalala na ang gang war, Nagpatupad ang hari na magkakaroon ng battle of Arnesia."

"Huh? Anong battle of Arnesia? Ngayon ko lang narinig yun ah" rinig kong sabi ni Dara. Napatingin naman ako sa katabi kong si Bom na kanina pa tahimik. Ano kayang problema ng isang to?

"Maari na kayong magimpake lahat." ha? impake? saan kami pupunta? Akala ko ba may battle kami? Bigla nalang umalis si Owel at iniwan kaming lahat ng clueless. Ano bang klaseng anunsyo yun? Wala manlang paliwanag kung ano ang sinasabi nya!

Kaya sa halip na mag isip ng kung ano ano ay nagimpake na agad kami ng makarating. Sabi kasi nila babalik kami doon bukas. Dala na yung mga gamit namin. Nandito kami ngayon sa sala ng HO namin. Kasama namin ang big bang. Ano pa nga ba ang bago?


"Ano kaya yung battle of Arnesia?" tanong ni Dara. Nag shrug naman kami ni Minzy. Napatingin naman ako kay Bom na mukhang may malalim na iniisip.


"Bom okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang magpahinga?" sunod sunod ang tanong ni Top. Nahahalata ko lang ah, May gusto kaya si Top kay Bom?


"Guys"napatingin kamisa nagsalitang si Bom.


"Matagal ko ng alam ang tungkol sa Battle of Arnesia. Nalaman ko nung isang araw lang. ~sob d-di n-natin kakayanin.~sob H-hindi"

To be continued...

Authors note:

Sorry sa late update. Please vote and comment naman po. salamat

Jheykelle

Battle of Hearts [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon