BOH 6-The Battle

74 23 18
                                    

Bom's POV

"Matagal ko ng alam ang tungkol sa Battle of Arnesia. Nalaman ko nung isang araw lang. ~sob d-di n-natin kakayanin.~sob H-hindi"napatigil ako sa sinasabi ko dahil naalala ko kung ano ang nalaman ko tungkol sa Battle of Arnesia. Nakakakilabot kaya hindi ko napigilang mapaiyak.

"Anong sinasabi mo Bom? Pano mo nalaman ang battle na yan?"sunod sunod na tanong ni Cl. Pinunasan ko muna ang luha ko bago magsalita muli.

"Nung sinugod tayo, may nabanggit ang isa sa kanila tungkol sa battle of Arnesia kaya nagsagawa ako ng research kapag tulog na kayo at napag alaman kong... Ang battle of Arnesia ay dinadala ang lahat ng gang sa Isla ng Arnesia. Isang napaka panganib na isla. Doon matatagpuan ang ibat ibang klase ng mababangis na hayop. Ang namumuno din sa Isla na yun ay ang Pinakamalakas na Mafia Boss sa Underground Society. Ang battle of Arnesia ay isang laro. Itinulad ito sa movie na hunger games kung saan kailangan mong pumatay para manalo at mabuhay. At ~sniffs n-napagalaman ko na iyon ang dahilan kung bakit matagal ng nawawala si Nana. " nang mabanggit ko na naman ang pangalan ni Nana lalo akong napaiyak.

"S-si N..nana?" nauutal na ring sabi nina Minzy, Cl at Dara. Kaibigan kasi namin si Nana. Nung hindi pa kami mga gangsters. Pero noong isang araw nawala nalang si Nana.

"B-bakit n-napunta doon s-si Nana? Gangster ba sya?" naluluha na ding tanong ni Dara. Unti unti akong napatango.

"Mas naunang maging gangster sa atin si Nana. At katulad ng nangyari ngayon nagka gangwar din sila. Kaya pina gawa sa kanila ang battle of Arnesia. Ngunit isang gang lang ang nakabalik at yun ay ang...." Huminga muna ako ng malalim.

"Ang?"-Taeyang.

"Exo" sabi ko kaya napatigil sila.

"Sa 50 na gang na pinadala doon isang gang lang ang nakabalik. Hindi pa sila noon ang Rank 1"Ano kayang mangyayari sa amin kung ipatapon kami sa isla na yon?

"Si it means yung natirang 49 gangs namatay?"Napatingin naman ako sa nagsalitang si Daesung. Ang ibang 2ne1 ay napatahimik dahil sa kanilang nalaman.

"Hindi ko...alam" sabi ko kasabay ang isang buntong hininga.

"Naubos lahat ng gang ng society na to? Paano yon?"- Seungri, I just shrug my shoulder.

"Habang nasa laban pa ang mga gang ay nakakagawa sila ng clone ng mga namatay na gangsters doon. Yun ang mga masters gang. Sila ang mga namumuno sa atin." Napatingin kaming lahat sa nagsalitang si GD.

"A-anong ibig mong sabihin GD?"-Dara.

"Si Supremo at ang gang nila ay nakasama sa labanan at hindi pinapalang mabuhay pero bigla nalang silang nagbalik. Pero hindi na sila mababait na katulad ng dati sapagkat clone nalang nila yun."-TOP.

P-pano nila nalaman yun? Kapag namatay kami sa Battle of Arnesia? May papalit na clone samin?

"Lahat ng gang may clone na papalit kapag namatay?"tanong ko sa kanila.

"Tanging pili at malalakas lang na gangster ang gagawan nila ng clone. At ang clone na yon ay walang kahit anong emosyon at walang awang pumapatay ng kahit na sino at higit sa lahat. Pinapatay nila ang pamilya ng sino mang ginaya nito." si GD. Ayaw kong mamatay.Ayaw kong masira ang pangalan ko. Ayaw kong mamatay ang pamilya ko!

"K-kaya b....ba n-nagawang p-pa...*sniffs..p-patayin ni Dad sina Mommy at Darvin?" nangangatal na sabi ni Dara.

"Dara clone na si Supremo. Patay na ang tunay mong ama."

Dara's POV

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ng sinabi ni Tito na si Daddy ang may kagagawan ng pagkamatay nina Mommy at Darvin. Hindi ko yun paniwalaan noon dahil kahit alam kong gangster si Daddy ay hindi nya kami magagawang saktan dahil mahal na mahal nya kami.

Nararamdaman ko ang galit sa puso ko na gusto makawala at pumatay! K-kaya p-pala nawala si Dad ng matagal na panahon at pagbalik nya iba na sya.

Flashback...

"Dad! Bumalik ka Dad! Sabi ko na nga ba! Babalik ka!"sabi ko sabay yakap kay Dad. Hindi ko mapigilang mapaluha ng makita ko ang mukha ni Dad na matagal na nawalay sa amin. Namiss ko ng sobra si Dad. Na miss namin sya.

"Sandro! Bumalik ka!" napangiti ako ng makita ko si Mom habang buhat ang kapatid kong si Darvin. Napaluha ako ng makita ko ulit si Daddy. Napakasaya ko.

Pero bakit ganon si Dad? Parang hindi sya masayang makita kami? Anong problema ni Dad? Hmm siguro pagod lang si Dad.

"Dara!" si Tito!

"Tito! Bumalik na po si Dad!" pagkasabi ko non bigla nanlaki ang mata ni Tito.

"Dara umalis ka dito! Lumayo ka muna Dara!" sabi ni Tito. B-bakit ako lalayo? E nadyan si Daddy eh!

"Bantayan mo muna si Darcy! Dalian mo wala syang kasama!" sabi ni Tito. Kaya kahit nadon si Dad. Pinuntahan ko muna si Darcy. Baka kasi mapahamak si Darcy eh.

End of flashback...

Pagbalik ko nakita ko nalang si Mommy at Darvin na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo. Magmula noon hindi ko nadin nakita si Dad. Akala ko pa nga noong una si Tito ang pumatay sa mga magulang ko kaya kinamunhian ko sya yun pala....Yun pala kagagawan itong lahat ng Nakakataas!

Hindi ko mapigilang mapaluha lalona kapag naiisip ko ang pamilya ko na walang awang pinatay ng clone na tatay ko!

"H-hindi ako papayag na maging clone nila tayo! Maghihiganti ako!"
sabi ko ng may diin. Naiyukom ko ang aking kamay na tila handa ng pumatay.

"Dara" hindi ko pinansin ang nagsalita pero naramdaman ko nalang ang isang yakap. Yakap ni GD. kaya hindi ko na mapigilang mapaiyak at humagulhol na parang bata.

To be continued...


Battle of Hearts [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon