Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

BOH 9-Started

49 12 12
                                        

Minzy's POV

"The Battle of Arnesia is about to start...All gangsters lets have the countdown....

5

4

3

2

1

*bang*"

Kasabay ng pagtatapos ng countdown ng main computer ang pagputok ng baril na nagsisilbing senyales ng battle.

Yes, Ang main computer ng isla ang nagsasalita kanina. Well, the technology here is two times advance kesa sa Underground City kaya siguro walang nakakaalam ng isla nito dahil narin siguro sa technology nila.

Nandito kami ngayon sa parang virtual world. But everything seems natural. Magkasama ngayon ang BigBang at 2ne1. Nagkanya kanya namang alis ang mga gangsters. Mayroon namang low class na gangsters ang namatay na. Ang lupit talaga ng patakaran ng labanan nato. Kailangan mong pumatay para mabuhay at manalo. Sa totoo lang kinakabahan ako.

"Mimi okay ka lang?" tumango naman ako sa kanya saka nya hinawakan ang kamay ko.

"Medyo kinakabahan lang Riri" Saka ko sya nginitian. Riri naman ang tawag ko kay Seungri.Ngumiti naman sya pabalik.

"Magiging maayos din ang lahat Mimi ko. Hayaan mo,pinapangako ko na hindi kita hahayaang masaktan" saka nya ako hinalikan sa noo. Ang sweet ng Riri ko no. Inggit kayo? Bleeh!

~

Nakaupo kami ngayon sa isang malaking puno. May nakikita din kaming ibat ibang materyales. Meron din kaming nakitang banig saka ilang lagayan ng tubig. Nakalagay yun sa isang bag. Napagusapan naming maghahati hati nalang kami sa 4 na banig na nakita namin saka sa lagayan ng tubig ma kasalukuyang nilalamanan nina Dara at Bom. Sina Daesung naman at Top ay naghahanap ng pagkain namin.

Magkatabi kami ngayon ni Riri na nakaupo sa ilalim ng puno. Kakatapos lang namin gumawa ng bon fire. Sina Cl, Gd at Taeyang naman naggawa ng mga tent gamit ang mga kahoy na nakikita nila. Buti nalang talaga at mga boy scout at girls scout kami. Just kidding.

"Hooh! Tapos na!" Rinig kong sabi ni Taeyang saka umupo nadin sila.

"Nakakatuwang isipin na magtutulungan tayo Riri diba?"napangiti naman ako kay Riri saka ko sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Oo nga Riri,sana lang matapos tayo ng walang sinuman ang nasasaktan sa atin" nginitian nya lang ako saka ginulo ang buhok. Pabiro ko naman syang hinampas sa braso.

"Ayy ang PDA naman ng iba dyan." Tsk si Dara talaga panira.

"Tsk. Nandito na pala kayo. Kung ibuhos ko kaya ang tubig na kinuha nyo sa inyo no?" pabirong sabi ko kina Dara. Ginulo naman ni Riri ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Oh bakit naman ako nadamay dyan?" Bom

"Gusto ko eh-" napatigil ako sa pagsasalita ng magwalk out si Cl. Ano namang nangyari dun?

~
Cl's POV

So simula na nga talaga ang laban.
Natatakot ako pero hindi ko dapat ipakita dahil bilang leader dapat ipakita ko na matapang ako dahil sa akin kumukuha ng lakas ang mga members ko.

"Cl okay ka lang?" napatingin ako sa nagsalitang si Gd.

"Uhm oo, okay lang ak-" buti naman at naalala nya ako kahit papano kaso itong Taeyang nato umepal ng singit at may pag akbay pa kaasar!

"Ok lang sya. " sabi ni Taeyang kay Gd

"Ah sige lapitan ko lang si Dara" sabi nya. Sinamaan ko lang ng tingin si Taeyang saka inalis ang pagkakaakbay nya. Saka tumayo paalis.


Nakakainis! Sya na naman!
---

"Guys Gumising kayo" naalipungatan ako mula sa pagkakatulog ko dahil narinig ko ang boses ni Daesung.

"Bakit Daesung?"Sabay dukot ng dagger sa bulsa ko.

"May kalaban. Maghanda kayo"Pagkasabi ni Daesung ay nagkanya kanya din silang kuha ng weapons.

"It's look like they want us dead during our sleeping session"Top

"Pfft. Napapa english ka ba TOP kapag natatakot?" Dara.

"No! Hindi ako duwag no"

"Magfocus nga kayo!" sabay naming sabi ni Gd kaya napangiti ako pero agad yung napawi ng may maglabasan ang mga kalaban namin.

Pinapalibutan nila kami ngayon. Marami sila at base sa kulay ng buhok nila ay mga average gangsters sila.

"Wow. So pinagplanuhan nyo talagang patayin kami habang natutulog?" sarkastikong sabi ni Dara na katabi ngayon si...tsk..Gd.

"Sad to say but kayo ang makakatulog at sisiguraduhin namin na hindi na kayo magigising" pataray namang sabi ni Minzy. Thats my girls.

"Ang dami nyo pang satsat! Matatalo kayo sa dami naming ito! Sugod mga kasama!" sabi ata ng leader nilang payatot.

Marami agad sumugod sa akin. Mga nasa apat sila ganon din sa iba kong kasama.

Naiwas lang ako sa mga suntok nila. Ganon lang ang nangyayari pero maya maya pa ay naglabas na sila ng kutsilyo. Nice.

Muli nila akong sinugod. May sumusugod sa akin sa harapan ko saka sa likod ko. Binigyan ko lang ng suntok yung nasa harapan ko. Natumba naman sya pero sinipa ko padin sya sa tyan kaya namilipit sya. Nag back flip naman agad ako at yung lalaki namang nasa likod ko ay nasa harapan ko na. Agad ko namang syang hinampas sa batok nya kaya agad syang nakatulog. Nadagdagan muli ang sumusugod sa akin. Yung dalawang natira ay naging 5 muli. 3 ang sabay sabay sumugod at lahat sila may dalang kutsilyo. Yumuko lang ako kaya sila sila rin ang nagkatamaan. Sinipa ko naman sila sa mga paa nila kaya natumba sila. Agad akong tumayo at lahat ng nagtatangkang bumangon sa tatlo ay binibigyan ko ng sipa sa mukha.

Kinuha ko ang blades ko na may lason saka ko ito hinagis sa tatlo. Maya maya pa ay mawawalan na sila ng hininga.

Sumugod muli yung natirang dalawa. Sa palagay ko hindi sila average. Nasa class A sila base sa buhok nilanb kulay green. So that means medyo malalakas sila.

"Hi Cl. Ang ganda mo talaga pero hindi ka manlang mapansin ni Gd?" sabi nung isa habang nakangisi. Napakunot naman agad ang noo ko.

"Ano bang alam mo?!"sigaw ko dito.

"Ako? Marami, yung pagsulyap mo kay Gd habang kasama nya yung alipores mo. Yung pagkainggit mo sa kanila habang sila ay magkasama. Mapagpanggap ka Cl" biglaan ko naman syang sinuntok sa mukha natamaan ito pero may sumuntok sa likod ko kaya napadaing nalang ako. Nakalimutan ko na dalwa pa nga pala sila.

Kinuha ko ang dagger ko agad ko silang sinugod pero nakakailag sila.


"D*mn!" Nadaplisan kasi ako sa braso dahil naiisip ko yung sinabi ng lalaki. No hindi ako mapagpanggap.

"Haha Cl! Nagagawa ka naming daplisan. Siguro nga wala kaming alam pero palagi kaming nagmamanman at ngayon may nakalap kaming impormasyon."sabi naman nung isa na may pagka dark green ang kulay ng buhok.

"Paano kung saktan namin si Gd. Isama na natin yung alipores mo para masaya ka na!" Agad naman akong nakaramdam ng galit sa sinabi nya.

"Hindi nyo masasaktan si Gd!"sabi ko sa kanila sabay sugod. Natamaan ko naman ng dagger ko yung isa sa balikat kaya natumba sya. Kinuha ko naman ang blade ko at pinaghahagis sa isa  pa nyang kasama. Tumingin muli ako sa lalaking sinaksak ko ng dagger


"Ito na ang katapusan ng mga nalalaman mo. Ibaon mo na yan sa hukay kasama ng katawan mo."pagkasabi ko nun agad ko syang ginilitan sa leeg.  Napatingin naman ako sa kasama kong tapos narin sa pakikipaglaban.

To be continued...

Author's Note:

Sorry po sa matagal na update.
Please vote and comment. See you in BOH 10! Sayonara!

Jheykelle

Battle of Hearts [On-Going]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon