BOH 7-The Island

76 22 22
                                    

Dara's POV

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa isang ship. Nandito ako sa labas kung saan kita ang dagat habang ang iba ay nasa loob at nagpapahinga.

Ngayon, kakaharapin na namin ang battle of Arnesia. Magkakahiwalay kami ng ship na sinasakyan kaya madaming ship na papunta sa kung ano mang isla iyon.

Hindi ko mapigilang malungkot kapag naalala ko kung paano ko naabutan ang pamilya ko na naliligo sa aarili nilang dugo. At napaniwala nila ako na si Dad talaga ang pumatay. Yun pala clone lang pala ni Dad. Kinamunghian ko ang aking namayapang ama dahil sa malaking kasinungalingan dinulot ng battle nayan.

Pagbubutihin ko. Walang mangyayari kung iiyak ako.  Lalaban ako hindi para manalo sa kung ano mang battle yan. Lalaban ako para sa sarili ko. Para sa mga kaibigan ko na gusto pang mabuhay. Tutal lamang na naman kami dahil sa mga nalaman ng mga kaibigan ko tungkol sa battle na yan. At isa pa hahanapin ko kung saan nailibing si Daddy saka si...Nana. Miss na miss ko na sya.

"Dara" napalingon ako sa nagsalita.

Si Gd...Naalala ko tuloy nung...Niyakap niya ako. Waaah nakakahiya yon pero ang bango nya hihihi... Dara! Diba nag eemo ka!? Ano ba yang pinag iisip mo?! Aish!

"Bakit?" sabi ko nalang pero mahina lang sapat na marinig nya.

"Ayos ka na ba?" tanong nya. Nakakapanibago sya ah. Hindi sya pala asar ngayon.

"Oo, ayos na ako. Salamat nga pala"sabi ko sa kanya pero nakatingin pa din ako sa tubig. Nandito kasi kami sa parang railings ng barko.

"Bakit ka nagpapasalamat?" sabi nito kaya napaharap ako sa kanya na nakatingin din sa tubig.

"sa pagcomfort mo. Salamat" sabi ko. agad naman akong napaiwas ng tingin nung humarap sya.

"Wala yon. Handa kana ba?" sabi nya kaya napatingin nadin ako sa kanya.

"Oo, handa na akong harapin ang kung ano mang battle yan. At sisiguraduhin kong lalaban ako hindi lang para manalo kundi para sa inyo. Para kay Daddy at sa pamilya ko." sabi ko. Napaikom ang kamao ko. Nararamdaman ko kasi ang galit eh.
Nabigla ako ng biglang hawakan ni GD ang dalawang kamay ko. Ngayon magkaharapan na kami.

"Lalaban tayo Dara. Lalaban tayo, magtatagumpay tayo, pangako"sabi nya. Nakatingin lang kami sa mata ng isat-isa. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok nang puso ko. Ewan ko ba kung anong nangyayari pero...Parang..

Gusto ko na si Gd...Hindi ko maitatanggi sa sarili ko..Puso na ang nagsabi eh.Napangiti naman ako kaya ngumiti din sya

"Pagtapos nyan. Aayusin natin lahat ng kamalian sa Underground Society"sabi ko kaya lalo pang lumawak ang ngiti nya.

"Tama. Hindi tayo papayag na may mga pangit na clone na papalit sa atin." sabi nya kaya napalawak na din ang pagngiti ko..

"Ehem..Ehem..Hachiiing" napatingin naman kami sa paubo ubo na yon. Si Daesung pala.

Agad naman kaming napabitaw mula sa pagkakahawak namin. Napatngin naman ako kay Daesung na ngayon ay may kakaibang ngiti.

"A-ah h-hello Daesung.." sabi ko saka kumaway. Lumapit sya.

"Mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa dyan ah?" sabi nya habang nakangiti pa rin.

"A-anong n-nagkakasiyahan?" bat naman nauutal tong si Gd?

"O bakit kayo nauutal? May problema ba?" sabi nya. Aish kainis naman si Daesung. Ano kayang iniisip ng mokong na to.

"Ikaw may problema, may allergy ka ata at kanina ka pa ubo ng ubo at bahing nang bahing dyan eh" sabi ko kaya napatawa naman si Gd.

"Tss ewan ko sayo Dara. Kausapin ko muna si Gd ah. Pasok ka muna sa loob. Usapang lalaki eh" sus naman.

"Ang tanong lalake ba kayo? Tse makalayas na nga" sabi ko saka pumasok na din sa loob

Cl's POV

Nakita kong pumasok si Dara. Saan naman kaya to galing?

(A:Malamang sa labas.Pumasok nga eh alangan namang pumasok sa labas?)

Am I talking to you miss author?

(A: Ayy sabi ko nga hindi. Tsk sayonara na nga)

"Dara san ka galing?" tanong ko agad sa kanya.

"Uhm sa labas lang- WAAAAH"

"WAAAAAAH!" nayugyog kasi ang ship eh. Ano kayang nangyayari?


Lumabas ako para tingnan ito. Nakita ko sina GD at Daesung na nakakapit sa railings.

Bigla nalang nanlaki ang mata ko.

"OH MY GOSH!" narinig kong sabi ni Bom. Kaya napalingon ako at pagtingin ko. Nakatingin din sila at pawang nanglalaki din ang mga mata.

"W-what happened?" tanong naman ni Minzy. Paano ba naman kasi...


"Bakit biglang dumilim? Yung dagat pati nagkulay berde. Natatakot ako WAHHHHH!" okay nasabi na ni Dara.
-___-

But seriously. Nakakatakot talaga. Para kasing naging sobrang napakalalim na dagat. Parang dumoble ang lalim nito tapos napaka dilim pa ng langit. Yung kulay asul na langit ngayon kulay itim na.Ni wala manlang stars o kung ano pa man. Nakakatakot talaga.

"Ganito pala sa Arnesia.."

"Guys. Mukhang mas nakakatakot doon" may tinuro si Minzy kaya agad namin yung tiningnan. Kung kanina nanlaki lang ang mga mata namin. Ngayon napanganga na din kami.


"GOSH! AYAW KO NA! NATATAKOT NA AKO!" sabay na sigaw ni Dara at Minzy. Nagyakapan pa ang dalawa. Bigla nalang may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko si Taeyang.

"Ready?" sabi nya kaya nag nod naman ako at sabay naming tiningnan ang napakalaking gate ng isla. Ang tabing dagat doon ay kulay itim ang tubig. Ang mga puno naman ay parang mga patay na at walang dahon. May natanaw pa nga kaming kalansay sa tabing dagat.

What...kind..of place is this....



To be continued...

Author's Note:

Sorry po sa late update.

So what will happened in the Island?

Jheykelle

Battle of Hearts [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon