G Dragon's POV
May kakaiba akong nararamdaman para sa kanya. Saka ko lang narealize kung kailan malalim na. Mamaya sisiguraduhin ko na talaga ang nararamdaman ko. At kapag nalaman ko na ang tunay kong nararamdaman, aamin na ako.
"GD! Tara na! Mag hahunting pa tayo ng mga buwitre. Sige ka pag tayo naunahan ng iba kulelat tayo! Dali na kasi bagal bagal!" Tsk. Ayan na naman yung nararamdaman kong kakaiba. She never fails to make my heartbeat race so fast.
"Oo na Daranget! Tara na at wag kang mag feeling pagong dyan!" sambit ko sabay hila sa kanya. Ang lambot ng kamay nya. Gusto nyo hawakan? Suntok muna!
"Ako pa talaga yung pagong? At ano? Daranget? Im a Goddess! Eh ano pa ang tawag sayo? Ji yonget?" tsk. Hinila ko na lang sya kung saan. Ang daldal nya kasi eh.
"H-Hoy G-Gd Teka lang naman- ARAAAAY! SABING TEKA LANG EH! YAN ANG SAKIT TULOY!" Agad naman akong napalinga sa kanya.
Nagiguilty tuloy ako at nagkasugat pa sya. Kinuha ko ang panyo ko saka itinali sa tuhod nya.
"Ayan. Tara na" sabi ko sabay luhod habang nakatalikod sa kanya.
"Oh ano yan?" Ang slow din ng babaeng to minsan eh. Tsk
"Hindi ba obvious? Piggy back ride. Sakay na dali" naramdaman ko naman na sumakay na sya sa likod ko kaya nag patuloy na kami sa paglalakad para maghanap ng kaaway.
~~
Dara's POV
Kanina pa kami ni Gd naglilibot pero wala manlang kami makita na isang kalaban. Nag by pair kasi kami eh. Tapos si Daesung muna yung pinagbantay namin. Naghahanap kasi kami ng kalaban. Para naman mabawasan ang kalaban.
"Gd. Wala manlang tayong nahahanap na kalaban. Kung maghanap nalang kaya tayo ng pagkain? Gutom na din naman ako eh." sabi ko sabay upo sa isang sanga.
"Tsk. Sige na nga. Baka lumabas pa ang anaconda sa tiyan mo eh." Ano daw? Anaconda? Kapal no! Kung hindi ko lang yan mahal e matagal ko na yan napakain sa Anaconda eh.
Nilibot ko ang paningin ko.
"AYON! AYON MAY NAKITA AKO. Teka aakyat lang muna ako sa puno. Andaming bunga oh."dali dali akong nagtatakbo papalapit sa puno. Kahit naman virtual world to eh natural pa din ang mga gamit.
"Hoy! Magdahan dahan ka nga! May sugat ka oh!" Aww concern sya sa akin.
"Ang bigat mo kaya! Ang hirap mo kaya buhatin."ayy okay na sana eh. Kilig na sana eh! Kaasar.
"Ang sama mo Gd! Di kita bibigyan ng pagkain!" Nagsimula na ako umakyat sa puno. Nasa parteng gitna na ako ng...
*creek*
"KYAAAAAH! GD! WAAAAH!" napapikit nalang ako at inantay kong bumagsak ako sa lupa
"Baliw ka ba?! Gangster ka ba talaga? Bakit hindi mo manlang ginamit yang skills mo?" Nasalo nya pala ako. Hooh. Pero magkalapit yung mukha namin kaya ayan na naman yung puso ko at tumitibok ng malakas.
"P-paano k-ko naman magagamit a-ang gangsters skills ko kung may sugat ako?Tsk" Pinilit ko nalang mag taray pero nauutal ako eh.
"Tsk. Pasalamat ka at nung mahulog ka sa akin. Nasalo kita. At kahit ilang beses ka pa mahulog sasaluhin at sasaluhin kita." A-ano daw? Parang double meaning pero syete! Kinikilig ako! Yung puso ko sobrang bilis na talaga ng tibok.
Unti unti nyang nilalapit yung mukha nya sa akin. Ikikiss na ba nya ako? Eto na ba yun?
"Dara! Nandito lang pala kayo!" agad naman akong nabitawan ni Gd kaya ayan! Ang sakit ng pwet ko! Si Cl naman kasi kung makapanggulat!
"Aray naman! Oh Cl, may nahanap ba kayo?" Umiling naman sya pero nakatingin pa rin sya kay Gd. Agad ko namang tiningnan si Gd. Nakatingin din sya kay Cl.
Magsasalita na sana muli ako ng mapatingin ako sa malayong parte ng gubat. May nakatingin sa amin. Teka, Sa akin? Isa syang lalaki at kahit malayo ay kitang kita pa rin ang kagwapuhan nito.
"Dara! Huy Dara! Kanina ka pa namin kinakausap eh!" napalingon na naman ako Taeyang.
"Eh kasi may-" nilingon ko muna pero wala na yung lalaki. Multo ba yun oh ano?
Pero yung mukha nya, natatandaan ko yung mukha nya. He's so mysterious. Bakit sya nakatingin sa akin?
Someone's POV
"Pre! Diba sabi ko naman sayo iba ang hinahanap natin. Hindi yung babaeng yun ang kailangan natin!"
Hindi ko pinapakinggan ang sinasabi nya at iniisip ko pa rin ang mukha ni Sandara. Napaka inosente ng mukha nya. Pero ng kasama nya ang Gd na yun? Tsk.
"Mapapasa akin din sya. Tandaan mo" sabi ko sa kausap ko saka ko sya iniwan mag isa.
To be continued....
Author's Note:
Hanggang dito muna readers. Nagbabawi pa kasi si Ms. Author sa grades eh. I'll try to update every weekends. Salamat sa pagbabasa. Vote and comments. Thank you.
Jheykelle
![Battle of Hearts [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/51560367-64-k489358.jpg)