BOH 11-Vanish

43 9 5
                                    

Dara's POV

Naalipungatan ako nang may marinig akong kakaibang tunog. Napatingin ako sa mga kasama kong mahimbing na natutulog. Nilibot ko ang paningin ko para tingnan kung ano ang cause nito pero wala akong nakita. Siguro guni guni ko lang yun.

Di ko matukoy ang tunay na oras dahil wala naman kaming relo. Pero base sa instinct ko ay nasa alas 3 na nang madaling araw. Devil hour nga sabi ng iba. At kapag nagising ka daw ng walang dahilan ibig sabihin non may nakatitig sayo.

GOSH....

O.O

Wala naman sigurong multo sa virtual world diba?!

"psst"

O.o

Guni guni ko lang yon. Diba?!

"Psst...Psst" hala! Sino ba kasi yun. Natatakot na ako eh.

"S-sino ka?!" Napatingin naman ako sa kasamahan ko na mahihimbing ang tulog.

"Psst" yan ang sagot sa tanong ko. Sit sit -_-

"Lumapit ka dito.....Pssst" HALA! MAY MULTO!

"WA-mmmmmmm" sisigaw na dapat ako ng may biglang nagtakip ng panyo sa mukha. May naamoy ako then.....

[Black out]

Bom's POV

Napaaga ang gising ko ngayon. Nakita kong natutulog pa si Minzy, TOP, Taeyang at Daesung. Ang aga naman atang gumising nina Gd. Saan kaya nagpunta ang mga yun?

Siguro naghahanap ng pagkain sina Cl at Dara.

"Oh gising ka na pala." napalingon ako sa nagsalita.

"Ang aga nyo nga magising Cl eh. Oh nasan na si Dara?" Wala kasi si Dara eh.

"Ewan ko nga eh. Baka kasama nina GD." sabi ni Cl saka umupo sa malaking ugat ng punong sinisilungan namin.

"Siguro nga. Gisingin ko na yung iba ha." sabi ko saka lumapit kina Minzy. Kailangan na kasi namin maghanda at magensayo dahil hindi biro ang mga makakaharap namin.

Cl's POV

Magkasama na naman pala sila. Hmm. Siguro dapat masanay na ako. Alam ko namang hindi nya ako magugustuhan. Dapat maging masaya nalang ako para sa kanilang dalawa.

"Oh ang lalim ata ng iniisip natin ngayon ah?" Si Taeyang pala.

"Oh bat nagising ka pa?" Nakataas kilay kong sagot sa kanya. Umupo sya sa tabi ko.

"Ang hard mo sa akin Cl! Wala manlang bang Goodmorning?" Tsk. Ang ewan talaga ng Taeyang nato.

"I dont care!" sabi ko. Akmang tatayo na sana ako ng dumating sina Gd kasama si Seungri.

"Good Morning Cl." bati ni Gd. Nginitian ko naman sya bilang sagot. Napatingin ako sa kasama pero si Seungri nga lang ang nakita ko.

"Nasan naman si Dara?" Tanong ko kay Gd. Napakunot naman ang noo nya na ipinagtaka ko.

"Ha? Hindi ba kasama mo? Hindi naman namin sya kasama. Pagkagising namin wala na kayong dalawa kaya inisip ko na magkasama kayo." Ha? Eh wala naman si Dara nun eh. Hindi ko naman sya napapansin.

"Itatanong ko ba kung kasama ko? Saka hindi ko sya nakita nung nagising ako kaya nag pee muna ako then pagbalik ko wala na din kayo ni Seungri" kwento ko sa kanila.

"Oh anong nangyayari?" tanong ng kakagising lang na si Daesung. Kasunod nya sina Minzy at Top.

"Nawawala si Dara" sabi ni Taeyang.

"Guys baka naman nag pee lang din sya"sabi ni Bom. Imposible.

"Sobra namang tagal nya umihi? May U.T.I ba sya?! " sagot ni Seungri.

"Baka naman nagjejebs. Alam nyo na" napaface palm nalang kami sa sinabi ni Daesung. Nabatukan tuloy sya ni Top.

"Ano ka ba naman Daesung!" saway ni Minzy sa kanya.

"Hahanapin ko sya" sabi ni Gd.

"Baka naman nag jejebs nga sya? Posible yun diba. Syempre tao pa din naman tayo kahit na nasa virtual world tayo. Intayin nalang natin si Dara. Baka sa paghahanap mo makita mo pa syang... Alam mo na" Namula naman agad si Gd dahil sa sinabi ni Taeyang.

"Okay let's wait for her. After 20 minutes at wala padin sya. We will find her? Is that clear?" sabi ko. Nagsalute naman sila. At tumango lang si Gd.

[Fast Forward]

"ANO?! KANINA PA SYA WALA. YUNG 20 MINUTES HALOS NAGING 30 MINUTES NA! I'LL GO AND FIND HER!" sigaw ni Gd saka umalis.



Saka ko na sya iintindihin. Mas mahalaga si Dara now. Nasan na ba kasi sya?


"Guys maghiwahiwalay nalang tayo sa paghahanap." suhestyon ni Taeyang at nag sang ayunan naman kaming lahat. Sana lang walang masamang nangyari kay Dara.

Dara's POV

Nasan ako? Bakit wala na ako sa gubat?


"So you're awake. Good afternoon" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Napatingin ako sa kulay ng buhok nya. Kulay black lang talaga. So that means mahina sya?

"You're an amateur? Teka nasan ba ako? Sino ka?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Seems like nasa abandoned room ako eh. Nakidnapped ba ako? DUH! obviuos na obvious na nakidnapped nga ako. Nakatali ang magkabila kong kamay eh.


"So you're an amateur too? Cmon Dara. You dont know me? Tsk " sabi nya habang umiiling. Ako amateur?  ASA! Ang galing galing ko kaya.


"Im not an amateur! Saka itatanong ko ba kung sino ka kung kilala kita? Common sense dude!" napa sigh nalang sya.


"Alam mo Key hindi ko ineexpect na kasing tapang mo rin sya. Nice, but look at your hair Key." sabi nya habang naka ngiti. Key? Siya? sino naman kaya ang tinutukoy nito. Nag aalala na siguro sa akin sina Cl kaya tumayo ako pero tinulak nya ako paupo. Aww yung pwetan ko. Napatingin naman ako sa buhok ko. Black na ulit sya? What happened? Pero, I need to escape para malaman ang nangyayari kaya...


"ANO BANG PROBLEMA MO?! PAKAWALAN MO NGA AKO DITO! NAG AALALA NA YUNG MGA KAIBIGAN KO!"sigaw ko sa kanya pero sya nanatiling nakangisi. Tumalikod sya parang may kausap sa phone. May signal pala dito sa virtual world at teka bakit sya may phone? Hindi yun allowed diba?

"Matulog ka muna ulit key" sabi nya saka humarap at teka anong gagawin nya sa syringe?!

Ang alam ko nalang tinarak nya sakin yun then everything went black...


To be continued...

Author's Note:

Sino nga ba ang kumuha kay Dara?

Ano ang ibig sabihin ni Mysterious guy about dun sa key?

Find out on the next chapter. Update will be next week.

Pasensya napo sa matagal na update nag babawi po kasi si Author ng grades. Btw, may nagbabasa pa ba? Please Vote, comments and follow. Feedbacks naman po for inspiration. Kamsahamnida ^^

Jheykelle

Battle of Hearts [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon