Dara's POV
Argh! Ang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari sa akin-OMG!
Bigla akong napabangon tiningnan ko yung kamay ko. Hindi na nakatali. Nasa isang puting kwarto ako. Nasaan na naman ako? Naawa ba yung nangidnap sa akin at dinala ako sa kwarto?
HALA! Baka hinahanap na ako nina Gd! Bigla akong bumangon at umalis sa pagkakahiga.
"So you're awake.Tss!" napalingon ako sa nagsalita. SHT ANG GWAPO! Hindi ko mapigilang mapatulala sa kanya.
"S-sino ka?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin. Hala baka masama to!
"Magpahinga ka muna" sabi nya saka tumalikod at akmang aalis na.
"Teka! Nasaan ba ako?! Aalis na ako! Babalik na ako kina CL!" sabi ko sa kanya saka tumakbo papuntang pinto pero bago pa ako makalabas ay nahawakan nya ang dulo ng damit ko.
"Shet ka! Pag ako nahubadan dito! Bakit ayaw mo ba akong paalisin?! Sino ka ba?! Siguro kasamahan ka ng nangkidnap sa akin no?! Kidnapper na gwapo paalisin mo na ako!" sabi ko. Nagsmirk naman sya. Shems! Bakit ko sinabing gwapo sya. Sabihin pa nito may crush na ako sa kanya. Si Gd lang nasa puso ko no!
"Tss! Im the one who saved you from that jerk. Magpahinga ka muna. Ihahatid kita mamaya. Masyadong delikado."sabi nya sa akin. Ayy ang bait naman pala ni Kuyang gwapo eh.
"Ay ikaw ba ang nagligtas sa akin. Hehehehe. S-salamat. Ako nga pala si Dara" sabi ko sabay abot ng kamay.
"Yeol"Yeol? Huh? inabot nya sa akin ang kamay nya.
"Yeol ang pangalan mo?" nag nod naman sya then nag shake hands kami.
"Ah salamat nga pala Yeol. Teka nasan ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Tsk wag ka na lang magtanong. Magpahinga ka muna." sabi nya sa akin. Hmm nasan nga kaya ako? Nasa virtual world parin kaya ako?
Gd's POV
Fck! Asan na ba kasi si Dara!? Kahapon pa namin sya hinahanap pero wala pa din sya! Argh! Baka may nangyari ng masama sa kanya. I cant afford na mawawala sya sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag confess eh!
"Wala pa ba?!" sigaw ko sa mga kasama ko. Umiling nalang sila. Alam kong nagiging OA na ako pero Leche si Dara ang nawawala!
"UGH! SAAN KA BA KASI NAGPUNTA?!" napaimpit na sigaw ko nalang.
"GD! Relax. Mahahanap din natin sya"
Napatingin naman ako kay Cl.
"IKAW YUNG LEADER NG GANG NYO PERO PINABAYAAN MO SYANG MAWALA!" huli na bago ko matikom ang bibig ko. Nakita ko naman syang naluluha. Alam kong hindi yun kasalanan ni Cl. Masyado lang akong nadala.
"C...C-" hihingi sana ako ng tawad kaso bigla nalang syang nagsalita.
"AKALA MO BA GUSTO KO MAWALA YUNG KA GANG KO! AT ETO PA HA! KAIBIGAN DIN NAMIN SYA! GD KUNG SA TINGIN MO KASALANAN KO MAN! O SIGE! KASALANAN KO NA!" sabi niya saka sya umalis. Sinundan naman sya ni Minzy.
I felt guilty. Pag nahanap ko na si Dara magsosorry ako sa kanya.
Dara's POV
"Yeol. Kasama ka din ba sa gang na pinadala sa battle?" Tanong ko kay Yeol. Kasalukuyan kaming kumakain ng cup noodles. Ewan ko nga kung bakit may ganito sila. Eh kami pitas pitas lang.
"Oo" Woah. Eh bakit sya nasa isang bahay? Saka may bahay pala dito.
"Eh? Anong gang ka naman kabilang?!"tanong ko sa kanya. Nag tss lang sya.
"Ay ang suplado mo naman." sabi ko. Di ko napigilang mapapout.
"Mag ayos kana. Ibabalik na kita sa kanila." sabi nya saka tumayo at niligpit yung pinagkainan nya. Kinuha nya din ang cup noodles ko.
"OOY! TEKA NAMAN DI PA AKO TAPOS!" Pero huli na dahil tinapon na nya yung laman ng cup noodles na kinakain ko sa sink ng lababo.
Kaasar naman. Magaling pa nga sya eh! May cup noodles. Kami nagpapakatiis sa mga prutas at isda.
"Sayang naman yun! Aish naman eh!"
Di talaga ako maka get over sa noodles ko. Bwisit naman si Kuyang gwapo eh!
"Iuwi mo na nga ako kuyang gwapo" Ayy Opps.
"Wag ka nga masyadong obvious na crush mo ako. Saka may pangalan ako. Yeol nga diba" Ayy ang kapal din pala ng Yeol na to!
"Ewan ko sayo! Saka di ka gwapo no! Hatid mo na nga ako! Baka alalang alala na sila sa akin eh" sabi ko saka pumunta sa tapat ng pinto. Ayyteka!
"Hehehe. Yeol. Pwede bang mag uwi ako ng cup noodles? Sawa na ako sa prutas at isda eh. Hehehe. Lima lang naman eh. Saka madami naman yan."
Sabi ko. Pinaglapat ko ang palad ko saka nag pout.
"Pssh. No use. Wala kayong hot water. Tara na nga!" sabi nya saka ako hinila palabas. Pero pumasok sya ulit paglabas nya may dala na sya.
"Wear that" sabi nya. Sabay abot sa akin ng isang itim na jacket.
"Ano to?" tanong ko sa kanya.
"Obviously its a jacket" ay pinipilosopo ako neto.
"Eh anong gagawin ko? Bat may ganito?"
"Like i said. Wear that. Pabo" ayy oo nga pala. Pabo na nga ako.
"Tsee! Oo na! Hatid mo na ako!"
"Lets go" sabi nya saka ako hinila.
To be continued...
Salamat po sa nag intay ng update. Pasensya na po kung sobrang tagal.
I dedicated this chapter to Miss feb_annie
Thanks po sa comment mo. Naalala ko po tuloy mag update. Nabulok na kasi to sa drafts ko. Yun lang. Wait for the next update. Medyo matatagalan nga lang.
Jheykelle
![Battle of Hearts [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/51560367-64-k489358.jpg)