BOH 3-Bet

85 26 26
                                        

Bom's POV

Pinagmamasdan ko ang Top maylabs ko natumatawa. Bawat ngiti at tawa nya nahuhulog ang puso ko. Yaaaaah ang gwapo talaga ni Top ko.

~creek

Teka ano yon? May narinig kasi akong sound eh. Parang yabag ng paa. Agad kong kinuha ang baril na nasa Small cabinet namin. Dahan dahan akong lumapit sabintana saka dumungaw doon sa bintanang nandito sa kitchen. Nasa gitna kasi ng parang kagubatan ang headquarters namin. Medyo malapit naman sa kabihasnan, dito rin makikita ang ibang gangs na ka allies namin.


Inikot ng paningin ko ang mapunong lugar sa likod ng HO namin. May nakikita akong mga nagtatakbuhan mula sa dilim. May mga nakatago din sa puno. Tss Balak ata nila kami iambush.



Napapitlag nalang ako ng may humawak sa balikat ko at pilit akong hinaharap sa kanya. Hinawakan ko ang kamay na ito saka ko pinilipit paikot. Nakatalikod na sya sa akin ngayon dahil sa ginawa kong pagpilipit sa kanya. Agad kong tinutok sa bungo nya ang hawak kong pistol.


"Ano ang kailangan nyo? Sino nag utos sa inyong sugudin kami? SAGOT!" sabi ko. Mukhang di naman ako naririnig ng mga kasamahaan ko kasi patuloy parin sila sa pagtatawanan. Tss mga manhid.



"Mawawala na kayo sa mundong ito. Hindi kayo makakaligtas sa Battle of Arnesia. Mamatay kayo! Mamatay kayo." sabi ng lalaki pero mahina ang boses nito. Ayaw nya atang malaman ngmga kasamahan ko na may mangyayaring labanan ngayon. Pero ano yung sinasabi nyang Battle of Arnesia?


"Ayaw mo talagang sabihin ah. Sorry i gave you a chance but you just ignored it. Dont you dare to mess with us. Or else you'll meet hell but you alredy mess with me. So say goodbye to earth, and welcome to hell. Any last words?" sabi ko ng medyo mabilis pero gamit parin ang isang nakakatakot na boses na makakapagpakilabot sa normal na tao.



"Mamatay kayo!" ang kulit talaga ng isang ito. Diniin ko ang pagkakatutok ng pistol ko sa ulo nya. Ngunit bago ko pa maiputok may nagliparang mga shuriken patungo sa direksyon ko. Kaya ginawa kong panangga ang lalaking hawak ko. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbigat ng hawak kong lalaki. Binitawan ko na ito at tuluyan na nga syang natumba. Nalagutan na sya ng hininga dahil sa pagbaon ng shuriken sa ibat ibang parte ng katawan nya. Hinanap naman agad ng paningin ko kung saan nanggaling ang mga shuriken. May nakita naman akong tumatakbo mula sa dilim sa kakahuyan. Agad ko naman itong pinaputukan. Maya maya pa ay natumba ang tumatakbong iyon dahil sa pagkatama nito sa ulo. Ganon din ang ginawa ko sa isa pang nakita ko.


Dahil siguro sa narinig na putok ng baril ng mga kasamahan ko. Siguro naramdaman nila na may nangyayaring kakaiba sa kanila. Tsk mga manhid talaga. Lalo na si Baby Top ko.



Nakita ko naman silang dali daling pumasok sa kusina at may mga dala ng weapons. Nakita naman nila ang bangkay ng lalaki at ang nagkalat na dugo sa sahig.


"Guys...marami tayong kalaban" sabi ko gamit ang tonong may pagkaseryoso. Nabigla naman ako ng biglang hawakan ni Top ang braso ko. O.o


"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Patingin nga" n-nag a-aalala s-sya sa a-akin? O.O


"Ah A-ayos lang ako" sabi ko sabay hila ng braso ko mula sa pagkakahawak nya. Nakita ko naman ang pag ngisi ng iba kong kasamahan dahil sa inakto ni Top. Ghad! Parang nakuryente ako dahil sa hawak nya! Agad naman akong tumalikod saka humarap sa bintana. Ramdam ko na kasing namumula ako.


May nakita naman ako sa kakahuyan kaya.. OOPS MAY LABAN PA NGA PALA. HIHI NAPASOBRA AKO SA KILIG!


Agad akong tumalon mula sa bintana. Napalingon ako sa kanila bago tuluyang makalabas. Nang makalabas na ako nakita ko naman ang pagsunod ng mga kasama ko. Pero ng sina Daesung na ang lalabas bigla silang hinarang ni Cl.


"Dyan na kayong tatlo. Seungri, Daesung Bantayan nyo si Minzy." agad namang tumango ang dalawa.



Dali dali naman kaming nagpunta sa gitna at handang lumaban. Kitang kita ko ang mga kalaban na nakapalibot  sa amin. Tsk. Masyado ba kaming malakas para magpadala sila ng ganitong kadaming gangsters? Tsk.

"Guys, Lets have some bet? Its for boys versus girls. Padamihan ng mapapatay. Okay ba?" yay Its going to be exciting.


"Okay"sabay sabay naming sabi. Natatawa ako kasi nagawa pa naming mag usap at magpustahan habang nasa gitna kami ng gyera. Ang tatanga naman nila at wala pa silang balak sumugod. Tsk di ba nila alam ang grab the chance tsk.

"What would be the consequence?" tanong ni Cl sa may pakanang si Taeyang.


"You can wish anything to the looser group if you'll won" sabi nila. Tsk ganun pala yun nice kapag kami ang nanalo? Iwiwish ko kay Maylabs na maging kami na wahahahaha.



"Okay! Game ako dyan"sabi ni Dara.

"Bring it on"sabi naman ni GD. And i just nod. So its going to be fun?


To be continued...

A/n: Sorry po sa late update. Sana po magustuhan nyo. Hooh done with the examinations. Please votes and comments guys. Thanks.


Jheykelle










Battle of Hearts [On-Going]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon