Chapter Uno Me and them

43 0 0
                                    







Alexxxx........ !!!!!! Gising na.....!!!!!!

Yan palagi ang alarm clock ko sa masungit kong tiyahin...

Maaga ako palagi humigising dahil maaga akong pumupunta sa trabaho ko.
Oo may trabaho ako isang maliit lang na kainan. Nag mamay-ari ay ang tiyahin ko.

Nag tatrabaho ako sa kanya dahil narin sa pag-tira ko sa bahay nila.

Taga hatid ako ng order ng mga customer at nag didiliver narin ako ng pagkain sa mga customer na tumatawag sa amin.

Kahit na maliit lang ang karendirya ng tiyahin ko ay masarap naman ang mga pagkain dito at mura pa..

Actually lahat ng mga suki niya dito ay nag tatrabaho sa mga malalaking companya at syempre iba't-ibang mga tao din. Kagaya ng mga studyante at mga turista.
Oo ganyan ka sikat ang karendirya namin. ^_^

"Ikaw bata ka palagi ka nalang nahuhuli ng gising dapat nga ikaw ang mauna sa akin pumunta doon." Yan ang bungad sa akin agad ng tsyang(tiyahin).
"Opo tsyang." Kamot ako ng ulo at nag tungo sa kusina para mag kape.

" hoy wag ka nang mag kape at tanghali na baka magsisi datingan na ang mga yun.." hindi ko nalang tinuloy ang pag kakape ko dahil sa walang tigil na pag bubunganga.

Ano bayan kahit na mag kape lang hindi pwede. kahit manlang mainitan ang tiyan ko.

Nag ayos nalang ako at agad na kinuha ang bag ko at lumabas.

"Pssst..... " lumingon ako dahil sa isang tinig. Hinanap ko at nakita ko si Carla may sinisinyas.

Nang hindi ko ma gets ang sinisinyas niya ay binato niya ako ng papel. Napatama naman sa ulo ko kaya agad ko itong nakuha.

"Ang assignment ko tapos na" yun ang nakalagay sa sulat. Niya tumingin ako sa kanya sa taas at nag sign na ok na.

Agad naman itong umalis at hindi manlang nag pasalamat sa akin. Si Carla pala ay ang anak ng tiyahin ko 2nd yr. college na siya at nag aaral sa isang private skul.

Sa akin siya nag papagawa ng homeworks niya ay activity even projects sa akin niya pinapaasa. Grabe talaga ang babaing yun. Napaka tamad bakit pa siya nag aaral kung ayaw manlang niya gawin ang mga gawain sa school. Pero kung ako ang nakapag aral sigurado ako na buong buhay ko pasasalamatan ang lord na nag aaral ako. Pero hindi eh mali. Ako pa tuloy itong nag tatrabaho sa sarili para sa ibang tao.

Pero hindi naman sa ganun na masama akong tao. Ok lang naman sa akin na sa akin siya nag papagawa ng project kasi dahil doon natutuno din ako sa mga lection ng subject niya kahit college na ang tinuturo.








The TRAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon