.chapter kwatro

6 0 0
                                    

Napa baling ang tingin ko kay sir na biglang sumigaw.
"Where the heck is he, bakit wala pa siya dito..... asan naba siya someone pls tell me...!!!
Sino kaya ang hinahanap ni sir at ganun nalang ang inis nya nakaka pagod naman ng araw yan.

"Im here........
biglang may isang nag salitang lalaki na kakapasok lang sa pinto na naka suot ng black jeans samahan pa ng white t-shirt na pan-itaas. Simple lang ang lalaki na dumating masasabi ko na matangkad siya maputi at sexy ang katawan. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi naka suot siya ng black ray van shades.

"Oh...there u are..saad ni sir nilapitan niya ang lalaki at parang nilalambing.

Si sir talaga kanina parang galit na galit na hinahanap ang lalaki tapos ngayon ang bait-bait na ng mukha.

Lumabas na ang lalaki sa isang room kasabay din si sir na lumabas at lumapit sa akin.

" here is the money,sorry sa pag hihintay ngayon lang kasi dumating ang p.a ko. Hinintay pa kasi ang alaga ko." Saad niya sabay abot ng pera. Inabot ko din ito sa kanya"wala po yun." Sabi ko naman sa kanya.

Akmang aalis na sana ako pero na uusisa ako sa lalaking kaka dating lang nag palit siya ng damit na pang pormal at pumwesto sa tabi ng babae na kanina pang nag po pose ng sarili sa camera.

Naki usyuso muna ako at tumingin sa may bandang likuran sa may sulok. Nakikita ko kung paano mag pose ang lalaki sa sarili niya ang galing talaga at panay naman ang kapit ng babae sa braso niya. Ang galing nilang dalawa. Talagang nakaka kilig ang chemistry nila pagdating sa set.

Mga naka ilang kuha na ng picture ang photographer habang ang iba naman ay seryuso sa kanilang mga trabaho. Hindi ko sinasadyang natapakan ko ang isang extension wire at nagkaroon ng pag patay ng ilaw sa harapan ng dalawang modelo. Narinig ko ang sigawan nila at nag papanic sila lalo na si sir na galit na galit na nag tatanong kung ano ang nangyari.

May nag salita na naputol daw ang saksakan ng wire kaya napatay ang ilaw.

Napalingon sa akin si sir kaya naman napa tikom ako ng bibig ko sa kamay ko.at nag peace sign sa kanya.

" Ikaw what are u doing here!!!!??? Sigaw niya sa akin sabay turo sa akin na siya namang tumingin sa akin ang lahat ng tao sa loob ng studio.

''Sorry sir...sorry sa inyong lahat hindi ko sinasadya." Agad din akong tumakbo at lumabas ng studio bago paman ako maka labas ng tuluyan ay narinig ko pang tumawa ang lalaking model ng mahina.

Hay grabe ano ba yun. Buti nalang at nakalabas ako ng buhay doon kundi siguro ko patay na ako.! Hawak hawak ko ngayon ang dibdib ko sa kakatakbo ng mabilis patungo sa parking lot.

Nag pahinga muna ako saglit at napa upo. Maya-maya lang ay natanaw ko ang mga grupong lumabas ng building at may mga naka palibot ng mga reporter na sumusunod sa kanya pinigilan naman ito ng mga gwardiya niya. Tuluyan nadin siyang naka pasok sa sasakyan niya at agad na pinaharorot.

Siya yung lalaking nakita ko sa studio kanina bakit kaya siya nag mamadaling umalis?? Sumakay naman ako ng motor ko matapos ang sandaling pag papahinga.

Bakit ngayon ka lang? Bulong sa akin ni basty na sinalubong ako sa pintuan at busy sa pag hatid ng order sa mga kumakain.
Patay! Si tsyang siguradong galit na naman yun.

Ibinaling ko nalang ang pag lilinis ng mga kinainan ang sarili ko ng saganun hindi ako mapagalitan ni tsyang.

Maya-maya lang ay naramdaman ko nalang may tumama sa ulo ko. Tumigil mo na ako sa pag lilinis at hinimas ko ang ulo kung saan ang sakit. Nagulat ako ng makita ko ang kamay ko na may bahid ng dugo. Hinanap ko ang may gawa ng pag bato sa akin. Nagulat ako ng si tsyang may hawak na mangkok.

"Tsyang bakit ano ba ang ginawa ko? tanong ko sa kanila na pinipilit wag isipin ang sakit.

akala ko mag hihingi ng pasensya si tsyang sa ginawa niya ay lalo lang akong binatokan at pinalo sa balikat.

Mangiyak-ngiyak na ako sa ginawa niya pero pinilit ko parin wag umiyak. " nag tatanong ka pa kung ano ang ginawa mo, eh ikaw itong hindi nag tatrabaho ng maayos. Hinawakan niya ang ulo ko at pilit na sinasabunot. "Tsyang tama na po!? Sinampal niya ako ng napakalakas kaya napa hawak ako sa pisngi ko. At tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya naiwan akong mag isa sa kusina.

Bakit ba ganito ang buhay ko. Para sa akin kahit anong pag pagsubok kinaya ko pero bakit parang mali parin.
Alam ko naman bata palang ako ay kay tsyang na ako lumaki at nagka isip. Kaya ganun nalang basta ang pakikisama ko sa kanila. Kahit na mahirap ay titiisin ko. Sila nalang ang pamilyang natitira sa akin.








The TRAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon