Heto ako ngayon nag papa takbo ng motor ko ihahatid ko lang naman ang isang order. Isang order lang yan huh. kasi naman si sir gusto niya ang order niya ma idiliver agad bakit naman kasi hindi nalang siya kumain sa karinderya nang saganon hindi ko ngayon madidiliver to. ganito kasi yun siya palang ang unang tumawag na mag papa diliver ngayon at gusto niya na madiliver agad sa kanya. Kaya heto ako ngayon nag mamadali na maibigay agad sa kanya.
After miles and miles ay nakarating din agad ako sa address na pinuntahan ko.
Isang malaking building siguro mga 30 floor ang laki talaga.Pag pasok palang ay matatanaw agad ang mga nag sisilakihang rebulto at mga larawan ng mga artista at mga kilalang tao sa showbiz.
Ibig-sabihin narito ako ngayon sa isang talent building kung saan maraming mga artista ang nandito.
ibig sabihin andito yung crush ko na si Carlos Miguel Sa marimar.. nag punta ako sa may front desk para mag tanong kung saan ko makikita si sir. Kaso walang pangalan niya ang nakalagay kasi naman nag mamadali kasi kaya hindi na naitanong ang pangalan.
Tinanong sa akin ang agency pero wala akong alam sa mga agency-agency na yan.
Hiningi naman niya sa akin ang info card kung may ibinigay. Kaya binigay ko na din sa babae sa front desk.
"Pumunta na lang po kayo ma'am sa 28th floor at hanapin nyo nalang ang hinahanap nyo po" saad sa akin ng babae.
"Sige...salamat ha..
Ah teka lang miss saan ako dadaan?tanong ko ulit sa kanya.
"mag elevator po kayo ma'am para madali po". Sagot naman niya sa akin. Elevator ano yun? Patay tau diyan hindi ko pa naman alam kung ano yun. Pasensya na talaga kahit elevator hindi ko alam.Sinundan ko nalang ang mga kanina pang nagsisi daan na mga tao. Narinig ko na may pupunta daw sa 28th floor kaya ayun sinundan ki nalang.
Nang masundan ko na siya napahinto ako dahil pumasok siya sa pintong automatic na nagbubukas.
Yan na ba ang elevator na sinasabi nila. May tumatawag sa akin "miss...miss papasok ka ba? Nag taka ako saglit pero hindi ko alam kahit natatakot ako ay sumunod nalang ang mga paa ko na pumasok kaya ayun nga naka pasok ako.habang nasa loob ako ng elevator hindi ako kumibo dahil sa nerbyos ko. Naramdaman ko kasi na tumataas ang sikmura ko. Nag taka ang mga nakasabay ko dahil sa pag dikit ko sa pader at nanginginig.
Nang mag bukas isa-isa ang pinto at isa-isa din nag labasan ang mga tao. Dalawa nalang kame natira ng babae na tumawag sa akin kanina.
"Excuse me bago ka lang ba dito? Tanong ng babae na may bitbit na coffe at dunot.
Tumango nalang ako sa kanya at nag smile. Nang mag bukas na ang pinto sinabi niya sa akin na 28th floor na daw. Nauna siyang lumabas at naiwan ako. Syempre nag dahan-dahan akong lumabas kasi nga natatakot ako. Oo sabihin na natin na mukhang ignorante ako pero hindi naman masyado.Hay! Salamat at naka labas na din ako sa elevator dali-dali ko na din hinanap ang hinahanap ko kaya naman nag tanong-tanong ako at sumisilip nadin para mapabilis ang hanap ko.
Naka ilang tanong na ako at finally nahanap ko din si sir. Lumabas siya sa puntuan kaya naman ay hinabol ko siya agad hanggang sa pumasok siya sa may isang kwarto at pag pasok ko ay napasigaw ako dahil baka mawala na naman siya sa paningin ko.
"Siiiiiiiiirrr!!!!! Sigaw ko ng napakalakas.
Nagulat ako dahil sa nakita ko. Lahat sila naka tingin sa akin. si sir na naka buka ang bibig ay napatingin sa akin mapa photographer, stylish, lahat lahat na napatingin sa akin.Parang nag mumukha na talaga akong baliw dito. Aist nakaka hiya naman to. Napa kamot ako ng ulo.
" Pasensya na sa abala.." humingi ako ng sorry at agad ko din tinungo si sir na naka tingin parin sa akin.
Sir....buti at nahanap ko kayo, grabe ang hirap niyong hanapin talaga.." habang nag sasalita ako panay naman ni sir ang kunot sa nuo."Teka...teka lang ibig sabihin kanina ka pa nandito? Tanong niya sa akin na inabot naman niya ang inorder niyang food.
Napa kamot na naman ako sa batok ko" Oo sir kaya lang napa tagal ako kasi doon sa pintong bumubukas mag-isa----.Ano u mean elevator!!!?? Saad ni sir sa akin nag nag taka pa.
Opo sir yun nga! saad ko sa kanya sabay ngiti.
Andito parin ako sa may studio hindi mo na ako umalis kasi sabi ni sir antayin ko muna daw ang bayad hindi niya kasi dala ang wallet niya at pinakuha niya ito sa p.a niya.
Nag libot-libot mona ako ng tingin sa mga taong abala sa pag aasikaso ng mga ginagawa niya. Siguro ko nga ay parang may ginagawa silang picturial shoot. May isa kasing babae na panay ang pose sa may isang sulok na puro white ang background at may mga ilaw sa harapan at may kumukuhang photographer.

BINABASA MO ANG
The TRAP
Fiksi RemajaMay maayos na pamumuhay si Alex pero nag iba ang lahat ng yon dahil sa isang pag kakamali. Namumuhay siyang mag isa hindi niya alam kung sino ang mga magulang niya. Ni minsan hindi manlang siya nakaranas ng magandang pamumuhay. Until she meet the...