8| C'est la vie
Move on. Anim na titik, dalawang pantig, dalawang salita. Madaling sabihin, madaling bigkasin, madaling baybayin, madaling ipayo... pero napakahirap gawin.
Ang sabi nila, hindi ganoon kahalaga ang nakaraan. Nangyari na, tapos na, wala ka nang magagawa. Pero ang nakaraan ang dahilan kung ano tayo ngayon. Ang nakaraan ang nagtuturo sa atin ng mahahalagang leksyon ng buhay, ang mga gintong aral na hindi maituturo ng sinumang guro, o iyong mga matututunan sa anumang libro. Nasa nakaraan ang mga pagkakamali natin. Ang mga pagkakamali na magtuturo sa atin sa masakit na paraan, pero mabisa naman.
Pagkakamali. Iyon ang mga leksyon na matutunan natin sa pinakamahirap at pinakamasakit na paraan. Iyon ang magtuturo sa atin na masasaktan lamang tayo kapag ginawa natin ang isang bagay.
Pero may mga bagay na kahit gaano tayo masaktan, uulit-ulitin natin.
Magmahal. Iyon ang bagay na kahit paulit-ulit tayong masaktan, gagawin at gagawin pa din natin. Kahit nakakasakit, kailanman ay hindi iyon matatawag na pagkakamali. Iyon ang bagay na kahit kailan, hinding-hindi kadadalaan.
Iyon ang bagay na kahit kailan, hindi ko matutuhang sukuan. Nasaktan na ako. Napaluha nang paulit-ulit. Pero nasaktan lamang ako, hindi ako natuto.
Ang sabi ko, ayoko nang masaktan. Sinubukan ko namang lumayo. Pero isang sulyap lang sa kanya, nakakalimutan ko ang lahat ng natutunan ko. Lumilipad sa kawalan ang mga bagay na ipinipilit ko sa sarili ko. Nawawala ang mga natutunan ko sa mga pagkakamali ko.
Isang sulyap lang sa kanya, handa na naman akong magkamali at masaktan. Paulit-ulit na, pero hindi ako madala-dala. Lahat ng itinatanim ko sa utak ko na dapat kong gawin ay nalulunod sa labis na pagmamahal ko sa kanya.
Pagmamahal. Para sa mga bigo sa pag-ibig, iyon ang emosyon na nakakatanga. Nakakapagod pero paulit-ulit kang babangon para lumaban pa. Lalaban ka hanggang sa wala nang matira sa'yo. Tatayo ka hanggang sa maubos ka na.
Pero para sa mga minamahal pabalik, iyon ang pinakamasayang pakiramdam. Iyon ang bubuo sa buhay mo. Iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Kaakibat na ng pagmamahal ang lahat ng iba pang bagay na mahahalaga. Suporta, pang-unawa, pag-intindi, pagpapahalaga... lahat na kasama ng pagmamahal.
Pero ang buhay ay hindi lang naman tungkol sa magagandang bahay. Kapag nagmahal ka kasi, binibigyan mo ang minamahal mo ng karapatan na saktan ka. Kung sino kasi ang taong pinakanagpapasaya sa'yo, siya din ang taong pinakamakakasakit sa'yo.
Ganoon ang buhay. That's life. Así es la vida. C'est la vie.
A sweet smile formed my lips while I look at my reflection at the mirror.
"Pregnancy suits you well" said the man who stood at the frame of the door.
I look at him through the mirror. I smile sweetly at him and caress my big tummy. "I'm excited for the baby"
He walks towards me with a huge smile. "I am too" he said then bent over to kiss my tummy. "Hi, baby, your mom and I are excited for you. 'Wag mo papahirapan si Mommy, okay?" he gently talked to my baby.
"I bet you'll be a good father" I gently combed his hair.
He look up at me then smiled boyishly. "We'll see. In less than a month, our baby will come out"

BINABASA MO ANG
Fall for You
Short StoryI am Tatiana Marie de Vega, and this is my story of love, heartache and reconciliation with Marcus Elliot Legaspi.