11| What He Did for Her
"Senyorito, may naghahanap ho sa inyo sa baba. Tatiana Del Bosque daw po" magalang na sabi ng isang kawaksi namin nang pumasok sa opisina ko.
Mula sa mga binabasa ko na dokumento ay inangat ko ang paningin ko sa kanya.
"Sabihin mo hintayin ako sa sala. Pababa na din ako" seryosong sabi ko at ibinalik ang atensyon sa binabasa.
Hindi pa ako nakalilipat ng pahina ay tuluyan ko nang ibinaba ang binabasa ko at sumandal na ako sa upuan at pumikit.
Tatiana... Tatiana Marie Del Bosque
Tangina.
Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na sakit na unti-unti nang gumagapang sa pagkatao ko.
Apat na taon. Tangina, apat na taon na akong nagsisisi. Nagsisisi ako na naiwala ko ang babae na mahal ko. Naiwala ko si Tatiana.
At sa iba na siya ngayon.
Del Bosque.
Tatiana Marie Legaspi will sound better. But Raphael Del Bosque will always be a better man than me.
I hurt her. I hurt Tam, the woman I love. I was blinded for so long. Ang tanga-tanga ko kasi. Nakampante ako. Nakampante ako na palagi naman siyang babalik. Ilang beses na kaming nagkalayo pero palagi naman siyang bumabalik.
Tangina, sising-sisi ako. Alam ko na gasgas na 'to, pero sana kaya kong ibalik ang oras. If I could turn back time, I won't take her for granted.
I know I'm the one who pushed her away. Noong mga panahon na 'yon kasi, mas kailangan ako ni Mely. At hindi ko mapabayaan si Mely dahil may kasalanan ako sa kanya. Hindi ko naman sadya. hindi ko naman ginusto, pero kasalanan pa din.
That night, nag-away kami ni Tam, nagagalit kasi siya sakin dahil ayaw niya pa umuwi, gusto niya sa Davao muna kami. Pero nag-aalala ako kay Mely. Alam ko na sobrang nasasaktan siya. Nag-aalala ako na baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya.
Tinawagan ako ni Mely at nakikipagkita s'ya sakin. She said she badly needs a friend to hold on to.
Ayoko sanang umalis. Ayokong iwan si Tam na galit sakin. Pero sinigaw-sigawan niya ako na umalis na daw ako. Lalaki lang naman ako, may ego ako na natatapakan niya. Inis na iniwan ko siya.
Pinuntahan ko si Mely at nakita ko kung gaano siya kamiserable. Nakita ko ang pamamaga ng mga mata niya. Galit na galit ako kay Gab. Tangina niya para gawin 'to kay Mely.
Sinabi ni Mely kung bakit sila naghiwalay. May nabuntis si Gab na ibang babae.
I comforted her. I gave her the friend she needed.
Nagyaya siyang uminom sa bar. Sabi niya gusto niya daw na makalimot, kahit sandali lang.
Pinagbigyan ko siya. Tinawagan ko din si James, pero hindi naman siya pwede.
Isang oras kami sa bar. At isang oras ko na din tinatawagan si Tam. Inis na inis na ako sa pambabalewala niya sakin.
Nang sa tingin ko ay may tama na ako, niyaya ko na si Mely na umuwi. Lasing na lasing na siya. Iiwan ko nalang sana siya sa isang hotel pero nag-aalala naman ako na baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya kapag nagising siya. Nabanggit pa naman niya na gusto na daw n'yang mamatay.
Iniuwi ko siya sa condo ko. Nandoon naman si Tam kaya okay lang. Pero nang makarating kami sa unit ko ay walang Tatiana na naroon. Tinawagan ko siya pero pinatayan na niya ako ng phone.

BINABASA MO ANG
Fall for You
ContoI am Tatiana Marie de Vega, and this is my story of love, heartache and reconciliation with Marcus Elliot Legaspi.