1| A Summer When We Met
I am Tatiana Marie de Vega.
Bunso ako sa aming dalawang magkapatid. My Kuya Rolf is five years older than me.
I came from a f-ucked up family. My fathers married a rich old woman for her money. Kuya Rolf was two years old that time. Technically, kami ang second family. Illegal na pamilya. My mother agreed on the setup. Of course, for the money and the prosperity it can guarantee.
And that taught me that love isn't really enough.
My parents love each other. They could easily fell apart if not. They have been separated for two years. My father can just forget about my mother. Pwede naman na manamasa na lamang siya sa pera ng asawa niya at hindi na balikan si Nanay noon. Pero bumalik siya, at nabuo ako.
My mother, on the other hand, can find someone else. Maganda naman siya at madami ang magkakagusto kahit pa may isang anak na siya. Kung 'yong may sampung anak nga may tumatanggap pa, sa isang anak pa kaya? That time, wala siyang kasiguraduhan na babalikan siya ng Tatay ni Kuya, pero nanalig at umasa siya. Hindi birong hirap ang magpalaki ng anak, lalo na kung walang asawa. Pareho silang hindi nakapagtapos sa pag-aaral dahil maaga silang naging mapusok.
Kaya hindi talaga sapat ang puro pagmamahal lamang. Mapapakain ka ba ng pagmamahal?
I grew up in shame of everything I have. Oo, mayaman ako. Nabibili at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Pero lahat ng iyon ay nakukuha ko dahil sa panloloko ng mga magulang ko sa isang pobreng babae.
Ang alam ng asawa ng Tatay ko, pinsan niya si Nanay at mga pamangkin niya kami.
Everytime I look her in the eyes, the guilt is eating me. At natatanong ko na lamang sa sarili ko, 'Paano nila naaatim na ngumiti pa sa harap ni Mrs. Luazon?'
Kuya Rolf seems to be fine with it. But I am not.
Lahat sa paligid ko, ang alam ang disgrasyada ang nanay ko ng dalawang beses.
Nagpakalayu-layo kami sa mga taong alam ang totoong istorya ng buhay namin.
Tumira kami sa isang maganda at exclusive na subdivision.
I was ten years old when I met a nerd boy with thick eye glasses and weird steel on his teeth. Ang buhok niya, parang nadilaan ng baka sa sobrang ayos at kintab. Nang makita ko siya sa park ng village namin, ang unang pumasok sa utak ko ay toothpick. Ang payat niya naman kasi.
Tahimik lamang siya sa ilalim ng puno at nagbabasa ng libro.
Tahimik lamang din ako sa park at nakaupo lamang sa may swing. Umalis lamang ako sa bahay dahil nandoon ang asawa ng Tatay ko at hindi ko kayang ngumiti sa kanya. Alam ko kasi na niloloko namin siya.
Ngayon ko lamang nakita si toothpick kaya naisip ko na bago lamang siya. Walang ibang batang lumalapit o nagtatangkang makihalubilo sa kanya.
Iwas ako sa mga bata dito sa amin dahil palagi akong nakukutsa na disgrasyada ang Nanay ko. Wala akong Tatay dahil daw napulot lamang ako sa tae ng kalabaw.
Ang mga batang anak-mayaman kasi, akala mo sila lamang ang anak ng Diyos kung makapag-salita.
Laki ako sa luho, pero marunong ako magpakumbaba. Marahil kasi may kurot ng konsensya sa puso ni Nanay kaya kahit papaano ay gumagawa siya ng kabutihan. O bayad kasalanan sa mga kasinungalingan at panggagamit nila kaya tumutulong siya sa mga charitable institution.
Tumayo ako sa swing at lumapit sa batang lalaki na nasa ilalim ng puno.
Matamis na ngumiti ako sa kanya at nagpakilala. Maputla siya at mukhang may sakit. Ni hindi siya ngumiti pabalik nang sabihin niya ang pangalan niya.

BINABASA MO ANG
Fall for You
NouvellesI am Tatiana Marie de Vega, and this is my story of love, heartache and reconciliation with Marcus Elliot Legaspi.