Note: This is three years ago. Please be guided.
9| Skyler Tristan
"Kaya pa?" nakangiting tanong ni Mac sa akin.
Hinihingal na tumango ako sa kanya.
Humalakhak siya at napatili na lamang ako nang pangkuin niya ako.
"Malayo pa ba 'yong falls na sinasabi mo? Isang oras na yata tayo lakad nang lakad e" reklamo ko sa kanya at inikot na ang mga braso ko sa may leeg niya.
"Malapit na. Promise, it will be worth it" he smiled at me.
Tinuloy niya ang paglalakad habang pangko ako. I just keep on humming.
"Naririnig ko na ang lagaslas, malapit na tayo" malawak ang pagkakangiting sabi niya.
Excited na akong makita ang sinasabi niya na favorite place niya dito sa lupain nila.
Biglaan ang tawag ng Papa niya na kailangan daw siya dito sa hacienda nila kaya naman sinama na lamang niya ako dito sa Davao.
"Wow! Ang ganda!" humahangang sabi ko nang bumungad sa akin ang isang hindi kataasang talon.
Nagpababa ako sa kanya at agad na inilublob ko ang mga kamay ko sa tubig. Ang lamig ng tubig.
Nang lingunin ko si Marcus para sana itanong kung pwedeng inumin ang tubig ay nakita ko siya na may kausap na isang lalaki. Mukhang trabahador nila dito. Ipinasa ng lalaki ang tali ng kabayo sa kanya bago nagpaalam at umalis.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Pinamaywangan ko siya at tinaasan ng kilay.
"May kabayo naman pala na pwedeng sakyan, bakit nagpakahirap pa tayong maglakad?" tanong ko sa kanya
Nginisihan niya ako at hinapit sa bewang. "Mas masarap kasi kapag pinaghihirapan hindi ba?"
I just rolled my eyes at him.
Ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas ko ang braso niya.
"Kain na muna tayo" nakangiting sabi niya at sinumulan nang halukayin ang basket na inabot din ng lalaki kanina.
Tinulungan ko na siya at ako na ang naglatag ng picnic blanket na nasa basket. Nagtulong din kami sa paglalabas ng mga pagkain na nasa container.
"Wow. May cake pa talaga" natutuwang sabi ko.
He smiled at me then pinunasan niya ang pawisang noo ko.
"Happy anniversary" he warmly smiled at me then he kissed my forehead.
I feel like crying upon hearing his gentle voice.
Masama ba kung hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya kahit pa alam ko naman na pagpapanggap lamang ang lahat ng ito?
"Nakaka-touch naman. Mukhang pinaghandaan mo talaga. 'Wag kang ganyan, baka seryosohin ko na 'to." biro ko sa kanya.
But deep within me, I want him to agree that we should take it seriously. That he wants to take me seriously.
One year. Isang taon na kaming nagpapanggap. Masaya ako. Kasama ko siya e. Pero isang taon na, pagpapanggap pa din ang lahat.
Noong unang gabi ng pagpapanggap namin, umasa ako na may patutunguhan na kami. Kaso ang sabi niya, gusto niya lang daw na maging makatotohanan ang lahat. Sa kanya na nanggaling, pero umasa pa din ako. Inisip ko kasi na baka nahihiya lang siya.
BINABASA MO ANG
Fall for You
Short StoryI am Tatiana Marie de Vega, and this is my story of love, heartache and reconciliation with Marcus Elliot Legaspi.