Wala na pong prologue to. Ito ang nobelang pagtutuonan ko ng pansin ngayon. Sana ay suportahan niyo. Enjoy! Share your insights at the comment box.
---
Andy's P.O.V.
"NAKABALIK KA NA BA ULIT SA SCHOOL? Baka kung anu-ano 'yang inaatupag mo ngayon diyan. Imbis na asikasuhin mo ang pagta-transfer mo e tulog ka lang nang tulog diyan."
Hinilamos ko na lang ang unan sa mukha ko. Pinipilit kong huwag marinig ang mga sinasabi sa akin ngayon ni Mama. Ngayon na nga lang ulit ako babawi sa tulog tapos ganito pa.
"ANDY!"
"Babangon na nga sabi."
Umupo kaagad ako at pinunasan ko ang mata ko. Ang sakit na naman nang sobra ng ulo ko. Bakit kasi hindi na lang ako pagbigyang matulog nang tuloy tuloy e naasikaso ko na naman 'yung pagpapa-transfer ko sa University na 'yon. Interview na lang din naman ang kulang.
Tinaasan niya ako ng kilay at sinusuri niya akong mabuti. Unti unti ring lumapit si Mama sa akin.
Pinipigilan kong magsalita at huminga. Dadaigin na naman niya si Detective Conan kung suriin ako ngayon.
"Uminom ka na naman?"
Umiling ako sa sinabi niya. Heto na naman ulit tayo. Pagsasabihan na naman niya ako. Hindi na naman ako bata pa para pagbawalan pang uminom.
"Ligtas ka sa akin ngayon dahil may interview ka pang hahabulin. Hinahantay ka ng Dean ng Arts and Sciences kanina pang 7:30 AM. Anong oras na? Mismong 7:30 na ngayon! Bumangon ka na nga diyan!"
Umalis na siya at binagsak pa niya ang pagkakasara ng pinto. Ginulo ko na lang ang buhok ko. Gulong gulo na rin naman ito pagkagising na pagkagising ko e.
Bakit ba kasi kailangan pa ng ganyang interview e pasado na naman ako sa exam na pinasagot sa akin. Dapat tanggapin na lang nila ako dahil sila rin naman ang makikinabang sa akin.
Wala akong ibang choice, sinunod ko na lang ang sinabi nitong butihin kong ina. Mahirap din kapag kayong dalawa lang ng nanay mo ang magkasama sa iisang bahay pero wala na rin naman kaming magagawa kung kaming dalawa lang. Sapat na rin naman siya sa akin at hindi na ako naghahangad pang magkar'on ng isa pang kapatid na pagbubuntunan pa ni Mama ng atensyon niya. Saan pati namin dadamputin 'yun? Saang dako kami makakakuha ng malinis na sperm cells?
Sa panahon ngayon wala na yatang malinis. Delikado na. Lalo na sa Hepa Lane d'on malapit sa FEU. Sige na, idamay na natin ang mga kainan sa Recto.
"Tang inang buhay 'to."
Kinausap ko na lang ang sarili ko sa harap ng salamin habang nakahubad. Palagi na lang ganito ang takbo ng buhay ko, wala bang kakaiba diyan?
Tiningnan ko ang buong katawan ko sa harap ng malaking salamin. Okay naman. Maganda. Maayos. Nag pose pa ako ng macho pose. Okay naman pala sa akin, bagay na bagay kaso tinatamad lang talaga ako pumunta sa gym. Nakakahiya pati.
"Hindi ka pa rin ba kikilos diyan?"
"MAMA! ANO BA!"
Kumot ang nakuha ko nang wala sa oras dahil hindi ko man lang naramdaman ang pagbukas ni Mama ng pinto ko. Shit, edi nakita niya?
Tumatawa siya ngayon na parang akala mo siya ang nanalo sa aming dalawa. Kanina pa siya nanalo simula nang istorbohin niya 'yung sarap ng pagtulog ko kanina.
"Mag ayos ka na."
Inarapan ko na lang siya at itinapis ko nang maayos ang tuwalya sa katawan ko. Naha-harass ako nang sarili ko pang Mama e.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Confusion
Romance(ON-GOING) May pagkalito na nga sa gender, mas malilito pa pagdating sa pag-ibig? Posible nga bang mapabago pa ang dikta ng puso ng isang babaeng may pusong lalaki dahil sa isang plakadong lalaki? A beautiful confusion nga naman!