CHAPTER 6

92 6 0
                                    


Pasensya sa sabaw at mabagal na update. Dalawang chapter na lang tong ipopost ko dahil yung huli ko pang post ay nung December 2015 pa. Enjoy!

---

Andy's P.O.V.

NAUUNA LANG SIYANG MAGLAKAD SA AKIN. Nasa likod nga lang niya ako pero hindi ko masiyadong pinapahalata na sinusundan ko siya. E pareho lang din naman kami ng klase ngayon kaya no choice, kung saan siya pupunta ngayon ay d'on din ako. Maliban na lang kung hindi 'to a-attend ng klase niya.

"Hindi ako sa room natin dederetso."

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin naman ako.

"Tinatamad pa akong pumasok pero kung ikaw, gusto mo nang pumasok, mauna ka na."

Hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Magca-cut naman pala 'to hindi niya kaagad sinabi. Hindi na bale, aakyat na lang naman ako sa hagdanan.

Hindi na ako nagsalita pa. Naglakad na lang ako at nilagpasan ko na siya. Nakahintopa rin naman kasi siya.

"Teka!"

Lumingon naman kaagad ako nang marinig ko na naman ang boses niya. May nakalimutan ba 'to?

"Hindi mo ako sasamahan?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang akala niya? Sasamahan ko siya sa kabila ng pagdadrama niya diyan? Daig pa nga niya ako, e.

"Hindi, bakit? Five minutes late na pati ako."

"Sa huli naman ng klase nagts-tsek ng attendance 'yang prof natin diyan, e."

Lumapit na siya sa akin. Anong gusto niyang gawin ko ngayon? Samahan ko siya sa pagcut niya? Hindi naman pati kami gan'on ka-close nito, e.

"Samahan mo na lang ako. Kukuwentuhan kita tungkol d'on kila Kelly."

Hindi na ako nakapalag pa. Nang sabihin niya na magkukuwento na lang daw siya tungkol d'on kila Kelly, parang naudyok na rin akong samahan siya. Marahil kasi siguro ay interesado lang akong makilala iyong si Kelly? ...sila ni Quinn. Ang bait kasi nila sa akin, feeling ko nga ay sila ang magiging kaibigan ko sa eskwelahan na ito.

Naghanap kami ng mga rooms na bakante na puwede naming pagtambayan. Totoo ba ito? Napapa-cutting ako kasama itong si Casey para lang sa marinig ko ang kuwento niya tungkol kila Kelly?

Nang makapasok na kami sa isang room na bakante, hindi niya binuksan ang ilaw. Kinuha niya ang remote n'ung aircon at pinindot niya ito na parang siya ang boss, ang naghahari sa kuwartong ito. Umupo siya d'on sa tapat ng malaking electricfan at itinaas pa niya ang paa niya. Samantalang ako, nandito ako sa pinakadulo at nakaayos lang ako ng pagkakaupo ko dahil alam ko namang WALA AKO SA BAHAY.

Hindi siya nagsasalita. Talagang nagpapahangin lang siya.

"Ano na 'yung tungkol kila Kelly?"

Ako na ang nagbasag ng katahimikan.

"Ano pa bang gusto mong malaman tungkol sa kanya?"

Ginagago ba ako nito? Siya nagsabing magkukuwento siya pagkatapos ako ang tatanungin niya kung ano pa ang gusto kong malaman tungkol sa kanya? Kung magtatanong ako, mapaghahalataang sobrang interesado ko kay Kelly. Hindi ko rin naman siya sasamahan kung hindi ako interesado dito, e.

"Sabi mo magkukuwento ka."

"Ah. Ayun nga, kilala ko kasi sila."

"Hindi halata."

Sarkastiko kong pagkakasabi. Mukhang mali naman yata ang pagsama ko ngayon dito sa kanya. Wala naman yata akong makukuhang impormasyon.

"Mauuna na lang ako."

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon