CHAPTER 10

41 4 0
                                    

Casey's P.O.V.

"HINDI KA BA PUPUNTA D'ON?"

Umiling ako habang sumisipsip ako sa frappe ko sabay hithit ng yosing nakaipit sa mga daliri ko. Perfect combination talaga kapag ganito. Hindi madalas candy 'yung pinangta-tandem ko sa yosi. Menthol naman lagi ang niyoyosi ko pero gusto ko rin malamig sa bibig ko kaya kadalasan kapag nagyoyosi ako ay nagfa-frappe din ako.

"Si Ash nang bahalang magbuhat d'on. Balita ko naman ay hindi pa ganun ka-hokage 'yung mga players na 'yun e. Actually, hindi talaga sila maituturing na players, mga naglalaro lang pala sila for fun. Ang totoo namang ibig sabihin ng hokage ay master, hindi ba?

"Lakas naman po pala ng idol ko."

Nag imitate pa siya na para bang sinasamba niya ako sabay tapik sa balikat ko.

"Gusto mo bang sumunod? Dito na lang muna siguro ako."

Nagkamot siya sa batok niya.

"Sige, paps. Una na muna ako sa Mineski ha. If ever man na susunod ka, punta ka na lang d'on."

"Sige, man. Balitaan mo na lang ako."

Nakipag-high five na lang siya sa akin at umalis na siya.

Nakaupo na lang ako ngayon dito mag isa sa may waiting shed malapit sa labas ng Florentine University. Puwede namang magyosi dito dahil sinadya itong hintayan na 'to para sa mga may sasakyang naka-park sa labas ng school namin. Tulad sa mga malls, hindi naman din kasi mahigpit ang patakaran dito sa eskwelahan na 'to, kaya nga sa sobrang pagmamahal ko sa eskwelahan na ito, dito na rin ako nakapag-high school e.

Dapat kasi ay may pustahan kami sa DoTA ngayon, tinamad na rin naman ako. Lalo pa't dala ko 'yung kotseng pamana sa akin ni Daddy. Ngayon ko na nga lang ito nagamit dahil damang dama ko 'yung gastos ko kapag pinapa-gas-an ko itong kotse. Madalas ko lang gamitin ito pang-road trip lang. 'Yung tipong out-of-town ang punta naming mga magtotropa para sila na rin ang sagot ng gas. Hindi ko alam pero iba 'yung naramdaman ko ngayong araw. Dala lang 'to ng lukso ng dugo panigurado.

Ano nga bang magandang gawin ngayon? Parang tinatamad din naman ako. Umuwi na lang kaya ako?

Napatingin ako sa may gawing kanan ko. Kanina pa yata nakatayo 'yung babaeng 'yun kaya napukaw na siya ng atensyon ko.

Kalalabas niya lang yata sa mismong school namin pero medyo lumayo-layo siya dahil kanina pa pala siya nagsisindi ng yosi niya. Nakatakip pa 'yung bahagya ng mukha niya dahil sa malakas ang hangin at halata ko 'yun dahil sumasaboy sa mukha niya ang buhok na sumasabay naman sa pag-ihip ng hangin. Medyo hinahangin din ang skirt niya. Malapit na siyang makitaan dahil sa ikli nito.

Lalapitan ko ba siya? Pasindi ko lang sana sa kanya 'tong yosi ko. Wala naman sigurong kaso d'on, hindi ba? Bakit ka ba nagkakaganyan, Casey? Hindi ba galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon? Pero, hindi naman siguro sa gan'on, hindi ba? Ayoko rin naman masabihan na bitter ako. Sa aming dalawa, ako pa 'tong lalaki na magiging bitter. Pero naging bitter ka rin naman talaga d'on, hanggang ngayon nga diba, Casey?

Bakit ba ako ninenerbyos ngayon? Hindi naman dapat ako magkagan'to. Si Kelly lang naman 'yan... si Kelly Rose Castillo na dating nagpabaliw sa akin.

"Need a lit?"

Humarap siya sa akin nang nakasaboy pa rin ang buhok sa mukha niya dahil sa lakas ng hangin at nakasipit sa bibig niya ang isang istik ng yosi.

"I can manage."

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon