CHAPTER 7

95 6 1
                                    


Casey's P.O.V.

Dumaan na ang isang buong linggo. Kakaiba ang mga nangyari sa buong linggo kong ito kaya hindi ko siya maihahalintulad sa mga nakaraang araw ko dito. Dumating lang talaga ang A.J. na 'yun, naging gan'to na... nanunumbalik na naman 'yung mga hindi ko na dapat iniisip ngayon... si Kylie.

Napapa-chill lang tuloy ako kadalasan dito sa Sanikies Bar and Grill dahil sa kanila. Iniisip ko rin kasi na dito nga madalas pumupunta ang Kylie at Quinn na 'yun. Hindi ko pa nga lang natitiyempuhan na tumatambay 'yung A.J. na 'yun dito. Pero nababalitaan ko kay Ash na tumatambay nga raw minsan 'yung tibong 'yun. Ang naiisip ko tuloy ay baka dahil dito sila nagkikita-kita nila Kylie.

"Maglalaro ka ba p're?"

"Mamaya."

Ibinuga ko ang usok sa bibig ko nang humithit ako sa yosi ko. Ibinaba ko na rin muna ang hawak kong tako dahil katatapos ko lang din naman maglaro.

Dumeretso muna kasi ako dito sa pool area ng bar and grill na ito after ko mag apat na bote ng Red Horse. Hindi na rin naman ako nag-dinner dahil wala akong gana. Nakakatamad namang tumambay lang sa dorm. Umalis din naman si Ash, may gimik daw sila, niyayaya niya nga ako pero parang wala ako sa mood. Gusto ko ako lang mag-isang nagch-chill ngayon.

"Si Kylie at Quinn, Casey o."

Napatingin naman kaagad ako sa tinuro nitong tropa ko na nakalaro ko lang dito.

Magkasama nga silang dalawa. Nakaakbay pa itong si Quinn kay Kylie... wala talaga silang maide-deny sa akin. Idadahilan pa ni Kylie sa akin na kaibigan niya lang ang Quinn na ito pero hanggang ngayon ganyan pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa. Hangal na lang siguro ang magtataka na magkaibigan lang silang dalawa. Wala silang maloloko dito.

Itinapon ko ang yosi ko at inapakan ito. Lumapit ako sa kanila...

"Matagal na panahon n'ong huli tayong nagkita kita."

Napawi ang mga ngiti nila nang makita nila ako. Medyo nahihilo rin ako ngayon, tinamaan kaagad ako sa ininom ko o sadyang may lakas lang ako ng loob ngayon?

"O'nga."

Tipid na sagot ni Quinn.

"D'on na lang tayo sa kabila, Quinn."

"Saan mo siya dadalhin e ang dami namang bakanteng palaruan dito."

Sabi ko kay Kylie na halata namang iniiwasan niya ako. Bakit siya pa itong umiiwas sa akin kung siya rin naman ang mismong nanloko sa akin? Pambihira naman, Kylie.

"Hindi naman kami maglalaro."

"Dadayo ba kayo dito kung hindi kayo maglalaro?"

"Bawal ba?"

Pagtataray niya sa akin. Halata namang napipikon na siya. Kilalang kilala na kita, Kylie. Kung paano ka mabilis pikunin at maasar, alam na alam ko na 'yan.

"May hinihintay lang kami dito. Lalabas na lang kami."

Heto namang Quinn na ito ngayon ang umiiwas sa akin. Ano bang problema ng mga 'to?

"Maglaro na lang muna tayo."

Yaya ko sa kanila. Alam ko rin namang naglalaro ang magsyotang 'to ng billiards.

"Ayaw namin. Tara na nga, Quinn."

Hinatak na ni Kylie 'tong boyfriend niya.

"Saan naman kayo pupunta?"

Sigaw ko sa kanila dahil medyo malayo na sila sa akin.

Lumapit sa akin si Quinn.

"'Wag ka nang mag eskandalo pa dito."

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon