Kylie's P.O.V.
"HINDI MO BA TALAGA MAKONTAK SI A.J.? Akala ko ba two hours ang vacant niya ngayon, e bakit kaya hindi man lang niya sinasagot 'yung mga tawag natin?"
Kanina pa talaga ako nag-aalala sa kanya. Kapag naman mga ganitong oras mismong siya pa ang magte-text o tatawag sa amin pagka-dismissed na pagka-dismissed niya. Kadalasan naman kasi sa vacant schedules namin, nagkikita-kita kami. Mga thrice a week puwede na kami d'on basta nagkakasama-sama lang. Iba lang talaga ngayon.
"Hindi naman siya nagre-reply diba?"
Tumango ako.
"Hindi rin naman niya sinasagot mga tawag diba?"
Dahan dahan na naman din akong tumango habang nakatingin pa rin sa phone ko.
"Oh, edi 'wag na muna natin siyang bulabugin. Who knows, maybe she's busy with some stuffs. Hindi naman sa lahat ng oras nasa atin ang oras at panahon ni A.J."
Tiningnan ko siya. Iba ang tono ng boses niya ngayon. Galit na ba siya? Anong balak niyang iparating ngayon? Kaibigan niya rin naman si A.J. pero bakit parang wala siyang pakielam sa mga nangyayari ngayon?
Humarap ako sa kanya. Nakakunot na kasi ang noo niya.
"So ano? Hahayaan na lang natin siya ngayon e pinlano na natin na magkikita-kita tayo ngayon tapos wala na lang? Kaibigan natin siya, Karlos. Hindi natin puwedeng basta na lang siya hayaan."
"Talaga, Kylie? Kaibigan lang?"
Nanghahamon ang mga titig niya sa akin ngayon. Napatingin na lang ako sa baba. Ayan na naman siya, gumaganyan na naman. Heto na lang ba ang lagi niyang isusumbat sa akin kada na lang magkakar'on kami ng sagutan?
"Kaibigan natin siya."
Pagdiin ko pa rin sa sinasabi ko.
"Dati talagang magkaibigan kayo. Pero anong nangyari? Hindi ba simula nung umamin siya sa 'yo nagkar'on kayo ng ilangan sa isa't isa. At hindi mo puwedeng ipagkaila sa akin Kylie na kahit pap'ano ay nagustuhan mo 'yang tropa nating si A.J. Hanggang dito ba naman nagkatalo-talo pa tayong tatlo?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon. Tikom bibig lang ako habang hinahayaan ko na naman siyang pagbuhatan na naman ako ng mga salitang nangyari na noong nakaraan. Hanggang ngayon hindi pa rin yata talaga siya nakaka-move on d'on.
"'Yan ang hirap sa 'yo, Karlos e. Nakaraan na nga pilit mo pa ring binabalik-balikan. Why do you always kept on remembering those things that makes you mad at me? Past is past, Karlos. Hindi mo rin puwedeng sabihin sa akin na ang favorite subject mo ay History dahil high school pa lang tayo, ni dahilan ng pagkamatay ni Lapulapu hindi mo alam."
"Namatay nga siya sa sakit. Alam ko na 'yan."
Proud niyang sagot. Aba, kakaiba ang lalaking 'to. Niresearch na niya yata kung anong dahilan ng pagkamatay ni Lapulapu. See, dahil sa lagi kaming nag-aaway tungkol sa nakaraan ko, patunay 'yan na ilang beses na akong nagsasabi sa kanya ng kahit anong lecture na related sa history subject namin dati. This time siguro, naiulit ko na 'yung tanong na 'yun kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Lapulapu kaya niya confident na nasagot kaagad ang tanong ko.
Napataas ako ng kilay. Hindi puwede ito, kailangan magantihan ko 'tong si Karlos.
"Sa limang barkong ekspedisyon nila Magellan, alin d'on 'yung---"
"Victoria!"
Hindi niya na ako pinatapos pa sa sasabihin ko. Talagang confident na naman siyang sumagot ngayon.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Confusion
Romance(ON-GOING) May pagkalito na nga sa gender, mas malilito pa pagdating sa pag-ibig? Posible nga bang mapabago pa ang dikta ng puso ng isang babaeng may pusong lalaki dahil sa isang plakadong lalaki? A beautiful confusion nga naman!