CHAPTER 11

16 2 0
                                    

Ash's P.O.V.

ANG GANDA TALAGA NITONG NASA WALLPAPER KO. Mabuti na lang at nakahanap ako ng napakagandang litrato niya sa Facebook. Medyo nahirapan pa ako dahil matindi 'yung oras na ginugulgol ko dito sa paghahanap ng mga naka-tagged na pictures sa kanya.

Medyo mahaba pa ang buhok niya rito at naka-make up pa siya. J.S. prom nila ito, panigurado kaya napapilit siyang mag-ayos ng sarili. Naka-gown pa siya na kulay itim. Mahahalata mong hindi talaga siya girly noon pa man dahil sa hilig niya laging kulay na suot ay itim. Mahahalata mo rin sa kulay ng bag niya. Kung hindi black, kulay gray naman.

*TOK TOK TOK*

"Bukas 'yan!"

Sigaw ko.

"Oy p're, si Casey raw? May naghahanap sa kanya d'on sa sala."

Patukoy ni Mhel sa akin, 'yung ka-doormate namin pero sa kabilang kuwarto sila. Akala ko pa naman si Casey na 'yon. Alam ko kanina pa uwian n'on, hindi pa siya nakakauwi hanggang ngayon. Baka may ganap na naman siguro 'yun.

"Sino raw, p're?"

"Hindi ko na natanong kung sino. Hindi yata 'yun tiga-Florentine."

"Chix?"

"Dehins. May lawit."

"Gago!"

"Sige na, ikaw nang bahala d'on."

"Eh hindi ko naman... tsk!"

Hindi na ako nakapagsalita. Isinara na niya kasi ang pinto. Loko loko talaga 'to.

Ano ba? Bababa ba ako para tingnan ko kung sinong naghahanap sa mahal kong dorm mate? Putek. Ako pa kasi ngayon ang responsibilidad d'on e.

Pucha!

Bumangon na ako para babain na rin kung sino ang naghahanap sa kupal na Casey Kendrick na 'yon.

**

"Ikaw ba 'yung naghahanap kay Casey?"

Tanong ko sa lalaking nakaupo dito sa sofa habang hawak ang phone niya.

"Ah, oo. May laro raw kami ngayon. Saan pala siya?"

Tungkol na naman siguro sa DoTA 'to. Langya talaga 'yung lalaking 'yon. Papupuntahin dito 'yung kakampi, dapat pinaderetso na lang niya kung saang computer shop siya narororoon ngayon.

"Hindi pa umuuwi, e."

"Wala ba siyang binilin sa 'yo?"

Puta. Ginawa pa akong boy o katulong nung hayop na 'yun ah.

"Wala."

"Ay, gan'on ba..."

Tumayo na siya at mukhang may dina-dial siya ngayon sa phone niya.

"Hello? ...Wala, hindi yata kami tuloy. Nas'an kayo, babe? ...Kasama mo siya? ...Kilala mo naman kung sinong tinutukoy ko."

Hindi ko gustong makinig sap ag-uusap nila pero mukhang may sasabihin pa naman yata sa akin 'to bago siya umalis dito sa dorm namin.

"...Si A.J."

Napatingin kaagad ako sa kanya. Sinong A.J. kaya ang tinutukoy nito? Alam kong napaka-common ng pangalan niya. Kung saan saan ko nga lang naririnig 'yang A.J. na pangalan na 'yan, mostly mga lalaki pa sa campus namin, ganyan 'yung pangalan. Madalang lang talaga ako makarinig ng Andy na pangalan. Kaya nga 'yun ang gustong gusto kong itawag sa kanya dahil wala masiyadong nagtatawag ng gan'on sa kanya. Sa katunayan nga, ako lang yata ang tumatawag sa kanya ng gan'on.

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon