Casey's P.O.V.
"HANGGANG NGAYON BA AY HAHARAP KA LANG DIYAN sa screen ng laptop mo at paulit-ulit mong titigan 'yung mga pictures ng tomboy na 'yan?"
"Hindi siya tomboy!"
At talagang tumingin pa siya sa likod niya kung nasaan ako ngayon. Nakaupo lang naman ako dito sa baba ng double deck na kamang ito at pinagmamasdan kong mabaliw 'tong kaibigan ko.
"Babae pa rin siya at malambot pa rin ang puso niya... gaya ng mammon. Kita mo naman o, mayroon pa rin siyang dalawang buns---Aray!"
"Ugok ka talaga."
Napailing na lang ako pagkabato na pagkabato ko sa kanya ng unan. Maglilibog na lang itong kaibigan ko, sa tibo pa. Magpapalibog na nga lang siya, dito pa sa room namin. Bigyan ko pa siya ng pera para makapamparaos siya sa ibang lugar. Magkakalat pa ng tamod dito.
"Tingnan mo naman kasi itong hitsura niya. Kahit sabihin mong nagdadamit lalaki na siya, mahahalata mo pa rin naman sa kanya na may laman pa rin 'yung dibdib niya. Pahabain mo lang 'yung buhok nito tang ina liligawan ko kaagad ito."
"Ano ba talagang plano mo? Akala ko ba kakaibiganin mo muna siya, e bakit parang tumatayo kaagad 'yang junior mo?"
Pagbibiro ko kahit hindi ko naman talaga nakikita kung tumatayo na nga ba 'yang junior niya dahil nakadapa rin naman siya.
Napatingin naman siya kaagad sa baba niya.
"Got you, bro."
"Fuck you."
Itinaas pa niya ang middle finger niya pero hindi na siya tumingin pa sa akin.
Ininom ko na lang itong kape ko. Medyo lumamig na rin naman yata 'to. Sa vending machine ko lang naman din ito nabili. Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang bagay na ito para lang timplahin sa tamang sangkap. Nakakatamad ngang gumalaw, e.
"Naglilibog ka lang yata diyan."
"Hindi. Tinititigan ko lang siyang mabuti. Biruin mo 'yung hitsurang 'to, ang ganda tapos tibo naman pala."
Tinuturo pa niya ang screen ng laptop niya habang nagkukuwento siya.
"Oo, nakikita ko nga."
"O, heto nga. Buti na lang talaga at nahanap ko ang Facebook at Twitter niya. Buti at napapilit ko siyang sabihin ang full name niya. Alam mo ba, ayaw pa niya yatang sabihin kung hindi lang siya nagmamadali? Nahirapan pa ako d'on sa spelling ng Jesse sa pangalan niya n'ong hinahanap ko sa Facebook. Grabeng effort ko, hindi ba?"
"Kailan ka ba hindi nag effort pagdating sa mga babae?"
Hindi na siya sumagot pa. Huwag niyang sabihing na-offend siya sa sinabi ko e totoo naman 'yun. Wala naman siyang babaeng pinapalagpas. Ni ito ngang tibo na ipinapakita niya sa akin hindi niya pinalagpas e. Hirap pa naman paamuhin ng mga ganyan.
Huwag kayong mag isip na dream guy ang lalaking tulad niyang si Ash. Halos lahat ng makikita niyang magagandang babae, nagkakaganyan 'yan. Gusto niya lang siguro sumubok ng bago kaya ganyan ngayon 'yan. At malas pa itong tibo, siya pa ang kinababaliwan ngayon ni Ash.
Pinagmamasdan ko lang ang kabaliwan ng kaibigan kong ito. Hindi ko ba alam kung bakit naging kaibigan ko ang gan'to kalanding lalaking 'to samantalang ako, matino naman ako, wala akong chix na inaatupag ngayon.
"Kailan daw siya papasok?"
Medyo nagkar'on ako ng interes pero hanggang dito lang. Para naman pagpasok niyan, mapagsabihan ko kaagad siya diyan sa baliw kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Confusion
Romance(ON-GOING) May pagkalito na nga sa gender, mas malilito pa pagdating sa pag-ibig? Posible nga bang mapabago pa ang dikta ng puso ng isang babaeng may pusong lalaki dahil sa isang plakadong lalaki? A beautiful confusion nga naman!