CHAPTER 2

294 11 8
                                    

Andy's P.O.V.

"MAY PASOK KASI SIYA NGAYON kaya ako lang ang nakapunta dito. Two hours naman ang vacant ko kaya 'wag kang mag-alala Andz, libreng libre ako ngayon."

"'Wag mo nga akong tawaging ganyan."

"Para namang hindi ka na nasanay sa akin!"

"A.J. na nga lang o Andy."

"I prefer A.J. Siyempre, joke lang 'yung Andz! Kung ako ba naman ang nasa lagay mo kikilabutan din ako kapag ganyan ang tawag sa akin e. Pinaaarte masiyado."

"Alam mo naman pala e."

Sumipsip na ako sa straw ng coke in can ko. The best pa rin talaga ang barbeque dito sa Sizzling Plate. Kada lumalabas ako para kumain, ito talaga ang inoorder ko. Minsan lang ako kumain sa ibang mga fast food at kainan.

"Kamusta naman pala kayo nung Lincoln mo?"

"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo, bullshit."

Inirapan ko si Kylie at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ngayon dito. Nandiri talaga ako sa sinabi niya. Makiramdam naman sana siya na ayoko sa mga ganyang asar. Nakapagmura tuloy ako nang wala sa oras.

"Uy, joke lang! Sorry na A.J., binibiro lang talaga kita."

Hindi ko na lang siya pinansin. Nakakapikon lang talaga. Bakit niya ako kailangang asarin d'on sa taong 'yun e kakakilala lang pati namin. Mandiri naman pati siya, kalalaki niyang tao.

"Uy, A.J., sorry na talaga. Friends na naman kayong dalawa, hindi ba? Aba! Okay nga 'yan at nagiging socialize person ka na. Akala namin d'on ka lang sa Piyu tahimik. Ikaw pa pala mismo ang nakipagpakilala d'on sa Lincoln."

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ngayon, naririnig kong tumatawa pa siya nang pabulong. Kung hindi lang talaga babae 'to at kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to, kanina ko pa itinapon sa kanya 'tong sizzling plate na ito. Tingnan lang natin kung hindi siya umiyak tawa diyan.

"Kinailangan ko lang siyang kausapin dahil alam niya 'yung office."

"Kaya pala nahanap ka niya sa Facebook mo... Sa Twitter mo nga rin, e! Paano niya nagawa 'yun? Sinabi mo ba sa kanya 'yung buong pangalan mo?"

Hindi ko nga pala naikuwento sa kanila ang tungkol sa paghawak sa akin nung lalaking 'yun dahil lang sa gustong alamin nito ang buong pangalan ko. Pero kung ikukuwento ko man kasi sa kanila 'yun, paniguradong tatawanan lang nila ako kaya mas mabuting hanggang diyan lang ang alam nila ng jowa niyang si Karlos.

"Lalamig na 'yang pansit mo. Daldal ka nang daldal."

"Interesadong interesado talaga sa 'yo 'yung lalaking 'yon! Hindi ba dapat matuwa ka? Hehe, joke lang po, A.J.!"

Binawi kaagad niya ang pang-aasar niya sa akin. Buti naman at nakaramdam na kahit pap'ano ito.

"Pero in fairness, may taste ka rin naman pala sa paghahanap, A.J."

Binitawan ko saglit ang kutsara at tinidor na hawak ko saka tumingin ako sa kanya.

"Sa paghahanap ng magiging kaibigan mo d'on, I mean! Hindi naman puwedeng wala kang makikilala d'on sa Florentine University. Marami rin namang mga estudyante d'on kaya mag ingat ka rin sa mga taong makakasalimuha mo d'on."

"Hindi ibig sabihin na may nakilala na akong isang estudyante d'on ay magkakar'on na kaagad ako ng maraming kaibigan d'on."

"Imposibleng ikaw ang makikipagkilala pa sa kanila pero posible na sila ang magpapakilala sa 'yo. Sa ganyang ayos mo ba naman, walang babaeng hindi mai-inlove sa 'yo. Walang babaeng mapagkakamalan kang... Hmmm..."

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon