CHAPTER 8

80 5 1
                                    


Andy's P.O.V.

KANINA PA AKO TINGIN NANG TINGIN SA UPUAN NI CASEY. Hanggang ngayon ay wala pa siya. Hindi ko pa ulit kasi siya nakikita simula nung mga nangyari kagabi. Medyo may amats pa nga ako nang bumangon ako kaninang umaga, halos mag aalas-dose na rin kasi ako nakauwi sa bahay n'on. Medyo napasarap ang inuman at kuwentuhan namin kagabi nila Kylie at Quinn. Kahit kaming tatlo lang ang magkakasama kagabi, masaya naman. Ni hindi ko nga naramdamang na-O.P. ako sa mga usapan nila.

Lalo na si Kelly... ang daldal pala talaga niya. Mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Mas gusto ko kasi 'yung mga babaeng mas madaldal kaysa sa akin. Walang mangyayari kung parehong tahimik lang kami. Kaya nga buti na lang hindi gan'on si Kelly.

Hindi ko rin naman kaklase ngayon si Ash kaya naman walang nangungulit sa akin ngayon. Okay nga 'yun, e. Mas nahihirapan ako kapag nandiyan siya sa paligid ko. Para bang wala akong kawala sa lahat ng mga gagawin at pupuntahan ko. Kaunting kaunti na lang at mare-real talk ko na talaga 'yun...

Pangalawang subject ko na rin naman 'to at malapit nang mag tanghali, wala pa rin talaga siya. Baka naman siguro late na siyang umuwi sa kanila kagabi? Hindi naman kaya kung saan na 'yun pumunta after nung mga nangyari kagabi? Hindi na rin kasi namin siya nakita na n'on pagkatapos ng laro namin d'on sa Sanikies Bar and Grill. Hindi na rin naman kasi kami umalis d'on.

Hindi naman talaga ako dapat nag-aalala ng ganito, pero kung sakali mang may nangyari sa kanya hindi namin maiiwasang hindi makonsensya...

"Class dismissed."

Napakurap ako nang ilang beses nang sabihin ng prof namin ang magic words na 'yun. Tumingin ako sa relo ko, may 30 minutes pa naman pala siya. Siguro tinamad na 'to magturo.

Nag ayos na kaagad ako ng mga gamit ko, ipinasok ko na ang mga nakakalat na papel sa bag ko. Halos wala naman yata akong naintindihan sa buong subject na 'to ngayong araw. Medyo masakit pa nga kasi ang ulo ko at kulang na kulang pa ako sa tulog tapos wala rin naman akong makausap. Kapag ganito, nandiyan kasi lagi sila Karlos at Kylie. Alam niyo namang introvert person ako kaya gan'to na lang din ako katahimik. Mapili ako sa mga kaibigan. May pagkamaarte rin naman ako pero mas napangingibabawan ang pagkalalake ko.

"Umagang umaga, na-guidance kaagad siya. Daig pa niya 'yung mga patagong nagva-vandal dito sa school natin."

"Bigla bigla na lang ba kasi nanununtok ng napapadaang mga estudyante lang, sinong hindi maga-guidance d'on?"

Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Sa katunayan, 'yung dalawang babae lang talaga ang nag uusap dito. Mukhang magkaibigan sila, kaso biglang nakisingit sa uisapan 'yung babaeng 'to naman na active lagi sa pag recite sa mismong subject na ito.

"Ang laki ng problema n'on sa buhay, parang nitong nakaraang araw lang naman pumasok siya..."

"Baka naman nakainom 'yung si Casey?"

Nagpintig ang mga tainga ko nang marinig ko ang pangalan ng lalaking kanina ko pa iniisip na hindi naman dapat. Hindi nga ako nagkakamaling si Casey ang pinag-uusapan nila. Kaya naman pala medyo naintriga ako sa mga pinag-uusapan nila.

Ibinaba ko muna saglit ang bag ko para marinig ko pa ang pinagkukuwentuhan nila. Ayoko namang basta na lang makisali lalo pa't ang pagkakakilala lang naman nila sa akin ay tahimik at patay na bata.

"Naamoy na nga raw siya n'on nung kinausap siya sa guidance. Sino ba naman kasing tangang estudyante ang papasok nang kakainom lang? Baka nga inimuga 'yun sa pinag-iinuman niya at hindi na siya naligo kaya deretso na lang siya pumasok."

"Guwapo pa naman siya, gan'on lang ang ginagawa niya."

Pagsingit ng isa naming kaklaseng babae sa pinag-uusapan ng mga 'to.

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon