CHAPTER 5

155 7 3
                                    


Andy's P.O.V.

NAKA-SURVIVED NAMAN AKO SA ISANG LINGGO ko dito sa Florentine University. Akala ko hindi ako makakatagal pero kahit naman hindi ko kayang tumagal dito wala na rin naman akong iba pang choice. Hindi na rin ako makakabalik pa sa FEU o makakalipat pa sa ibang school dahil ito na rin naman ang gusto sa akin ni Mama.

Nasa isang Bar and Grill ako ngayon since Thursday naman at kahit naman sa isang linggo gusto kong magkar'on ng saya kahit ako lang mag-isa. Uso pa rin sa akin 'to hanggang ngayon kahit lumipat na ako ng ibang school, hindi na mawawala pa sa akin ang Happy Thursday. Kadalasang kasama kong mag celebrate ng kada Thursday sila Karlos at Kylie. Minsan naman ako lang talaga mag isang pumupunta dito at nagpapakawalwal. May mga nakikilala akong ibang babae at hanggang kausap lang naman kami. 'Yung ibang lalaki d'on kapag nakikitang may tama na ako at ako lang mag isa, lalapit sila sa akin. Napapaalis ako nang wala sa oras kapag gan'on dahil maiisip kong bebetchinin lang nila ako.

Umorder ako ng tatlong bote lang ng San Mig Light dito. Sapat na sa akin 'tong tatlong bote dahil uuwi pa naman ako. Hindi puwedeng magpakalasing ako ngayon dahil medyo malayo-layo pa ang biyahe ko.

Nakaupo ako sa isang single high chair na may table. Magkakahiwa-hiwalay ang mga upuan kaya tamang tama 'to sa mga nag iisa o kung dalawa lang kayo. 'Yung mga tables kasi dito panggrupo.

Puro usok na ang buong paligid pero air conditioned naman ang buong lugar. Buti nga at wala akong asthma at baka hindi ako tumagal sa lugar na 'to at ma-suffocate pa ako. Medyo madilim pa dahil black ang buong paligid at may iba't ibang kulay ng ilaw ang sumasakop sa buong paligid. Galing sa malalaking speakers ang malalakas na tunog sa buong lugar na ito. Ang mga tugtugin pa ngayon ay 'yung mga Urban songs. Ngayon lang ako nakapunta dito. Ito kasi 'yung tinuro sa akin ng isa kong kaklase sa isang subject dahil dito nga rin daw sila minsan pumupunta at heto ang dinadayo ng mga Florentians (mga estudyante ng Florentine University). Hindi naman siya gan'on malayo dahil nilakad ko lang naman ito. Mahaba pa naman ang vacant ko ngayong Thursday kaya saglit lang ako dito at may last class pa akong a-attend-an.

Inilabas ko ang isang kaha ng Marlboro lights ko. Bagong bili ko lang 'to kanina bago ako pumasok. Hindi ko kayang hindi magpapausok kapag umiinom ako. Feeling ko may kulang.

"Hi. Sa Florentine University ka nag-aaral?"

Hindi ko tuloy nasindihan ang yosi ko nang may isang estudyanteng lumapit sa akin na may hawak na baso ng alak na nagtanong.

"U-hmm."

Pagtango ko. Mestisa siyang babae na medyo matangkad. Estudyante rin siya pero hindi rin naman siya naka-uniform.

"P'ano mo nalaman?"

Dagdag ko pang tanong.

"Nakalaylay kasi 'yung lace ng I.D. mo kaya nabasa ko. D'on din kasi ako nag-aaral. Nagulat lang ako na gan'to kaaga ay may tatambay rin palang ka-schoolmate ko dito sa Sanikies' Bar and Grill."

Kaunti pa naman ang mga tao dito ngayon dahil tanghali lang naman. Saka wala rin naman kasi akong mapagtambayan at saktong Huwebes ngayon kaya nagdidiwang lang naman ako. Hindi naman ako lasinggera/ro, nagpapakasaya lang kahit isang beses lang sa isang linggo.

"Ang haba kasi ng vacant ko."

"Puwedeng makiupo?"

Turo niya sa isang high chair sa tabi ko na bakante. Inayos ko kaagad ang upuan at ibinaba ko muna ang baso niya at saka tinulungan ko siyang makaupo dito. Parang medyo tipsy na yata siya kaya inalalayan ko na at baka matumba pa siya.

"Thank you."

Nakangiti niyang bati. Lumalabas ang whiskers niya sa pisngi na mas lalong mukhang nagpataba pa sa mukha niya.

A Beautiful ConfusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon