Kabanata 5

389 44 3
                                    

5 : Click

“Mr. del Fierro, please occupy this seat.” mahinang sabi ni Sam pagkatapos ng lahat nang batian saka tinuro iyong upuan na katabi ng kinauupuan ni Austin.

The opposite of my seat.

“Thank you.” pormal na sabi nito.

I unconsciously squirmed on my seat while peeking at the man in secret.

Hindi ko matukoy kung bakit bigla nalang bumabalik ang paningin ko sakanya kahit pilit ko nang iniiwas.

Is it because he is too damn attractive?

Nanuyo ang lalamunan ko nang magtungo s'ya sakanyang pwesto at swabeng idineposito ang sarili sa upuan. Bahagya pang kumibot ang muscles n'ya sa braso nang hilahin n'ya iyong swivel chair bago umupo.

Dios miyo.

Tumikhim ako saka pasimpleng iniwas ang tingin nang maramdaman kong titingin din sa akin si Mr. del Fierro. Alam ko medyo assuming pero mas mabuti ng handa.

Ilang minuto lang ay itinuloy na rin ang nahintong meeting. Iyon nga lang ay naramdaman na ng lahat ang biglang pagbigat ng hangin.

Naisip ko na dahil siguro ito sa pagdating ni Mr. del Fierro. Iba kasi ang dating ng presenya n'ya. Nakakapressure.

Pero kahit ganoon, ipinagpatuloy parin ng maayos ni Arch. Riguel ang nahintong presentation. Hindi n'ya na inulit magmula sa simula dahil ayon kay Mr. del Fierro, ayos lang na hindi na ulitin ang discussion.

Nakabaling ang atensyon ko sa presentation ngunit kaonting kibot lang ni Mr. del Fierro sa upuan n'ya ay hindi ko maiwasang pansinin!

Katulad na lang ngayon, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang paggalaw ng kamay n'ya dahil bahagya nitong pinapasadahan ng daliri ang ibabang labi.

Minsan rin ay nararamdaman ko ang mga mata n'yang nakapukol sa akin. Hindi iyon makatakas sa pansin ko dahil bigla na lang akong inaatake ng kaba at sumisirko ang tiyan ko!

This is unnerving me.

Nakakairita dahil hindi iyon nararapat lalo na’t magpi-present ako pagkatapos ni architect! Kailangan kong maging kalmado!

Hindi nagtagal ay natapos rin ang presentation ni architect. Which means ako na ang susunod.

Napatuwid ako ng upo habang kuyom ang mga kamay. I need to calm the freaking down.

“Ma’am handa na po ang lahat.” imporma ni Ria sa akin pagkatapos nilang isaayos iyong visual aids.

“Thank you.” pabulong kong sabi sa sekretarya.

Kumibot ang kilay ko sa irita at napatiim-bagang nang mas lalo akong kinabahan.

What is happening to me? Sanay akong mag-present kaya bakit ako kinakabahan?!

I tensed my lips. Dahil ba sa presensya ni Mr. del Fierro?

I bit my tongue. Everything will turn out fine! Sigurado akong maaaprubahan ang bagong designs kaya wala akong dapat ipagkabahala.

Inipon ko ang lahat nang lakas ng loob sa katawan ko at nang masigurong kalmado na ay saka lang ako pormal na ngumiti para sa lahat at tuwid na tumayo.

I can do this.

Tahimik akong nagtungo sa unahan at mabilis na nagpakilala. Habang ginagawa iyon ay pasimple kong tinapunan ng tingin si Mr. del Fierro ngunit hindi nagsalubong ang tingin namin dahil nakatutok ang pansin nito sa pina-distribute kong hardcopy ng presentation.

Daunting Blue (BBS #1)Where stories live. Discover now