Kabanata 18

313 32 3
                                    

18: Growl

Nagmamadali kong inabot ang bag saka kinuha ang cellphone sa loob nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. My mind is screaming at me to call for Range. To try and reach him.

Natataranta kong hinanap ang numero ni Range saka ito tinawagan. Ayokong paniwalaan na nasa panganib nga s'ya. I refuse! Kahit na may parte sa loob kong unti-unti nang gumuguho. Parang pinipilas ang dibdib ko. Hindi ako makahinga.

Napapikit ako nang marinig ang automated voiceline sa kabilang linya. My throat constricted as I refused to shed tears. Out of coverage area pa din ang numero ni Range.

"Oh God, please," nanginginig kong bulong saka muling dinial ang number ng kaibigan.

I tried several more times. Again and again. Until my resolve slowly crumbled down.

Sunod-sunod na tumulo ang masasaganang luha sa pisnge ko. Ilang beses na ring sumagi sa isip ko na baka nga may nangyari nang masama kay Range. I just don't want to acknowledge the thought.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Ilang araw ko na siyang tinatawagan at tinitext pero kahit ni isang reply ay wala akong matanggap.

Parang dinudurog ang puso ko. My whole body is shaking so bad. Every muscle in my being trembled as fear and guilt racked through my body. Clawing at my chest.

I don't want to accept this. No. Hindi pag-aari ni Range ang relong iyon.

I stood up and started pacing, back and forth. Nagbabakasakaling maibsan kahit kaonti ang nagpapanic kong sistema.

"Range, please..." nagmamaka-awa kong bulong sa hangin.

Please, be safe.

Rinig na rinig ko sa sariling boses ang panghihina at panginginig. Pitiful sobs uncontrollably spilled from my lips.

Oh God. This is all my fault.

Kasalanan ko kung bakit nangyayari ito ngayon kay Range. I got him involved in my problems.

I cried silently as I kept on dialing Range's number. Worry and guilt wrecking my heart.

Hindi ko napansin ang pagbukas ng pintuan dahil abala ako sa ibang bagay. Eizen silently entered the threshold. He was clad in his usual working clothes, white dress shirt and sleek black slacks.

His eyes automatically zeroed on my form. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang makita akong natataranta at umiiyak.

He slowly walked over to me.

"Hey..." he said softly, his voice barely above a whisper.

Napalingon ako sa biglang nagsalita at nakita ang nag-aalalang mukha ni Eizen. His deep blue eyes were etched with concern.

I stopped pacing and faced him. Ibinaba ko rin mula sa pagkakapinid sa tainga ang hawak na cellphone. Humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko saka hinaplos ang basa kong pisnge.

"What's wrong? What happened?" tanong ng binata sa malumanay na tono.

My heart ached when I heard the concern in his tone. Humapdi ang palibot ng mga mata ko. My nose stinging as tears filled my eyes.

I just realized how much I needed him. His comfort.

Mabilis kong tinawid ang pagitan namin at mahigpit siyang niyakap. Natigilan si Eizen sa ginawa ko ngunit nakabawi rin agad nang marinig ang pagalpas nang hagulhol ko.

I weeped like a wounded child.

Sobrang bigat din ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko.

Daunting Blue (BBS #1)Where stories live. Discover now