Kabanata 7

373 42 7
                                    

7 : Letter

"Seriously woman, you need to tell me what happened!" pangungulit ni Range habang kunot-noong nakamasid sa sunod-sunod kong paglagok ng alak.

Nanatili akong tahimik at inabala ang sarili sa paglunod sa alak. Kunyare hindi ko narinig ang sinasabi n'ya dahil sa sobrang lakas ng music.

Hindi ko kasi maatim na ikwento ang nangyari.

I grimaced, due to the bitter alcohol and the maddening thoughts in my mind.

Hell! I want to forget everything that happened today!

Muli akong tumungga at mariing napapikit habang nilulunok ang alak. Damn this alcohol! Napakapait!

Pabagsak kong binaba sa lamesa ang shot glass saka pikit-matang isinandal ang namamanhid at namimigat na katawan sa leather couch.

The music's booming in all corners of the bar, along with the loud noises of drunk people around the place. Sa sobrang ingay, mapapapikit ka nalang.

I knitted my brows and licked my dry lips. Oh I can't feel my lips. Lasing na ata ako.

Idinilat ko ang namimigat na mga mata ngunit wala na sa focus ang paningin ko. Everything was swirling.

I am definitely drunk.

Wala sa sarili akong napangisi. That's good.

I heard Range click his tongue.

"Damn Aura, mas lalo akong napapa-isip kung ano ba ang nangyari dahil sa inaasal mo," iritado n'yang sabi saka pinitik ang noo ko.

"Rascal! That hurts!" singhal ko kay Range habang sapo ang noo.

Tiningnan lang ako ng masama ng kaibigan saka dismayadong umiling-iling.

"Niyaya mo 'kong mag-inom dahil sabi mo dito natin pag-uusapan ang nangyari sa pagkikita n'yo ni Mr. del Fierro kanina,"

I nodded my heavy head. That's true. Tinawagan ko s'ya kaagad pagkatapos kong layasan si Mr. del Fierro sa restaurant kung saan kami nagkita kanina.

"Yeah. But I feel like I need to be drunk before I tell you everything," nakapikit kong sagot.

Kumibot ang kilay ko. My words are slurring. Did I accidentally twist my tongue?

Napangiwi ako nang malunok ang natirang alcohol sa bibig. Damn. I think I need to rinse my mouth.

"I'm sure you're wasted now, so start talking," he demanded.

I snorted before peeling myself off from the couch. Hindi talaga ako titigilan ng lalaking 'to hangga't hindi ako nagkukwento.

"Sure, pero pagbalik ko na," nakangisi kong sabi saka dahan-dahang tumayo.

I need to use the washroom.

Kunot-noo akong pinigilan sa braso ni Range. He looked cofused and annoyed.

"Why? Where the heck are you going?" tanong nito habang taas-baba ang tingin sakin.

I rolled my eyes pero nagsisi din ako dahil mas lalo lang akong nahilo. I closed my eyes for a second.

"Washroom," maikli kong tugon saka inalis ang kamay ni Range sa braso ko.

He immediately got off from the couch. "Sasamahan na kita—"

"Kaya ko pa namang maglakad, so no thanks," putol ko saka s'ya itinulak paupo ulit.

Tinalikuran ko ang kaibigan at mabilis na umalis para hindi na ako mahabol.

Daunting Blue (BBS #1)Where stories live. Discover now