Kabanata 14

289 34 5
                                    

14 : Joke

"Do I really need to do this?" diskumpyado kong sabi habang nakahalukipkip.

Inangat niya ang paningin mula sa paglilinis ng isda saka ako aliw na nginitian. His lips slightly curling.

Kumibot ang kilay ko. Bakit parang tuwang-tuwa siya diyan?

"Yeah," aniya.

I scoffed dryly, rolling my eyes.

Nandito kami sa maliit na batis malapit lang sa kubo. Dito niya ako isinama para linisin iyong nahuli n'yang isda.

Pero imbes na magtulungan kami sa paglilinis ng isda, pinaupo n'ya lang ako dito sa malaking bato malapit sa pwesto niya at siya lang ang gumawa ng lahat.

Iyon ang kondisyon na hinihiling niya. At kung hindi raw ako papayag ay hahalikan niya ako.

Napailing ako saka bumuntong-hininga.

"Kung alam ko lang na ito ang gagawin ko dito ay hindi na lang sana ako nagmagandang loob na tumulong," kunyare iritado kong parinig.

Muli n'ya akong sinulyapan, nakangiti pa rin at bahagyang taas ang isang kilay.

"I asked you to come to watch me as I prepare the fish. Pabor pa nga iyon saiyo dahil ako na ang gagawa nang maruming trabaho. Hindi mo ba iyon gusto?" nakataas ang kilay n'yang tanong.

Masamang tingin ang iginawad ko sakan'ya habang tiim ang mga labi.

"That's the point here! Wala naman akong maitutulong dito bakit mo pa ako isinama sa'yo?" iritado kong sabi.

He gave me a side long glance before smirking.

"Iyon ang akala mo," makahulugan n'yang sabi saka ibinalik ang atensyon sa isda.

Kumibot ang kilay ko habang nakatunghay sa binata. What does he mean by that?

Hindi na ako kumibo at nakasimangot nalang s'yang pinanuod.

He expertly flipped the huge fish to debone the other side. At in fairness, kahit naiinis ako sakan'ya ay nakakamanghang makita na marunong s'ya gumamit ng kutsilyo. And he's pretty skilled at it.

As expected from the man who knows everything. Wala ba s'yang kapintasan o kahinaan? Kahit isa?

"Where did you learn to do that?" hindi ko mapigilang tanong.

Bahagyang nakadukwang ang katawan ko palapit sakan'ya para mas makita ang ginagawa n'ya.

"Seth taught me," aniya nang hindi tumitingin.

Kumunot ang noo ko.

Seth? Parang... pamilyar sa'kin ang pangalan pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon narinig.

Nag-angat s'ya ng tingin nang hindi ako kumibo. He then smirked when he saw my blanked expression.

"My cousin. Seth Gallero." nakangiti n'yang sabi.

I flicked my fingers when Mr. Gallero's charming face popped up in my head.

"Ah! Yes, Mr. Gallero. I remembered." sabi ko saka nahihiyang ngumiti.

Paano ko ba iyon nakalimutan? I awkwardly touched the back of my ear.

Kung sabagay, paano ko maaalala iyon kung apelyido lang naman ang itinatawag ko sa kan'ya.

Lumipad ang paningin ko sa binata na abala na ulit sa paglilinis sa isda. Just like this man. I always address him by his surname.

Napalabi ako habang nakamasid sa kan'ya. Pero imposible namang makalimutan ko ang pangalan n'ya.

Daunting Blue (BBS #1)Where stories live. Discover now