Hindi ko alam kung paano nga ba mag sisimula ang lahat ng ito. Pweding sa bahay, sa school, sa park o kahit saan pa. Pero ang storyang ito ay hindi katulad ng nababasa sa mga libro na mag kakakilala sila o magiging magkakilala sila ng "the one" niya.
Ako nga pala si Donato Lamech Z. Foster. Isang simpleng lalaki na may mapag mahal na pamilya. Hindi gaanong mayaman at hindi rin nagigipit, sakto lamang para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Bonus na lang pag may miryenda at snacks. Ganda ng pangalan ko no? Sabi sakin ng mga magulang ko ay talagang pinag isipan pa nila yan. O diba, sabi ko sainyo eh hindi ito ka gaya ng normal na nababasa niyo na babae ang laging bida. Baka iniisip niyo na bakla ako?!! Hindi ah. Matino ata to.
Anong itchura ko? Matangkad, kayumanggi ang kutis, malinis ang mukha, mapupungay na mata at mapupulang labi. Gwapo ko no? Pero ilusyon ko lamang yan. Hahaha. Ang totoo lamang jan ay ang matangkad ako. Nakasalamin at braces, may pimples din paminsan minsan. Geek kung tawagin nga. Oo tama kayo geek as in mahilig mag basa. Good boy ika nga. May kapatid din ako pero sa susunod ko na lang sila ikukwento, ito dito lahat nag simula ang kakaibang istorya ng buhay ko.
Nag lalakad ako sa kalsada ng may masagi akong babae. Maganda at sobrang puti. Na star struck na nga ata ako eh. Parang nakakita ako ng liwanag sa gilid nya, nag slow mo ung paligid at siya na lang ang nakikita ko. Bumalik na lamang ako sa reyalidad ng bigla niya akong tapik-tapikin sa mukha.
"Excuse me kuya ayos ka lang ba?" Pakaway kaway niya pang sabi. Ang cute niya.
"Ahh eh. O-oo ayos lang ako." Pautal utal kong sagot sakanya. Sana mabait siya hindi katulad ng ibang babae na maganda nga masama naman ang ugali.
"Pasensya na kuya ah hindi kita napansin na bangga tuloy kita.
Sorry talaga ha?" Ayos lang un
ateng maganda, ayos lang ako."Nabali pa ata ung salamin mo at na lukot ung iba mong papeles at librong hawak. Sorry talaga ha. Nag mamadali kasi ako eh. Sa susunod na lang ha? Sorry talaga babawi na lang ako sayo sa susunod nating mag kita babye." At sabay ng pag takbo niya at karipas umalis. Ang haba ng sinabi ni ate, wala naman ako masyado naintindihan para kasing nabingi ako ng kaonti.
Hayy. Ang bilis niya hindi ko man lang na tanong kung anong pangalan niya. Sayang, sana makita ko pa siya ulit.
Pag katapos ng eksenang iyon ay inayos ko na lahat ng gamit at damit ko at nag pa tuloy sa pag lalakad.
"Dons, sandali lang huy! Dons." May tumatawag ba sakin? Lumingon ako pero wala naman akong napansin. Kaya nag kibit balikat na lang ako at nag pa tuloy sa aking pag lalakad. Ng may tumawag muli sa akin.
"Donata Lamech Foster sandali lang." Napahinto ako sa aking narinig at napatingin sa mga tao lahat sila naka tingin na para bang pumatay ako. Kaya naman tinignan ko ulit kung sino ang tumawag sakin. Bigla na lamang akong napangiti nuong nakita ko siya. Siya lang pala.
---
Hope you'll share, vote and comment po.
First time ko lang mag publish.
Sorry kung may mga mali.

BINABASA MO ANG
This Is My Story
RandomThis story is not like any stories you may have read or encountered. This story is about the people you're with in everyday living. About friendship, family, beliefs, hatred, forgiveness and love. This Is My Story.