Donny's POV
Nakita ko sa panaginip ko ang mga kaibigan ko kaya pag gising ko pa lang nang umaga ay sinulat ko na nga ang mga sinabi ng aking mga magulang na ang pag ibig ay kung sino ang tao na naiisip mo. At dahil marami sila ang isinulat ko na lamang ay.. "Ang pagibig ay parang mga kaibigan. Totoo at walang iwanan." Napangiti ako sa aking nagawa. Nagiging cheesy na pala ako? Hahaha
Agad akong bumaba at naghanda na para sa pag pasok. Ngayon.. ngayong araw na to nako aamin kay Carina sana pumayag siya. Kahit hindi naman siya pumayag gagawin at gagawin ko parin naman ito eh.
Nang makarating ako sa school ay tinext ko agad si Carina kung asan na siya at sinagot din naman niya ito agad asa may likod siya ng school. Pagkarating ko palang doon naabutan ko siyang nagbabasa ng libro. Pinicturan ko siya ng palihim kaya ginawa ko din itong wallpaper ng phone ko.
"Anong binabasa mo?"
"Ah eto kahit ano lang pampalipas oras." Nakangiti niyang sabi.
"Carina.. wag kasanang magagalit ha?" Bakit parang kinabahan ako? Ganto ba kahirap umamin?
"Bakit naman ako magagalit? May ginawa ka bang hindu maganda. May kasalanan ka-" hindi niya na natapos ang sinabi niya dahil nag salita ako. "Gusto kita Carina." Nakita ko siyang natulala saglit at tumingin din sakin."Anong.. anong sabi mo?"
"Gusto kita. Scratch that mahal na nga ata kita eh. Kaya sana payagan mo kong manligaw sayo. Kahit di mo pako payagan liligawan parin naman kita. Matagal tagal narin naman tayong mag kasama kaya hayaan mo naman ako o."
"Wala naman pala akong magagawa eh, bat nag papaalam kapa?" Natatawa niyang sabi sakin.
Nagulat pako dahil sa pag payag niya kaya nahawakan ko na lang ang leeg ko at sinabing. "Para alam mo.."
Nag kwentuhan lang kami doon at nag tuloy lang sa katulad ng dati parang wala ngang nag bago eh.
Sinabi ko na din sakanaya yung pag sali ko sa basketball team. Sana talaga makapasa ako.The day went by fast at nakita ko rin si Keila. Patay sabi ko na nga ba may nakalimutan ako kahapon eh.
"Kei!" Pagtawag ko sakanya at lumapit naman siya sakin."Hi! Mr. Varsity! Di mo naman sinabi na nag try out ka pala? Ganya kanaba ngayon ha Donny?"
"Anong sabi mo? Mr. Varsity?" Nakapasa ako? Nakapasa ako!!! Nang mag sink in ito sa aking utak eh napasuntom na lamang ako sa hangin. "Yes!!!" At napangiti na lang ang bestfriend ko. Di man lang siya nagalit ang bait talaga."Kei, may sasabihin nga pala ako sayo."
"Ano yun?"
"Nasabi ko na kay Carina ang mga nararamdaman ko at sinabi ko na din na liligawan ko siya.. higit sa lahat pumayag siya." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Ah. Congrats kaya mo yan! May naalala nga pala ako may kailangan pakong gawin ha? Maya na lang. Bye." Aalis na nga siya agad? Labi naman ni my friend?
Syempre dahil nililigawan ko na si Carina eh kailangan nasa tabi na niya ako lagi. Katulad ng ginagawa ng mga normal na nanliligaw ginagawa ko din yun. Pero ang pagkakaiba ako sinunod ko ang sabi saakin ng aking mga magulang na dapat pahalagahan ko siya katulag ng pag papahalaga ko sa aking Ina.
"Hatid na kita sainyo."
"Wag na jan lang naman walking distance na lang kaya ko na."
Tinanung ko pa siya ulit pero ayaw talaga. Bakit kaya ayaw niya? Alam ko naman na pag handa na siya mag sasalita din naman siya.Nag vibrate ang phone ko at nag text ang group namin sa basketball team na may training daw bukas. Muntik ng nawala sa isip ko na may obligasyon na din pala ako sa team mates ko.
Kinabukasan agad akong nag punta sa gym at nag training kasama ang mga nakapasa sa try outs. Siguru nga kailangan ko na din mag work out para mag kalaman naman tong mga alaga ko?
Nagulat ako ng matapos ang practice namin ay nandito na si Keila. Pano niya nalaman na may training kami ngayon? "Wag kana mag taka. Alam ko lang talaga." Sabay kindat niya pasakin at abot ng tubig. Pinunasan niya din ang pawis ko. Pero syempre dahil may hiya panaman ako kinuha ko na sakanya iyon.
Nag palit ako para hindi na din nakakahiya sakanya ang amoy kong pawis. Nag kwentuhan lang kami ng may nag text sakanya. Kaya umalis din siya? Ano ba meron at lagi na lang umalis si Keila ngayon? Suguro dahil sa SA niya? Tama suguro nga. Mag iisip na lang ako ng pweding gawin para sa pwedi kong panliligaw kay Carina. Iniisip ko palamang tao. Grabe naman nakakabakla na!!
I gotta start making moves.---
Grabi tagal ko ng hindi nag uupdate. Sorry guys.

BINABASA MO ANG
This Is My Story
LosoweThis story is not like any stories you may have read or encountered. This story is about the people you're with in everyday living. About friendship, family, beliefs, hatred, forgiveness and love. This Is My Story.