Donny's POV
Matapos ang aming klase ay hinintay muna namin ni Keila na makalabas na ang lahat para hindi na kami maki siksikan sa kanila.
"San mo gusto kumain?" Tanong ko sakanya. Gutom na naman ako.
"Kahit saan. Pwede na basta wag mahal at KKB ha?" Sayang naka
lusot pero ayos lang. Ako na lang manlilibre dito sa babaeng to, kuripot masyado. Pero syempre biro lang alam ko naman na may pinag iipunan lang siya.Nang makalabas na kami sa school ay lumakad na kami kung saan man kami dalhin ng aming mga paa.
"Duon na lang tayo o. Kwek-kwek, gulaman at scramble." Ngiti-ngiti nitong sabi. Kakaiba talaga sikmura ng babaeng to, galing sa mainit na kwek-kwek biglang malamig na scramble.
Habang kumukuha si Keila ng mga kakainin niya ay pinanood ko muna siya. Sa tagal ng pag kakakilala namin ay hindi man nag bago tong babaeng to. Nag papasalamat ako at nakilala ko siya, at alam kong napaka blessed ko para maging best friend ko siya.
Hindi niya ako iniwan pag may problema ako o tuwing may kakaiba akong nararamdaman. Sa aming dalawa ako pa ata ung babae samin dahil laging siya ang nanjan pag kailangan ko siya.
Pangako ko sa sarili ko na pag kailangan niya ko lagi akong nanjan at proprotektahan ko siya. Sana magawa ko yang pangako ko.
Nang matapos niya ng kuhanin ang gusto niya ay binayaran ko na ito kaagad. Alam kong aangal pato. Pero dahil nabayaran ko na wala na siyang magagawa.
"Huy, bat mo binayaran? Diba KKB, dami ko kayang binili. Pero thank you ha." Tignan mo to reklamo pa pero mag papasalamat din. Pakipot pa pero tuwang tuwa naman talaga. Kakaiba talaga hindi ko maintindihan ang mga babae.
"Hoy, hindi lang libre yan no? Bigyan mo ko. Dami mo kayang kinuha." Pan titrip ko sakanya.
"Eh?! Bili ka na lang ng sayo. Pati akin kukuhanin mo pa." Ehh? Damot talaga neto.
Kumuha na lang ako ng isang stick ng kwek-kwek at kinain un. Hindi naman maarte tung babae na to kaya alam kong ayos lang. Napa iling na lang ito habang naka ngiti sa akin. Masarap sa pakiramdam na kahit matagal na kaming mag kaibigan ay wala parin nag bago samin.
Matapos namin kumain ay napag kasunduan na namin na umuwi na. Ihahatid ko nato wala naman masyadong gagawin.
"Hatid na kita sainyo, namimiss ko na din sila tita." Totoo naman eh miss ko na din sila tita at tito. Alam ko naman na nasa bahay na sila sa mga ganitong oras galing work nila.
"Osge, pero may dadaanan lang ako sandali. Kung ayos lang?" Tumango na lang ako sakanya at nag kwentuhan kung saan man ang kanyang pupuntahan.
"Bookstore?!!" Pag kabigla ko ng tumigil kami sa harap ng entrance nito.
"Bibili ka nanaman ng libro? Tapos mo na nga ung binabasa mo nung isang araw?" Bilis naman mag basa neto. -_-
"Oo eh. Alam mo naman na mahilig akong mag basa. Wag ka mag alala pahihiramin din kita. Alam ko naman na gusto mo din basahin ung mga natatapos ko ng basahin. Alam mo bat di ka mag basketball? Lagi ka nalang nag babasa?" Sumimangot na lang ako sakanya bilang sagot.
Gusto ko din naman ng basketball pero mas gusto ko mag basa. Tahimik ka lang, relax walang hassle at may natututunan kapa.
Loko talaga tung babaeng to pinag tawanan nalang ako. Hay ano nakaya madadatnan ko sa bahay nila? Nako baka mas malala. Pero ayos lang sanay na din naman ako sa kanila.
One time nga natulog na din ako sakanila. Aba at late pala to natutulog at nag babasa lang? Di nako mag tataka kung bakit naka salamin din to eh. Nag mana sa best friend. Gawain ko din kasi yan eh. Hahaha. (^v^)
Pero nung gabing un nag movie marathon lang kami at kumain ng sandamakmak na chichirya at ice cream. Sama ng combination ng gusto namin no? Maalat tas matamis? Gulo ng chan namin pero di naman kami nag kakasakit? Hay sana walang side effects un. Lagot na lang talaga kami.
Nang gabing yun naka tulog na lang si Keila kaya nung napansin ko kasi na may mabigat sa balikat ko, ulo na pala niya at bagsak na. Knock out kung baga. Weird talaga ng babaeng to. Pero hinayaan ko na lang siya at mag isang nanood. Habang naka ngiti sa mga nakikita ko.
---
Hello po sorry po kung ganyan update. Pero vote, share and comment lang po. Salamat po. God bless.

BINABASA MO ANG
This Is My Story
RandomThis story is not like any stories you may have read or encountered. This story is about the people you're with in everyday living. About friendship, family, beliefs, hatred, forgiveness and love. This Is My Story.