Chapter 3: Keila's Family

27 1 0
                                    

Donny's PoV

"Andito na po ako." Sabi ni Keila habang binababa ang mga gamit niya. Lumabas bigla galing sa isang kwarto si tito Jake, daddy ni Keila.

"May bisita ka pala." Kakaiba talaga pamilya ng babaeng to. Bigla ba naman sumusulpot kahit saan? Hahaha. Natawa na lang ako sa naiisip ko.

"Hi! Tito." Sabi ko habang nag mamano. Sabi sakin ng mga magulang ko eh dapat mag bigay galang lagi sa mga nakakatanda.

"Donny, tumatangkad ka lalong bata ka. :)" naka ngiti ni titong sabi.

"Gabi na. Dito kana kumain sasabihan ko na lang ang parents mo na dumaan ka dito." Dagdag ni tito Jake.

"Ah osge po. Basta pagkain, go lang ng go po." Naka ngiti kong sabi at sabay ng pag tawa ni Keila at Tito.

May nakakatawa bakong sinabi? Tignan niyo naman kakaiba talaga pamilya nila diba? Pero wag kayo mahal ko yan.

Sa hapag kainan, masarap talaga mag luto ni tita, mommy ni Keila. Sanay na sila na andito ako sa kanila lagi. Parang anak na din ang tingin nila sakin at magulang na din ang tingin ko sakanila.

Bago kami kumain ay nag dasal muna kami. Pag bibigay salamat sa Diyos sa kakainin namin. Hindi lahat ng tao nakakakain araw araw kaya nga we are all blessed beyond measure , pero minsan hindi man natin magawang mag pasalamat sa lahat ng biyayang binibigay ng Diyos. Sa simpleng pag papasalamat sapat na.

"Tita, wala paring kupas ang sarap niyo parin po talagang mag luto." Naka ngiti kong sabi kay tita.

"Ikaw talagang bata ka. Aba sge kain lang ng kain." Nag kwentuhan pa kami hanggang sa mapag pasyahan kong umuwi na.

"Sge po Tita, Tito una na po ako." Pag papa alam ko sakanila.

"Mag iingat ka anak." Sabi nila tita sakin.

"Salamat po." Naka ngiti kong sagot sakanila. Hinatid ako ni Keila sa labas ng bahay nila.

"Dons, mag text ka kapag naka uwi ka na ha? Para hindi din ako mag alala." Talagang babaeng to napaka caring. Siguro kung ibang tao lang ako, iisipin ko na lang na may gusto sakin si best friend dahil sa pag ka protective niya sakin.

"Opo, mag te-text po." Sabay ng pag kurot ko sa pisngi niya.

"Ano ba! Mashaket. Lumayas kana nga." Sabay ng pag tanggal niya sa kamay ko sa mga pisngi niyang na mumula na at pag irap ng mata niya sakin, pero ngumiti din pag katapos.
Mga babae nga naman o. Iba iba ang mood.

"Pinapalayas nako ng best friend ko, ang sakit." Sabay hawak ko sa dibdib ko na parang talagang nasaktan.

Ginulo niya na lang ang buhok ko at tumawa sabay pasok na sa bahay nila.
Makalipas ang kalahating oras ay naka uwi narin ako at tinext ko nga si Keila gaya ng sabi niya. Humalik sa mga magulang ko at ginawa ang kailangang gawin at pag katapos ay napag pasyahan na mag pahinga na. Matapos kong mag dasal ay bigla ko na lang naisip ung babaeng nasagi ko. Kelan ko kaya siya ulit nakikita?

---

Keila's PoV

"Naka alis naba si Donny?" Tanong ng mga magulang ko.

"Opo, sabi ko din sakanya na mag text pag naka dating na siya sakanila." Sagot ko.

"Anak, kelan ka mag papaligaw? Hanggang ngayon wala kang pinapa kilala samin." Sabi ni mommy.

"Ehh?!! Ligaw? Naku wala naman po sa isip ko yang mga bagay na yan eh." Sabi ko habang hawak ang leeg ko, dahil sa bigla ng pag tatanong nila.

"Si Donny, may nililigawan ba?" Napaisip ako sa sinabi nila.

"Bakit niyo po natanong? Sapag kakatanda ko po. Eh wala naman po yata?" Tumango lang silang dalawa at nag katinginan.

Parang may sinasabi sila sa mga tingin nila. Pero hindi ko talaga mabasa, ayyy! Ewan. Baka ako lang nag iisip nun.

"Gusto namin si Donny para sayo!" Sabay nilang sabi. Unison pa.

Nagulat ako sa sabay nilang pag salita. Ehhh? Gusto nila si Donny? Pero malabo yun eh. Tama malabo talagang mangyari.

"Gusto niyo lang pu siya para sakin, dahil siya lang naman po nakikita niyong kasama kong lalaki eh?"

Napa kamot nalang sila sa ulo nila. Ang cute nilang dalawa sabay kasi nilang ginawa un. (^~^)

Ginawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin at nag good night sa parents ko. Pumasok ako sa aking kwarto at humilata na sa kama. Napag isip isip ko ung sinabi ng parents ko. 'They want Donny for me? Seriously?!! I just drifted to sleep after that weird thought.

---
Salamat po sa pag babasa. Don't forget to vote, share at leave a comment po :) Salamat.

This Is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon