Chapter 1: Beginning

51 3 0
                                    

Keila's POV

Nag lalakad ako sa may malapit sa aming eskwelahan ng may napansin akong lalakeng nag lalakad. 'Parang may kahawig siya? Kaya sinundan ko siya ng may bigla siyang nasaging babae. Maganda siya, sobra. Napatigil ako dahil tama nga ang hinala ko. Siya nga ung lalaking un :)

Ako nga pala si Keila Pangilinan, simpleng babae, may braces at salamin din gaya ng lalaking nakita ko. Senior highschool, 12th Grade to be exact. Taga Pampanga at nag aaral sa isang private school na scholar para hindi na din mahirapan ang mga magulang ko. Ganun ko sila ka mahal na ayaw ko na silang mahirapan pa kahit na only daughter lang din naman ako.

Napangiti na lang ako sa naisip ko. Talagang kilala ko na nga siya. Kasi likod pa lang niya alam ko na. 'Tinapik tapik nung babae si Donny kaya naman panandalian ko muna silang pinanood sakanilang eksena. May sinasabi yung babae pero dahil medyo malayu nga ako kaya hindi ko marinig.

Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumakbo at nakitang medyo naka tigil parin si Dons. Buffering siguro utak. Hahahaha baliw talaga to. Kaya nung nag simula na siyang mag lakad ay tinawag ko na siya.

"Dons, huy sandali lang! Dons." Kaya natigilan siya doon at lumingon, pero hindi niya ata ako napansin kaya nag kibit balikat lang siya at tuloy ng nag lakad. Tawagin ko ulit ung detailed naman para tumigil talaga.

"Huy!! Lalaking naka salamin, braces, matangkad at naka puting long sleeve's sandali lang." Gusto ko yan isigaw pero eto na lang ang nasabi ko.

"Lamech Foster, sandali lang." Na pa smirk na lang ako dahil sigurado ako na hindi un titigil hanggat hindi niya makita ung tumawag sakanya.

Tama nga ang hinala ko dahil lumingon siya at this time ay nakita niya nako. Nung una takang taka siya kung sinong tumawag sakanya. Halata naman sa mukha niya eh. Basang basa mo naman.

Pero nung nakita niya nako at biglang naging maayos ang naka lukot niyang mukha at napa ngiti. Ung ngiting yun. Ung ngiting ang gandang titigan ng kahit matagal. Kasi alam mong genuine un.

Mag best friend kami ni Donny simula bata pa lang dahil mag kaklase na kami at sabay lumaki. Mag ka pareho pa nga kami na naka salamin eh. Kaya madalas pag may nakakakita samin laging iniisip na couples daw kami.

Hahahaha hindi mangyayari un kasi alam namin na hanggang best friends lang talaga kami. Pero malay ba natin diba?

Basta ako, go with the flow and let God do the rest. I'm waiting, I mean we're waiting for the right person for us. The one that God has prepared for us. To love us the way we will love them back.

Marami akong tawag dito sa lalaking to kasi komportable nako sakanya at alam ko din naman na komportable din siya sakin.

Nag lakad lakad pa kami ng nakarating na kami sa building namin.

"O pano ba yan Keila, una nako sa classroom may gagawin ka pa ba?" Tanong niya sakin.

"Ah hindi sabay na tayo wala pa namang pinapa utos sakin ung mga teachers para sa trabaho ko" sagot ko sakanya.

Student assistant kasi ako dahil scholar nga ako. Tumutulong sa teachers sa pag chi-check ng mga papers nila at inuutusan sa office ng ibat ibang gawain ang ginagawa ko.

---

Carina's POV

Sa sobrang pag mamadali ko may na bunggo tuloy ako. Nakokonsensya ako dahil mukhang project pa ata ung na dali ko dun sa lalake. Sa sobrang pag mamadali ko sorry na nga lang ang nasabi ko sakanya eh. Ni hindi ko na nga nagawang mag pakilala, sana mag kita pa ulit kami para makabawi naman ako sakanya.

Ako nga pala si Carina Cope, babaeng laging cramming. Mahilig kasi ako sa last minute na gawain kaya eto laging end up haggard. Pero yaka lang to hahaha basta at the end of the day pagkain lang sapat na.

Galing ako sa isang kilalang pamilya. May business kami kaya nga kailangan kong mag aral ng mabuti dahil alam ko balang araw papa manage din sakin to ng mga magulang ko.

Pero sa ngayon go with the flow lang, ayoko muna isipin yan gusto ko munang ma enjoy ang teenage life ko no. Sabi nila mukha daw akong maarte at mataray pero sa totoo lang, mukha lang un dahil pag talagang nakilala mo nako mag iiba na ang tingin mo sakin dahil kahit ano gusto kong gawin.

I wanna try everything. I wanna experience the life living in simplicity like the commoners, cause I know we cant have everything we have to work hard for it to gain it. Kaya nga ayaw kong may makaalam na may kaya ako sa buhay dahil ayaw kong mag iba ang tingin nila sakin.

"Sawakas nakarating din ako, at this time hindi ako late. May one minute pako hahaha" sabi ko na lang habang kausap ang sarili habang papasok sa aming classroom baka mahuli pako ng teacher namin. Lagut na lang ako dun kung mahuli niya ko. Ilang araw pa lang ang klase ayaw ko naman na agad agad may bad record nako.

"Carina buti maaga ka hindi ka pa late." Yan sabi ng isa kong classmate. Sanay na talaga sila sakin na late ako lagi. Dumating na ung teacher namin at sinabihan kami na mag settle down dahil mag uumpisa na raw ang klase. Sana Lord sana po talaga maging maayos ang last school year ko.

---
Thank you po for reading. :)
Dont forget to vote and share.
Comment narin po para malaman ko ang opinions niyo :) salamat po.

This Is My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon