Donny's POV
"Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig o pagmamahal?" Narinig kong sabi ng aming guro. Nasa classroom ako ngayon at nakikinig sa teacher ko.
"Sir!!" Malakas na sigaw habang naka taas ang kamay na sabi naman ng kaklase ko. "Pag-ibig, nararamdaman mo yan sa opposite sex na kapwa mo." Yan ang sagot niya. Nag bulong bulungan ang mga kaklase ko daril jan.
"Okay guys. Please silence for a while." Napatingin ako sa babaeng katabi ko ngayon. Si Keila, marahan siyang nakikinig sa lahat ng nangyayari. Ako ano nga ba ang kahulugan ng pagmamahal sa akin?
"Thank you Joseph for your answer, and students please stop answering my question in a chorus. That question will be your project for this quarter, you will be all grouped with the other sections I teach, and find a partner here. Make your project a creative one, kayo na bahala sa gusto niyong style sa format ng sagot sa tanong na iyan. After you all have your partners kindly right your names with a piece of paper and pass it to me, then you may go. You are dismissed."
Agad-agad kong pinuntahan si Keila para maka group. Alam kong hinihintay niya lamang ako na puntahan siya. Sinusulat na niya nga ang pangalan naming dalawa sa papel at ipinass ito agad kay Sir Ramon.
"Hayy. Sino naman kaya pwede natin maka group sa mga other sections na tinuturuan ni sir? Cool nga siyang teacher at kakaiba ng way mag turo pero bat ganito? Ang hirap naman yata." Pag mamaktol kohabang sinusundan si Keila.
"Sasusunod na natin yan problemahin. Kailangan ko ng umalis dadaan muna ako sa teachers office baka kailangan nila ako doon. Kita na lang tayo mamaya at pag usapan yan. Bye Donny!"
Wala na siya... Hay, pano nako ngayon tapos na ang klase ko at Hindi ko makakasabay si Keila sa pag uwi ngayon. Nag lakad lakad lang ako hanggang sa makalabas nako ng school premises. May humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon dito.
"Donny! Hello, uuwi kana? Sabay na tayo." Naka ngiting sabi niya. Nakita ko nanaman siya. Bigla akong kinabahan at hindi ko na alam ang gagawin. Nag pawis ang mga palad ko bigla. Ano bayan bakit lagi ko na lang tong nararamdaman tuwing nakikita ko siya?
"Ahh. Sige ba, ayos lang. Saan kaba nakatira?" Tanong ko kay Carina habang nag lalakad kami na hindi nag titinginan.
"Jan lang, pero kaya ko naman sarili ko eh....-" natigilan siya bigla na para bang may inaalala.
"May problema ba?" Nag aalala kong tanong sakanya. Baka may nakalimutan siya sa school at pilit niyang inaalala.
"Ahh, hindi naman talaga siya problema pero namumublema ako dahil dito. Gets mo ba? Gulo ko. pasensya na, wag mo na lang ako pansinin." Syempre dahil sa makulit ako hindi ko siya sinonod. "Ano ba pinupublema mo? Baka matulungan kita."
"Wala pa kasi akong group kay Sir Ramon. May project siya samin pero dahil wala ako masyado ka kilala dito sa school, wala pakong natatanungan kung pwede makisali." Sabay buntong hininga niya. Natigilan ako kagad sa palalakad at napakinig bigla sa sinabi nya. Tinignan ko siya ng may ngiting sinasabing 'matutulungan kita'.
"Ako, pwede mo ko maging ka group. Nag hahanao din kami ng isa ko pang ka grupo ng makakasama na galing sa ibang section ni Sir."
Nag pasalamat na lang si Carina sakin na isinali ko siya sa grupo namin. Okay lang naman siguro ito kay Keila eh. Hinatid ko si Carina hanggang sa may mall sabi niya mag papahinga muna at mag lilibot daw muna siya kaya pinauna niya na ako. Sabi ko sakanya ichachat ko na lang siya sa Facebook kung may meeting man or magkikita man kaming mag grupo.
Pagod nako at gustong magpahinga muna sa bahay kaya karating na karating palang sa bahay ay ibinaba ko na ang gamit ko sa gilid ng kama at nahiga dito. Ichachat ko nalang si Keila mamayang pag gising ko tungkol dito sa magandang balita ko.
BINABASA MO ANG
This Is My Story
RastgeleThis story is not like any stories you may have read or encountered. This story is about the people you're with in everyday living. About friendship, family, beliefs, hatred, forgiveness and love. This Is My Story.