Carina's POV
May tumatamang init sa aking mga mata. Kaya naman pa pikit pikit kong ibinubukas ang mga ito. Nagising ako sa napaka gandang tanawing aking nakita.
Isang napaka lawak na lupain at napaka raming mga halaman at ibat ibang klasing puno. Umikot ako sa aking kama na sinasabihan akong 'its still early go and rest' hinihila ako na parang may magnet o pull of gravity pa, para matulog. I just shake of that thought i might get dissive by this heavenly feeling.
Nag unat ako sabay sabing 'Good morning :)
Nag dasal sa Panginoon sa bagong umagang ibinigay niya sakin na pag kaka taon para makita at masilayan pa ang kanyang mga nilikha. Ang Diyos lang ang makakapag sabi kung hanggang kailan ang buhay ng tao.
Tumingin ako sa salamin at tinignan ko ang aking itchura. Na niningkit pa ang aking mga mata, at gulo gulo ang aking buhok. Ginawa ko muna lahat ang aking morning rituals bago tuluyang bumaba.
Wala ako sa bahay namin ngayon.
Asan nga ba ako? Nandito lang naman ako sa isang lupa namin na ipina titingin sakin ng aking mga magulang. Business.. Business again.Noong isang araw lang nasa ibang bansa ako at palipat lipat ng lugar. Byahe dito, byahe doon. Nakakapagod pero ayos lang. Para naman to sa kinabukasan ko, alam kong tinuturuan at sinasanay lang ako ng aking mga magulang sa pag hawak at sa galaw ng business.
Pero ngayong araw na pag isipan ko lang na mag relax at ienjoy muna ang umaga ko. Nag balak akong mangabayo muna habang masarap pa ang simoy ng hangin.
"Manang, mag papahangin lang po ako sa labas. Paki sabi po kay manong Erding na ihanda ang kabayo ko." Sabi ko kay manang Cecilia.
"Sge po Ma'am, ipapasabi ko na lang ang utos niyo." Sagot niya habang naka ngiti.
"Manang, diba po ang sabi ko Carina na lang ang itawag niyo sakin? Wag niyo na po akong tawaging Ma'am. Para ko na din po kayong nanay."
"Pasensya kana ija, talagang nasanay lang ako. O siya sge na mag handa kana ng mga gagamitin mo sa pag ikot ikot dito sa farm." Ayun nakita ko din ang mga ngiti ni Manang na umaabot hanggang mata.
Pumunta nako sa may mga kabayo ng matapos kong mag handa sa lahat ng kailangan ko. Madami na din ang kabayo dito pero gustong gusto ko paron ang nag iisa kong kabayo na si makibao. Pinangalan ko siya katulad dun sa napanood ko sa isang palabas noong bata pa lamang ako. Kahawig din niya kasi siya eh.
"Carina, eto na ija ang kabayo mo." Sabi ni Manong Erding.
"Salamat po Manong. Sige po mag umagahan napo kayo. Paki sabi na din sa iba pong trabahador." Sagot ko sakanya, habang ini hahaplos ang buhok ng kabayo ko.
"Eh, ija kanina pa kami nag umagahan. Talagang maaga magising ang mga tao dito para maaga din matapos ang mga kailangan nilang gawin."
Ngumiti, tumango at nag pa alam na lamang ako sakanya. Sumakay nako sa aking kabayo at pinatakbo ito ng mabilis sa malawak na lupain namin.
'Hayyy. Andaming pina pa trabaho ng aking pamilya. Lahat sila umaasa samin, kaya kailangan din naming lahat para lamang ma balik lahat ng pag papagod at pag tiwala nila samin. Ang iba dito na manggagawa nila mama ay matagal na dito at tumanda na. Pero ayaw din naman nilang mag retiro dahil mahal daw nila ang ginagawa nila.
Habang ako ay nag lilibot sa aming lupain ay may nakita akong mga trabahador kaya binati ko sila at sumagot din naman sila sakin ng naka ngiti. Ang bait ng mga taga dito, simple lang ang buhay na ni nanais nila.
Sa pag iikot ko ng balak ko ng bumalik sa bahay eh may nadinig akong mga kaluskos galing sa mga halaman. Lumapit ako don habang hinahaplos ang kabayo baka magilat ito at tumakbo na lamang bigla.
Habang palapit ako ay may nadidinig ako ng pag hikbi. May umiiyak? Kaya lalo akong na 'kyuryus sa nadinig ko. May nakita akong isang batang lalaki na umiiyak at hawak hawak ang maliit nitong galos sakanyang tuhod.
Linapitan ko to ng naka ngiti dahil lumuwag bigla ang kabang naramdaman ko kanina. Bumaba din ako sa aking kabayo. Habang papa lapit ako sa bata naalala ko siya nung bata pa ako. Ganyan din ako iiyak lang ng tahimik dahil baka magalit sila dahil sa likot ko.
"Halika ihahatid na kita sainyo."
Sabi ko sa bata habang tinitignan ang kanyang sugat. Sa aking palagay baka nasa apat o limang taong gulang pa lamang siya.
Wala siyang sinagot kaya naman ay binuhat ko na lamang siya at inilagay sa aking mga bisig. Maliit pa siya, siguradong mag aalala ang kanyang magulang.
Sa mga nadadaanan kong nag tratrabaho eh, itinanong ko kung saan naka tira ang bata? Ayaw niya kasing mag salita at tuloy lang sa pag iyak. Sa aking palagay baka masakit talaga ang pag kaka dapa niya.
Ipinakuha ko na din si Makibao sa napag tanungan ko at sinabing paki balik na lang siya sa may bahay. Linilis ko na din ang sugat ng bata ng may madaanan kaming lawa kung saan may nakita pakong mga babae na nangingisda.
Humigpit ang kapit ng bata sakin ng malagyan ko ng tubig ang sugat niya. Baka kasi ma impeksyon pa iyon kaya kailangan ng linisin para hindi lumala.
Nang makarating kami sa kanila eh, nakita ko kagad ang pag ka gulat ng kanyang ina sa aking biglang pag dating.
"May sugat po siya nung nakita ko siya. Inihatid ko na po dito dahil baka mapano." Sabi ko habang ibinibigay ang bata pero ayaw niyang alisin ang hawak niya.
"Salamat po Ma'am, baka po mamaya padin po umalis sa yakap yan. Ganyan po kasi talaga siya pag umiiyak, pag may lumapit sakanya hindi niya agad bibitawan, pag pasensyahan niyo na po." Sabi ng ina niya.
"Naku, ayos lang po iyon. Chaka Carina na lang po ang itawag niyo sakin. Ano nga pu palang pangalan niya?" Pag tatanong ko.
"Ah, Ramah po ang pangalan niya." Nag kwentuhan pa kami hanggang sa, naka ramdam ako ng gutom. Kaya kahit nahihiya ako eh naki kain ako.
Napangiti na lang si Aleng Berta sa pagka hiya ko sa pag tatanong. Na sabi niya na siya raw dapat ang mahiya dahil sa anak niya naabala pa daw ako.
Matapos kong kumain eh ibinaba ko saglit si Ramah sa kama dahil parang naka tulog na siya sakin. Nang inihiga ko siya ay bigla siyang nag salita.
"Ate, laro po tayo ha? Balik po kayo at salamat din po." Napangiti na laman ako sa sinabi niya.
Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok para mas makapag pahinga siya kagad. "Oo, babalik si ate para mag laro tayo."
Ang mga taong ito, napaka bait nila. Nag papasalamat ako dahil sa walang sawa nilang pag tangkilik sa pamilya ko. Naka ngiti akong tinitignan si Ramah. 'You're my business now kid. I will take care of you. Sabi ko tapos kong halikan ang kanyang noo at nag paalam na aalis nako at babalik na sa Mansion. Kailangan ko ng tapusin lahat ng kailangan kong ipinunta dito para maka dalaw ako ulit kayla Aling Berta.
---
Waahhh!! Huhuhu ang bait bait ni Carina noh guys? Ano pa kayang malalaman natin sakanyan? Stay tune guys, kahit ako excited na!!!

BINABASA MO ANG
This Is My Story
RandomThis story is not like any stories you may have read or encountered. This story is about the people you're with in everyday living. About friendship, family, beliefs, hatred, forgiveness and love. This Is My Story.