Donny's POV
Umalis si Keila ng hindi man lang ako inantay matapos na kausapin si Carina. Sayang naman hindi ko pa tapos kulitin ang babaeng yun eh. Namiss ko na best friend ko. Makatulog na nga lang at mag isip pa ng sagot sa project namin.
Pag dating ko sa school namin meron akong nakitang mga lalaking nag hand out ng mga papel. Lumapit ako don at nag tanong. "Ano yan?" Wow ha? Lakas maki usap feeling close talaga ako! Astig.
"Try outs para sa basketball team. Mag dadagdag kasi ng players ang school dahil maraming nag graduate sa last school years batch." Ahh kaya pala. Maka sali nga. "Pwede bako kumuha? Baka subukan ko?" At binigyan niya nako. Nag lakad lang ako don at binasa ang nakalagay.
Ang sabi sa papel, pwede daw mag try out lahat ng lalaki basta magaling sa basketball. Hmmmm? Itanong ku muna suguro si Keila tungkol dito. Baka mag tampo sakin yun pag wala nakong time. Pati na rin si Carina kasi di pako nakakapag sabi sakanya na manliligaw ako, baka ayaw niya ng mga lalaking walang time sakanya. Tama!! Ang talino mo talaga Donato!! Hahaha. Pag kakausap ko sa sarili ko, kaso sa utak lang baka isipin nila sira ulo nako dito kinakausap sarili ko?
The day went by so fast that here I am at the gym trying out for the basketball team. Naisip ko kasi bigla gusto ni Keila na mag involve naman kami sa school activities kaya maiintindihan ako nun. Si Carina naman dagdag pogi points pag marunung mag basketball ang lalaki. hahaha Ang galing ko talaga! Pero ang gulo ko? Paibaiba lang ang isip? Parang babae?
Nag laro ako sa 2nd quarter ng laro. Pag hawak ko ang bola gumagawa ako kagad ng moves ko. Mga lay-ups, dribblings, shootings at iba pa. Para madali akong makuha. Hehehe magaling naman ako mag basketball eh. Sana matanggap ako. Naaalala ko nga pati si Keila marunung kahit na babae yan. Marunung hahahha. (Wag kayong mainggay pero tomboy ata ang best friend ko eh?!) Hahahahha! Naalis ako sa game nung nag 2nd half kasi ibang nag try outs naman para matest ang lahat.
Next week ku pa malalaman kung matatanggap ako kaya chillax muna ako. Iisipin ko na din yung sa priject at kung paano gumawa ng moves sa panliligaw. Tanungin ko rin suguro si dad para dito? Ayy hindi dapat babae kasi kapwa nila naiintindihan ang gusto. Tama!!!! Nag niningning ang aking mga mata sa aking naisip.
'Grrr Ha?? Ano un? Tumingin ako sa kaliwa at kanan kaso wala naman akong nakita kaya nag lakad lang ako papuntang banyo para mag palit ng damit. Pawis na ko eh. 'Grrr hala?! Ayan nanaman. Ano ba yun? Baka baka.. Biglang lumakas ang hangin kaya nag sitaasan ang mga balahibo ko. 'Grrr ng marinig ko ulit ang tunog na yun ay wala nakong nagawa kundi ang tumakbo!! WAHH! 'Grrr napatigil ako sa pag takbo ko ng may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Napahawak ako sa chan ko at napa isip. Ang halimaw lang pala sa sikmura ko ang nag iingay dami ko pang naisip na kung ano ano. Ano ba naman yan?!
Kaya napahilamos na lamang ako sa aking mukha at napailing, hay gutom nako suguro kailangan ko lang itong ikain.
Matapos kong mag bihis at maligo ay nag call ako kay Carina at tinanung kung asan na siya. Sabi niya asa bahay na niya kaya nag goodbye na lang ako kagad maayos na siyang nakauwi ayos na sakin un.
Kaya umuwi ako sa bahay at nakita ko ang aking nanay na nag hahanda ng pagkain. Natanong ku siya kung pano ba manligaw sa babae at ano ang pag-ibig para sakanya.
"Anak.." hindi na nasagot ng nanay ko ang sasabihin niya dahil biglang may nag salita sa likod namin. "Manligaw ka katulad ng kung paano mo tratuhin ang nanay mo." Nakangiting sagot ng tatay ko saakin. Napangiti ako sa sinabi niya. Tama kailangan ko ngang gawin yun.
"Ang pagibig naman anak ay kung ano ang nararamdaman mo pag gising mo ng umaga. Kung sino ang naiisip mo." Bukas paggising ko isusulat ko kagad.
Buti na lang at may mapag mahal at maunawain akong mga magulang kundi di ko na alam ang gagawin ko sa mga problema at iniisip ko. Napabuntong hininga ako matapos kong isipin ang mga bagay na yon. Masikip ang dibdib ko at parang kinakabahan ako. Parang.. parang kasi na may nakalimutan ako?

BINABASA MO ANG
This Is My Story
RandomThis story is not like any stories you may have read or encountered. This story is about the people you're with in everyday living. About friendship, family, beliefs, hatred, forgiveness and love. This Is My Story.